Patuloy na nagiging malaki ang epekto sa kalidad ng buhay ng karamihan sa mga Pilipino ang arthritis. Para sa isang developing nation kung saan malaking porsyento ng populasyon ang hirap na maabot ng mga programang pangkalusugan ng gubyerno, kadalasan ay napipilitan ang mga nakararanas ng pananakit ng kasukasuan na humugot ng panggastos mula sa sarili nilang mga bulsa. Sa kasamaang palad, walang gamot sa partikular sa arthritis at lahat ng gastos para sa gamot ay para lang maibsan ang sakit na nararanasan ng dahil sa karamdamang ito.
Sa isang perpektong mundo, lahat ng tao ay namumuhay na kalusugan ang pangunahing prayoridad at nakakapaglaan ng sapat na oras para sa ehersisyo. Pero malayo iyon sa katotohanan at kadalasan ay ang mga unhealthy habits natin ang pangunahing sanhi ng sakit na tulad ng arthritis. Gayunman, walang humahadlang sa atin para gumawa ng maliliit na pagbabago patungo sa mas malusog na lifestyle.
Mga uri at sanhi ng arthritis
Bago malaman kung ano bang mga hakbang ang puwedeng gawin upang maiwasan ang mga kumplikasyong dala ng pananakit ng kasukasuan, mahalagang malaman muna natin ang iba’t ibang types and causes of arthritis. Sa katotohanan, ang “arthritis” ay isang umbrella term na ginagamit para mas madaling matukoy ang mga uri ng sakit na may kinalaman sa muscles and joints.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, malaking porsyento ng populasyon, lalo na sa mga highly-urbanized areas, ang nakararanas ng mga sintomas ng arthritis. Ang dalawang pinakakaraniwang uri ng sakit na ito ay ang osteoarthritis (OA) at rheumatoid arthritis (RA). Para sa mga nakararanas ng OA, nagkakaroon ng deterioration sa cartilage na nakatakip sa buto na siya namang nagdudulot ng matinding sakit kapag nagsimula nang magkiskisan ang buto sa kasukasuan. Samantala, ang RA naman ay isang autoimmune disease na nagiging sanhi ng matinding pamamaga sa kasukasuan.
Bukod sa OA at RA, marami rin ang nakararanas ng gout na sanhi ng sobra-sobrang uric acid sa blood stream. Tulad ng RA, nagkakaroon ng matinding pamamaga sa kasukasuan na kadalasang nagsisimula sa binti o paa. Kadalasan ang mga nagkakaroon naman nito ay mga taong hindi healthy ang eating habits.
Bagaman maraming arthritis medicine ang mabibili sa merkado, mas mainam na mag-develop ng healthy habits na maaaring makatulong para maiwasan ang arthritis.
- Iwasang kumain ng over-processed food
Maraming pagkain ngayon lalo na sa urbanized areas ay mataas ang sugar at salt content. Samahan pa ng sedentary lifestyle, ang pagkonsumo ng mga pagkain na salat sa nutritional value at sobra-sobra sa pampalasa ay tiyak na makapagpapataas ng timbang. Kapag tumaas ang timbang, nadadagdagan din ang stress na kailangan tanggapin ng mga kasukasuan na karaniwan namang dahil ng pagkasira ng cartilage sa buto.
- Bawasan ang pag-inom ng alak
Karamihan sa mga madalas na uminom ng alak ay nagkakaroon ng gout. Ang alak na tulad ng beer ay nagtataglay ng purines na kapag pumasok sa katawan ng isang tao ay nagbe-breakdown into uric acid na siya namang pangunahing sanhi ng gout. Bukod sa gout, maaari ring makahadlang sa arthritis medications ang sobrang pag-inom ng alak dahil nahihirapan ang atay na pagsabayin ang pagsalin sa gamot at alak.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/young-ordinary-man-go-sport-home-1686917233
- Mag-develop ng workout routine
Hindi sapat ang pagkain ng tama para tuluyang makaiwas sa mga karamdamang dala ng arthritis. Kailangan ay maglaan din ng sapat na oras para sa tamang ehersisyo upang mapalakas ang joints and muscles at mapataas ang kanilang range of motion. Ang isang taong hindi sedentary ang lifestyle at may sinusundang exercise routine ay mas mataas ang tiyansa na hindi makaranas ng arthritis pain at stiffness.
Hindi kailangang magbabad sa ehersisyo. Mainam na dahan-dahanin ang pag-develop ng workout routine at simulan muna ito sa simpleng paglalakad, jogging, o stretching exercises.
- Maglaan ng sapat na oras sa pahinga
Matapos ang exercise routine, siguraduhing maglaan ng sapat ng oras para maipahinga ang joints at muscles. Ang sobrang paggalaw ay maaari ring magdulot ng matinding stress sa kasukasuan na isa ring sanhi ng OA. Mainam na kumonsulta sa doktor kung hindi sigurado kung gaano ba dapat katagal ang pahinga na kailangan ng iyong katawan.
- Magsuot ng kumportableng footwear
Marami sa atin ang mahilig magsuot ng stylish na footwear katulad ng high heels o magarang leather shoes. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang mga stylish footwear na mataas ang takong ay naglalagay ng added stress at torque sa kasukasuan sa tuhod na isa sa mga pangunahing parte ng katawan na inaatake ng arthritis. Ayon din sa mga medical at shoe experts, iwasan ding magsuot ng mga sapatos na sobra ang cushioning dahil kinokontra nito ang natural shock-absorbing contractions ng paa.
Huwag magdadalawang isip na kumonsulta sa doktor para makakuha ng payo patungkol sa arthritis treatment program na angkop sa iyo. Ang mga hakbang na nabanggit sa itaas ay mga munting payo lamang na kayang sundan ng isang ordinaryong tao upang mapababa ang tiyansa na makaranas ng mga sintomas ng arthritis.
Walang pinipiling edad, kasarian, o estado sa buhay ang arthritis. Ang mga karamdamang dulot ng sakit na ito ay lubos na makapagpapahirap sa mga pang araw-araw na gawain at maaari pa nitong maapektuhan ang kalidad ng buhay ng isang tao.
Sources:
https://nyulangone.org/conditions/rheumatoid-arthritis-in-adults/treatments/lifestyle-changes-for-rheumatoid-arthritis
http://blog.arthritis.org/living-with-arthritis/bad-habits-arthritis-tips/