Mga Dahilan Kaya Nawawalan ng Gana Kumain
August 28, 2019
Ang ating utak at ang ating sikmura ay magkasamang kumikilos para sabihan ang isang tao kung siya ay kailangan na kumain o hindi. Gutom madalas ay ang paraang ng ating katawan para sabihin na kailangan nito ng enerhiya para gumana. Maraming kondisyon ang marahil dahilan sa loss of appetite o pagkawala ng gana kumain ng isang tao. Tignan ang iba’t ibang sanhi nito:
Diperensya sa Tiyan
Kapag ang pagkain ay nagiging sanhi ng pagkahilo, sakit sa tiyan, paglaki ng tiyan at pagtatae, maaapektuhan ang iyong gana kumain. Ang madalas na dahilan nito ay ang irritable bowel syndrome (IBS). Ang irritable Bowel Syndrome ay isang grupo ng sintomas – abdominal pain at paiba-ibang paggalaw ng iyong bituka na kadalasang walang ebidensya ng pagkasira nito. Kung ganito ang iyong napapansing problema, mabuti na tumungo sa iyong doktor.
Bacteria at Virus
Ang sanhi ng pagkawala ng gana ay maaring dahil sa iba’t ibang bacteria, virus, fungi, at iba pang impeksiyon.
Ang ilang uri ng sakit na maaaring magresulta sa loss of appetite or pagkawala ng gana ay colitis, impeksiyon sa balat, meningitis, at pneumonia.
Stress
Ang stress ay isang kahirapan sa pakiramdam na nagreresulta sa pagkabahala. Kung ang isang tao ay nakakaranas nito, ang ating utak ay nagpapakawala ng adrenaline na nagpapabilis ng pagtibok ng puso at nagpapabagal ng pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Ito ay nakakaapekto sa loss of appetite o pagkawala ng gana kumain ng isang tao.
Mga Gamot
Maraming gamot ang maaaring makaapekto sa pagkawala ng gana ng isang tao. Ang madalas na mga gamot na sanhi nito ay antibiotics, antifungals, at muscle relaxants, Mga gamot para sa depression, Parkinson’s disease, migraine, at high blood pressure ay nakakaapekto rin sa pagkawala ng gana. Iba pang gamot na maaaring makaapekto sa gana kumain ng isang tao a morphine, codeine, at chemotherapy drugs. Kung ang iyong loss of appetite ay dahil dito, komunsulta sa iyong doctor.
Migraine
Ang pananakit ng ulo ay maaaring dahilan kung bakit nawawalan ng gana kumain ang isang tao. Pagkahilo at pagsusuka ay maaari ring dahil sa migraine. Kadalasan, hindi gugustuhing kumain ng isang tao pagkatapos maranasan ang mga ito. Karaniwan din na mawalan ng gana isa o dalawang araw matapos maranasan ang mga ito.
Trangkaso
Kapag ikaw ay tinatrangkaso, ang iyong katawan, ay magpapakawala ng isang kemikal na tawag ay cytokines. Ito ang sanhi kung bakit ikaw ay pagod at walang gana kumain. Ang iyong katawan ay kailangan ng lakas upang labanan ang sanhi ng iyong trangkaso. Ang pagkain ay makakatulong sa iyong immune system para labanan ang iyong sakit.
Pagtanda
Habang tumatanda, ang pagkawala ng gana kumain ay tumataas. Ang iyong pagtunaw sa pagkain ay bumabagal at dahil doon, ikaw ay mabilis mabusog. Ang iyong pang-amoy, paningin at pang-lasa ay humihina habang tumatanda. Mga pagbabago sa iyong hormones, pabalik-balik na sakit, at mga gamot na iyong kinukuha ay maaaring maka-impluwensiya sa iyong gana kumain.
Pagkaalog ng Utak
Isang banayad na uri ng traumatic brain injury, ito ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, at pagsusuka. Sa ibang sitwasyon, maaari ring maapektuhan ang iyong pang-amoy. Sa mga kadahilanang ito nawawala ang gana kumain ng isang tao. Mabuti na ipakonsulta sa doktor ang iyong concussion upang malaman ng mabuti ang sanhi ng iyong karamdaman.
Katayuang Medikal
Iba’t ibang medical conditions o katayuang medical ang maaari ring maging sanhi ng iyong pagkawala ng gana kumain. Ang ilan dito ay: pregnancy hypothyroidism, cancer, anemia, at diabetes. Maliban sa mga sakit na ito, psychological causes o mga sakit na sikolohikal ay maaari ring sanhi ng iyong walang gana kumain. Ilan dito ay kapag ikaw ay malungkot, may depression o kalungkutan na malalim at hindi lumilipas, nagdadalamhati, o nababalisa. Kapag nararanasan ng isang tao ang isang matinding depression, nawawala rin ang kaniyang hilig sa mga bagay na karaniwan niyang ginagawa. Halimbawa sa mga bagay na ito ang: 1) trabaho, 2) eskwela, at 3) mga responsibilidad.
Ano ba ang dapat gawin sa pagkawala ng gana kumain?
Ang lunas ng pagkawala ng gana ay depende sa kung ano ang naging sanhi nito.
Kung ang dahilan ng pagkawala ng gana ay dahil sa kondisyong medical, mahirap mapanumbalik ang gana sa pagkain. Ang pagkain kasama ng pamilya, kaibigan, pagluluto ng mga paborito mong pagkain ay makakatulong sa taong nawawalan ng gana kumain. Ang pag-exercise or ehersisyo ay makakatulong din sa panumbalik ng gana sa pagkain. Makakatulong din na tandaan at ilista ang iyong mga kinakain at kung gaano ito karami bago magpakonsulta sa iyong doktor.
Ang RiteMED Appetite Stimulant Tab ay isang nutritional supplement para sa mga taong nakakaranas ng loss of appetite o pagkawala ng gana kumain. Maaaring gamitin ang gamot isang beses sa isang araw o kung gaano kadalas ireseta ng iyong doktor. Para sa iba pang mahalagang kaalaman sa RiteMED Appetite Stimulant Tab, bisitahin ang Ritemed website sa: https://www.ritemed.com.ph/products/rm-appetite-stimulant-tab.
References:
Pictures: Reasons You Don't Feel Hungry. (n.d.) Retrieved July 30, 2019, from https://www.webmd.com/digestive-disorders/ss/slideshow-reasons-not-hungry
Blake, K. (n.d.) What Causes Loss of Appetite? Retrieved July 30, 2019, from https://www.healthline.com/health/appetite-decreased#when-to-seek-help