Ayon sa isang survey ng Pan-Asian insurance giant AIA Group, ang Pilipinas ay ika-siyam sa mga pinaka-hindi malulusog na bansa sa Asia. Malaking porsyento ng mga Pilipinong nakiisa sa survey na ito ay nagsabing sila ay siguradong hindi sila malusog dahil sa kanilang kinakain at sa mga paraan ng pag-kain nila ng mga ito.
Sa kabila nito, masipag na ginagampanan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang tungkulin para turuan ang mga tao ng wastong paraan ng pag-kain para makatulong sa kabuuang kalusugan.
Ang wastong nutrisyong may kaakibat na wastong paraan ng pag-kain ay isang mahalagang sangkap para manatiling malusog, malakas, at aktibo ang pangangatawan. Ang poor nutrition naman ay maaring makaapekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay at maaaring magpababa sa kalidad ng buhay ng tao. Ito ay pwede ring magdulot ng stress, kapaguran, at pagiging hindi produktibo sa trabaho.
Skipping Meals
Factor sa pagkakaroon ng poor nutrition ang paglagtaw sa isang meal at pagpapalipas ng gutom o ang tinatawag na skipping meals. Karamihan sa mga nagsasagawa nito ay may layuning magpapayat o magpababa ng timbang, ngunit ang kakulangan ng kaalaman sa usaping ito ay may hindi magandang epekto sa katawan ng tao.
Ang mga taong gumagawa ng skipping meals on a regular basis ay posibleng walang sapat ng protina sa katawan na responsible para sa kalusugan ng mga muscles, buto, immune system, at iba pang bodily functions. Kapag mababa ang protina sa katawan ay bumababa rin ang enerhiya para maging produktibo sa mga ginagawa. Ang hindi pag-kain ng isang meal ay hindi lang nakakapaekto sa nutrisyong natatanggap ng katawan pero nakakaapekto rin sa kakayahan ng katawan na mag ehersisyo at magkaroon ng malusog na pamumuhay.
Araw-araw, ang meal na madalas nakakalimutang kainin o intensyonal na hindi kinakain ay ang almusal. Nakaugalian na ang skipping breakfast dahil sa pagmamadali. Mas pinipili na lang hindi kumain ng pinakaimportanteng pagkain sa loob ng isang araw. Ang mas masama pa rito, kung ano na lang ang madampot na pagkain - ang mabibilis ihanda -, iyon na lamang ang pupuno sa kumakalam na sikmura. Karaniwan na rito ang fastfood, instant noodles, at iba pang pagkaing on-the-go.
Para naman sa mga nakababata, ang skipping breakfast to students ay may malaking epekto sa kalidad pag-aaral. Ayon sa Center for Disease Control (CDC), may koneksyon ito sa mababang grades, pagtaas ng bilang ng absences, pag-ulit ng grade level sa eskwela, kakulangan sa confidence sa klase, mabagal na pag-unawa sa mga aralin, at kawalan ng kakayahang mag-focus. Sa pag-aaral ding ito sinabing susi ang pag-kain ng almusal para sa mahusay na performance sa eskwelahan.
Effects of Skipping Meals
Bukod sa mga nabanggit, narito ang ilan sa mga bagay na maaaring mangyari sa pangkabuuang kalusugan kapag mayroong isa o mas marami pang meal ang nilagtawan;
- Hindi nakakukuha ng mga bahagi ng katawan ang mga nutrisyon at bitamina na kailangan para magawa ang kanilang functions nang mahusay.
- Bumababa ang supply ng amino acids, ang building blocks ng protina, resulta para maging mahina ang mga buto.
- Ang hindi pag-kain ng prutas, gulay, at fiber-rich food ay maaaring magpataas ng risk sa pagkaroon ng sakit sa puso at diabetes. Nakakaapekto rin ito sa digestive system. Sanhi ito para makaranas ng diarrhea o constipation.
- Layunin ng pag-kain na maging balanse at wasto ang levels ng blood sugar. Kaya naman, kapag hindi kumakain nang tama ay maaaring maging dahilan ito ng pagiging antukin, pagiging sobrang aktibo, o kaya naman stress. Ang hindi balanseng blood sugar levels ay nakakapagpataas din ng risk ng anxiety at pagigingmoody. Isa pa ay hindi nito napapaayos ang kalidad ng tulog na nagiging dahilan para madaling mag-init ang ulo.
- Mas madalas ang pagkaramdam ng pagod o fatigue kapag hindi kumakain ng nutritious food sa tama nitong oras Bagama’t may ilang benepisyo ang pagtatanggal matatabang pag-kain sa diet, hindi rin maganda ang dulot ng kakulangan ng healthy fats - nagpapababa itong sugar level na nagdudulot ng pagod na pakiramdam, kawalan ng alertness ng pag-isip, at paghina ng immune system.
Kung ang paglagtaw ng meals ay napapadalas kahit hindi naman kailangan, obserbahang mabuti ang mga senyales at epekto nito sa kalusugan. Una itong mapapansin sa matinding pagbabago sa timbang. Maaaring may mga kaakibat na pala na mga eating disorders ang gawaing ito. Kapag hindi nabibigyan ng atensyon, posibleng mas lumalala ang habits na ito.
Anu-ano nga ba ang mga Eating Disorders?
- Anorexia Nervosa
Ang mga may anorexia nervosa ay madalas mga taong ang tingin nila sa sarili nila ay matataba kahit na ang katotohanan ay underweight sila. Ang mga taong may ganitong eating disorder ay naniniwalang sila ay labis sa timbang. Sa katotohanan, sila ay underweight na - hindi na angkop sa kanilang height, weight, at edad ang kanilang timbang.
Ilan sa mga senyales ng anorexia ay ang madalas na pagtitimbang ng sarili, pagiging strikto sa dami ng kinakain, labis na pag-eehersisyo, at ang sapilitang pagpapasuka sa sarili para mailabas ang pagkaing kinain, sanhi para mabawasan ang kanilang timbang. Mataas ang bilang ng namamatay dahil sa kondisyong ito.
- Bulimia Nervosa
Ang may mga ganitong kondisyon ay madalas may paulit-ulit na pagkonsumo ng malalaking servings. Kasama na rito ang kawalan ng kontrol sa mga kinakain. Kasunod ng overeating ay ang pagpapasuka nang pilit sa sarili, gaya ng sa anorexia.. Sinasamahan din ito ng labis na pag-eehersisyo. Mahirap itong matukoy dahil may mga taong bulimic na may normal na timbang. May iba naman ding undeweight at overweight. Para makasigurado, ikonsulta ang mga napupunang sintomas sa doktor.
- Binge-Eating Disorder
Ayon sa pangalan ng kondisyong ito, labis na pag-kain nang walang kontrol ang problema ng nakakaranas nito. Hindi kagaya ng bulimia nervosa, hindi sinusundan ng sobrang exercise o sapilitang pagsuka ang binge-eating disorder kaya madalas ay overweight o obese ang mga taong may ganitong eating disorder.
Tinuturing na may kaakibat na mental disorder ang mga taong may eating disorders kaya mas mataas ang risk ng mga ito sa suicide. Dahil sa iba’t ibang pamamaraan sa modernong medisina at iba pang disiplina, posible nang maging malaya sa mga kondisyong ito at bumalik sa normal na kalagayan.
Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang para sa tuluyang kagalingan:
- Sumailalim sa isahan o pang-grupong psychotherapy para makatulong sa pagbabago ng state of mind ukol sa pag-kain nang tama;
- Huwag mag-alinlangang humingi ng medical care at monitoring mula sa mga health professionals gaya ng nutritionist;
- Sundin ang napagkasunduang treatment plan na angkop sa eating disorder na pinagdadaanan; at
Ang treatment sa taong may eating disorder ay nababase sa antasng kondisyon. Ang pinaka-unang susi para sa gamutan ay ang pagtanggap ng nararanasang eating disorder at pagbuo ng isip na nangangailangan ng tulong para mapagtagumpayan ito..
Kung ikaw man o ang iyong mga mahal sa buhay ay dumadaan sa anuman sa mga nasabing eating disorder, ibayong pagsuporta, disiplina, at pang-unawa ang kailangan tungo sa kagalingan.
Maging mas maingat sa pag-kain at maalam sa wastong pagkaing dapat kinokonsumo para sa mas malusong na katawan. Sabayan ng tamang ehersisyo ang healthy diet para sa mas maging malusog, malakas, at aktibo ang pamumuhay.
Sources:
https://www.self.com/story/what-happens-to-your-body-when-you-skip-meals
https://scotscoop.com/skipping-meals-affects-academic-performance/
https://www.sahealth.sa.gov.au/wps/wcm/connect/public+content/sa+health+internet/he
althy+living/is+your+health+at+risk/the+risks+of+poor+nutrition
https://www.webmd.com/healthy-aging/over-50-nutrition-17/poor-nutrition-signs