Diet Tips Para Sa Arthritis | RiteMED

Diet Tips Para Sa Arthritis

November 29, 2017

Diet Tips Para Sa Arthritis

Ano ang arthritis?

Ang arthritis ay ang pamamaga ng joints ng isang tao at maaari itong maka-apekto ng isa o higit pa sa isang joint. Mayroong itong higit pa sa isang daang klase, na may iba’t ibang klaseng sanhi at treatments. Isa sa mga pinaka-common na uri ng arthritis ay osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Ang arthritis ay common sa mga adults over 65 years old, subalit maaari din magkaroon nito ang mga bata, teens at young adults. Ito din ay mas common sa mga babae at mga taong overweight o obese.

 

Ano ang mga symptoms ng arthritis?

Dahil may iba’t ibang klase ng arthritis na may iba’t ibang klaseng symptoms, importante na malaman ang mga common symptoms nito. Ang mga ito ay ang mga common symptoms ng arthritis:

  • Joint pain

  • Stiffness o paninigas

  • Swelling

  • Hirap sa pag-galaw

  • Redness o pamumula ng balat around the joint

Anya din ng mga experto, madaming tao ang nakakaranas ng mga symptoms na ito tuwing umaga.

 

Ano ang mga sanhi ng arthritis?

    Ang arthritis ay classified bilang isa sa mga rheumatic diseases. Ang sanhi nito ay mayroong iba’t ibang features, treatment, complication at findings, depende sa klase ng arthritis. Ang mga ito ay ilan sa mga common na sanhi ng arthritis:

  • Injury (maaaring magdulot ng osteoarthritis)

  • Metabolic abnormalities (maaaring magdulot ng gout o pseudogout)

  • Heridetary factors

  • Infections (viral at bacterial)

  • Diet

  • Pagiging overweight o obese

 

Tamang diet para sa arthritis

undefined

Ayon sa mga experto, mayroong mga pagkain na maaaring makatulong sa pagpapabuti sa taong may mga arthritis at mayroon din mga pagkain na dapat iwasan para bumiti o maiwasan ang pag-develop ng arthritis. Alamin ang mga dapat kainin at dapat iwasan para sa arthritis:

Dapat kainin

  • Fish

Ang fish ay mayaman sa omega-3 fatty acids na isang anti-inflammatory substance. Maliban dito, ayon sa mga pag-aaral, ang pag-inom ng fish oil supplement ay maaaring makatulong upang mabawasan ang joint swelling, tagal ng morning stiffness at diease activity ng mga tao na may rheumatoid arthritis.

Portion: Ayon sa American Heart Association and the Academy of Nutrition and Dietetics, mainam na kumain ng 28 grams of fish, twice a week para bumuti ang arthritis o maiwasan ito.

  • Nuts and seeds

Ang nuts ay mayaman sa inflammation-fighting monounsaturated fat. Kahit ito ay high in fat and calories, ayon sa ilang pag-aaral, nakakatulong ito sa pagbawas ng timbang dahil sa protein, fiber at monounsaturated fat.

Portion: 45 grams daily

Best source: Walnuts, pinenuts, pistachios at almonds

  • Fruits and veggies

Ang fruits and vegetables ay mayaman sa antioxidants at ito ang nagsisilbing defense system ng katawan, na tumutulong i-neutralize ang free radicals na nakakasira sa cells sa katawan.

Ayon sa mga pag-aaral, ang anthocyanins ay mayroong anti-inflammatory effects. Makukuha ito sa mga prutas kagaya ng cherries, strawberries, raspberries, blueberries at blackberries.

K-rich vegetables kagaya ng broccoli, spinach, lettuce, kale at cabbage ay maaari din bawasan ang inflammatory markers sa dugo ng isang tao.

    Portion: 9 cups or more daily.

  • Olive oil

Ang olive oil ay mayaman sa heart-healthy fats at oleocanthal na mayroong nonsteroidal, anti-inflammatory drugs, ayon kay Ordovas. Nakakatulong ito upang mapabagal ang inflammatory process ng katawan at bawasan ang pain sensitivity ng isang tao.

    Portion: 2 to 3 tsp. daily

  • Beans

Ang beans ay mayaman sa fiber at phytonutrients. Ang mga ito ay nakakatulong ipababa ang CRP, isang indicator ng inflammation sa katawan. Maliban dito, ang beans in ay isang murang alternative source for protein, na importante for muscle health.

Portion: One cup, twice a week

  • Whole grains

Ang whole grains ay mayaman sa fiber. Ito ay nakakatulong magpababa ng blood levels ng inflammatory marker na C-reactive protein.

Portion: 170 grams per day

Best source: whole-wheat foods, oatmeal at brown rice

 

Dapat Iwasan

  • Fried at processed foods

Ang pagbawas ng pagkain ng fried at processed foods ay maaaring makatulong upang mabawasan ang inflammation sa katawan at ibalik ang natural defenses ng katawan.   

  • AGEs o advanced glycation end product

Ang AGEs o advances glycation end product ay isang toxin na lumalabas tuwing ang pagkain ay fried, grilled o pasteurized. Ang AGEs ay sumisira sa protein ng katawan, kung kaya’t nilalaban ito sa pamamagitan ng paglabas ng cytokines, isang inflammatory messengery. Kung kaya’t ang pagkain ng fried, grilled at pasteurized foods ay maaari magdulot ng arthritis.

  • Sugar at refined carbs

Ang high amount of sugar sa diet ay maaaring magdulot ng pag-increase ng AGEs sa katawan, na siyang maaaring magdulot ng arthritis.

  • Dairy products

Ang mga dairy products ay pasteurized upang patayin ang iba’t ibang mga bacteria nito. Dahil dito, maaari itong magdulot din ng arthritis.

  • Alcohol at tobacco

Maliban sa iba’t ibang health risk na dala ng alcohol at tobacco, maaari din itong magdulot ng arthritis.

  • Salt at preservatives

Importante na binabantayan ang mga kinakain na pagkain. Mayroong ibang pagkain na high in salt o may preservatives upang mapatagal ang shelf-life nito. Ang madalas na pagkain ng foods na high in salt o preservatives ay maaaring mag-cause ng inflammation ng joints, kung kaya’t importante na ugaliin na kumain ng healthy na mga pagkain.

  • Corn oil

Ang corn oil ay common sa mga baked goods at snacks. Nakakabusog man ang mga ito, mataas naman ito sa omega-6 fatty acids, na siyang maaaring mag-trigger sa arthritis. Kaysa kumain ng mga pagkain na mataas sa omega-6 fatty acids, mabuti na piliin ang mga pagkain na mataas ang omega-3 fatty acids dahil ito may maaaring makatulong sa arthritis.

Mayroong iba’t ibang klase ng arthritis at mayroon din itong iba’t ibang symptoms at treatment. Kahit ganon man, simple lang ang paraan para maiwasan ito. Kumain lamang ng husto at tama. Kung ikaw ay nakakaranas ng ilan sa mga symptoms na nabanggit sa article na ito, importante na kumonsulta sa Doktor upang malaman kung ano ang dapat gawin ukol dito.
 

Sources:

  1. http://www.arthritis.org/living-with-arthritis/arthritis-diet/anti-inflammatory/the-arthritis-diet.php

  2. https://www.healthline.com/health-slideshow/foods-to-avoid-with-arthritis#1

  3. https://www.medicinenet.com/arthritis/article.htm

  4. https://www.healthline.com/health/arthritis#causes3



What do you think of this article?