7 Bad Habits na Dapat Iwasan Para Hindi Magka-arthritis

November 30, 2020

Alam mo ba na nalaman sa mga pagsusuri na kahit ang mga prehistoric men at dinosaurs ay nakaranas ng arthritis o pananakit ng kasukasuan?

Sa sobrang pangkaraniwan na nitong sakit, marami sa ating mga Pinoy ang madalas balewalain ang mga early signs and symptoms nito. Dalawa sa pangunahing sintomas ng arthritis ay stiffness at joint pain, na kadalasan ay lumalala habang tumatanda. Samantala, ang dalawang pangkaraniwang uri naman nitong sakit ay tinatawag na rheumatoid arthritis (RA) at osteoarthritis (OA).

Mahirap magkaroon ng arthritis dahil apektado nito ang iyong joints at overall movement kaya hindi mo magagawa nang maayos ang ilang pang-araw-araw na gawain. Bilang precaution, narito ang ilang bad habits na dapat iwasan dahil maaaring maging sanhi ng arthritis.

 

  1. Magdamag na pagseselpon gamit ang hinlalaki

 

Ang pagte-text, pagta-type, at paglalaro gamit ang cellphone ay nakakadulot ng stress sa iyong mga kamay, lalo na sa mga hinlalaki, dahil napupwersa ang mga ito sa isang awkward at hyperextended position kaya naiirita ang tendons. Ayon sa mga eksperto, 60 porsyento ng overall function ng ating kamay ay nakadepende sa ating hinlalaki kaya mahalaga na mapanatili itong maayos at malayo sa arthritis. Maliban sa kamay, ang pagseselpon din ay maaaring makasama sa leeg kapag yumuyuko’t nakatingin sa screen, at sa balikat naman kapag hawak nang malapitan ang device sa mukha.

 

  1. Pagsusuot ng maling pares ng footwear

 

May ilan sa atin ang mas tinitimbang ang aesthetics kaysa comfort kapag bumibili ng sapatos o kahit anong footwear. Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagsusuot ng sapatos na hindi swak sa iyong sukat ng paa at ang patuloy na paggamit ng sapatos na pudpod ay isa sa mga leading causes of arthritis, partikular ang foot joint pain osteoarthritis. Kung magsusuot ng footwear na hindi sapat ang suporta sa iyong paa at bukung-bukong, magdudulot ito ng stress sa buong binti at sa katagalan ay pati na rin sa balakang at likod.

 

  1. Pagtulog nang nakadapa

 

Isang remedyo sa paghihilik ang matulog nang nakadapa. Pero alam mo bang maaari magdulot ito ng mas maraming problema dahil apektado nito ang halos buong katawan mo? Kung padapa ka matulog, mapipilitan kang i-twist o ipihit ang ulo at leeg mo patagilid, na siyang nagpapa-stress sa iyong nerves. Maliban pa dito, pwede kang magkaroon ng awkward spinal alignment dahil nako-compress ang spine kapag nakadapa sa patag na higaan. Kung maaari, matulog sa natural na posisyon na nakatihaya o nakatagilid.

  1. Pagpupuyat o mabilisang pagtulog lang

 

Maliban sa tamang posisyon ng pagtulog, importante rin ang sufficient at quality sleep bilang natural na arthritis treatment and prevention measure. Ayon sa pag-aaral, nasa 80 porsyento ng mga indibidwal na may arthritis ang hirap matulog, at napag-alaman ng mga researchers na ang hindi pagtulog nang sapat na oras ay pwedeng magpalala ng joint pain.

  1. Madalas na pagkonsumo ng high-purine foods

 

Nagpo-produce ang ating katawan ng uric acid upang durugin ang purine na nakukuha sa iba’t ibang pagkain. Kapag nasobrahan ang katawan natin sa uric acid, ito’y tinatawag na hyperuricemia na siyang sanhi naman ng gout na isang pangkaraniwan at kumplikadong klase ng arthritis. Ang ilang halimbawa ng high-purine foods ay laman-loob o organ meat, seafoods gaya ng tahong, tawilis, tuna, at sardinas, red meat, bacon, at wild game gaya ng pato at karneng usa.

  1. Walang humpay na paninigarilyo

 

Akala ng marami ay baga lang ang dinadali ng bisyo na paninigarilyo. Ang nicotine sa tobacco products ay nakakaapekto rin sa joints dahil pinababagal nito ang daloy ng dugo sa buto, tissues, at discs sa spine na nagsisilbing cushion sa pagitan ng vertebrae. Bukod dito, apektado rin ng nicotine ang ating calcium absorption na mahalaga sa pagpapanatili ng malakas na buto at formation ng bagong buto kaya nagiging marupok ang mga ito.

  1. Magdamag na pag-upo sa harapan ng kompyuter

 

Dahil sa pandemya, karamihan sa atin ay nagtatrabaho at nag-aaral virtually sa bahay. Hindi na natin siguro napapansin masyado ang ating posture at kung gaano na tayo katagal nakaupo sa harapan ng kompyuter dahil naka-concentrate sa trabaho at leksyon. Babala ng mga dalubhasa, kapag nasanay tayo sa ganitong gawi, maaaring mag-develop ito ng arthritis pain sa likod, leeg, balikat, siko, at pulsuhan. Dahil hindi naman pwedeng tigilan itong gawain, ang solusyon na lang ay bumili ng ergonomic office chair at maglagay ng cushioned gel pads na patungan ng braso at pulsuhan. Mag-schedule rin ng pagtayo maya’t maya at sabayan ng simpleng stretching.

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/elderly-sick-ill-woman-hold-two-1562123077

Malaking tulong ang pag-iwas sa mga bad habits na ito para makaiwas sa arthritis, pero may tiyansa pa rin na manakit ang iyong kasukasuan. Ngunit huwag ka mangamba dahil marami namang lunas dito sa sakit. Pwede kang kumonsulta sa doktor para maresetahan ka ng arthritis medicine gaya ng painkillers, nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), corticosteroids, disease-modifying antirheumatic drugs (DMARDs), counterirritants, at biologic response modifiers.

Readily available naman itong mga gamot pang arthritis sa pharmacies at drugstores. Pero kung hindi ka makakalabas para bumili, pwede rin mag-rely sa physical therapy at simple exercises para mag-improve ang strength ng muscles sa paligid ng joints.

Marami na ngayong paraan para maiwasan o malunasan ang pananakit ng kasukasuan. Hindi mo na kailangan magdusa sa kirot ng arthritis gaya ng mga prehistoric men at dinosaurs.

 

Source:

https://www.onhealth.com/content/1/joint_pain_arthritis_bad_habits