May mga pagkakataon ba kung saan wala kang gana kumain kahit paboritong ulam mo ang nasa hapag-kainan? O kaya naman ay naduduwal ka kapag iniisip mong kakainin mo ang nasa harap mo?
Kapag madalas mawalan ng gana sa pagkain, maaaring magdulot ito ng ibang problemang pangkalusugan – biglaang pagbaba ng timbang, fatigue o pakiramdam na palagi kang pagod at malnutrition.
Anu-ano ang mga dahilan ng kawalan ng gana sa pagkain?
Ang kawalan ng gana kumain ay maaaring magmula sa mental at pisikal na dahilan. Narito ang mga pisikal na dahilan sa pagkakaroon ng loss of appetite:
- Short-term na problemang pisikal
- Sipon
- Ubo
- Singaw
- Problema sa ngipin
- Respiratory infections
- Bacteria o viral infections
- Constipation o pagtitibi
- Dyspepsia
- Problema sa digestive system
- Acid Reflux o Hyperacidity
- Food poisoning o pagkalason dulot ng bacteria sa kinain
- Food Allergy
- Gastroentritis o ang pamamaga ng bituka
- Pagbubuntis
- Hormonal Imbalance
- Side effects ng gamot
- Paggamit ng ilegal na droga
- Long Term na problemang pisikal
- Asthma
- Diabetes
- Sakit sa atay
- Sakit sa bato
- Masyadong mataas ang calcium sa dugo
- Heart Failure
- Stomach o Colon Cancer
- HIV o AIDS
- Problema sa Thyroid
Heto naman ang mga causes ng loss of appetite na may kinalaman sa pag-iisip:
Ito ay kondisyon ng pag-iisip kung saan nakararamdam ng labis-labis na kalungkutan ang isang tao. Kaya naman nawawalan ng gana sa pagkain o sa pagiging abala sa pang-araw-araw na gawain. Isa sa mga maaaring ireseta ng doktor ay ang escilatopram na nagbabalanse ng serotonin sa ating utak.