Mga Dapat Malaman Tungkol sa Medicine Resistance

July 15, 2017

Photo from Oxy Watch Dog

 

Kalimitang tinatanong ng ating mga doktor kung mayroon bang reaksyon ang ating katawan sa gamot, o allergies, para maiwasan ang pagrere-rekomenda ng mga gamot na hindi aayon sa ating katawan dahil may mga katawan na hindi tinatalaban ng mga gamot dahil sa iba’t ibang kadahilanan, isa na diyan ang medicine resistance.

 

Ayon sa World Health Organization, ang medicine resistance o antimicrobial resistance ay dulot ng mga mikrobyo tulad ng mga bakterya, virus, fungi, o parasito na binabago ang epekto o pag-talab ng mga gamot sa pagpapabuti ng mga impeksyon sa ating katawan. Kadalasang tinatawag na ‘superbugs’ ang mga mikrobyong nagsasanhi ng kondisyong ito.

 

Ang kondisyong ito ay isa sa mga seryosong banta sa kalusugan ng mga tao sa buong mundo, ayon sa report ng WHO na Antimicrobial Resistance: Global Report On Surveillance.

 

Ang antimicrobial resistance ay malawak na salita na tumtukoy sa hindi pagtalab ng mga gamot na ginagamit upang lunasan ang mga nakakahawang sakit na dulot ng mikrobyo.

 

Ano ang sanhi ng medicine resistance o antimicrobial resistance?

 

undefined


 

  • Hindi tamang medikasyon.

 

Parehong pasyente at doctor ang may responsibilidad para sa tamang gamutan. Ang pamamaraan ng pagrereseta ay isang dahilan ng sobrang paggamit ng pasyente na isang sanhi upang ang mga mikrobiyo ang immune o hindi talaban ng mga gamot. Sa kabilang banda, may pananagutan naman ang mga pasyente na hindi sinusunod ang pagrereseta ng kanilang espesyalista dahil ang rekomendasyon ng dosage ay para mapuksa ang nagsasanhi ng sakit, at kapag hindi nasunod nang tama, ang mga mikrobiyong nagdudulot ng sakit ay kinakayang umangkop sa mababang dosage ng gamot.

 

  • Hindi mainam na kontrol sa impeksyon.

 

Sa dami ng mga taong nagpupunta sa klinika, health center, o ospital, isang suliranin ang ma-sugpo o ma-kontrol ang mga nagdudulot ng sakit sa isang komunidad. Isa ring dahilan ang hindi mainam na sanitasyon sa komunidad na nagsasanhi upang mamuhay at lalong dumami ang mga mikrobyo.

 

  • Kakulangan sa mga bagong gamot.

 

Ang bilang ng mga antibiotic ay nasa pinakamababa sa nakalipas na 40 taon. Ang kawalan ng mga bagong gamot upang labanan ang tumataas na kaso ng resistance ay kawalan rin ng kakayanan upang labanan ito. Nakakaapekto rin ito sa prebensyon at paggamot ng mga karamdaman.

 

Anu-ano ang epekto ng antimicrobial resistance?

 

  • Nagiging mahal ang mga gastusin sa gamutan sa iba’t ibang uri ng sakit at sanhi rin ito ng mas mahabang gamutan, tulad ng pananatili sa ospital.

  • Paglala ng mga sakit at mga karamdaman na kapag tuluyang hindi nagamot ay nagreresulta sa pagkamatay.

  • Pagkakaroon ng samu’t saring side effects ng mga gamot, na maaring maging sanhi para ang mga sakit na nagagamot ay tuluyang hindi na magamot, tulad ng pneumonia at tuberculosis.

 

Ano ang mga prebensyon o lunas dito?

 

  • Ang simpleng pag-sunod sa reseta ng doktor ay malaking bagay upang hindi magkaroon ang isang tao ng ganitong kondisyon.

  • Ang hygiene ay isang mabisang paraan upang makaiwas na dito. Iwasan rin ang mga close contact sa mga taong may malubha at nakakahawang karamdaman. Ugaliin din ang pakikipagtalik nang ligtas.

  • Ipaalam sa espesyalista kung mayroong reaksyon ang mga gamot na iyong iniinom upang malaman ang sanhi nito at agad na malunasan.

  • Tandaan na hindi lahat ng impeksyon ay nangangailangan ng antibiotic. Hindi rin dapat ibahagi ang mga gamot na una nang nireseta sa’yo para sa ibang uri ng impeksyon.

  • Ang pagpapabakuna nangg tama ay nakakapagpababa ng tiyansa na magkaroon ng sakit.

 

undefined

Photo from Carib Flame

 

Sinu-sino ang nasa panganib na magkaroon nito?

 

  • Ang mga bata lalo na ang mga sanggol at yung mga premature, dahil mahina ang kanilang resistensya.

  • Ang mga matatanda sapagkat humihina na rin ang kanilang resistensya, at mahabang panahon nang gumagamit ng gamot.

  • Ang mga nakatira sa matao at maruming lugar sapagkat madaling magkaroon ng impeksyon dito.

  • Ang mga taong hindi inuugali ang tamang pag-handle sa pagkain na nagreresulta sa kontaminasyon.

  • Ang mga nagta-trabaho sa kung saan maaring ma-expose sa mikrobyo o nakakahawang sakit, tulad ng mga doktor, nars, beterinaryo, atbp.

 

Mabuting maging maalam sa pamamaraan kung papaano makakaiwas o mapapabuti ang mga karamdaman natin. Ang antimicrobial resistance ay isang kumplikadong problema na bunga ng mga magkakaugnay na sanhi, na nakakaapekto sa ating komunidad. Ang pakikipagtulungan ay kinakailangan upang mabawasan ang tuluyang pag-kalat ng ganitong kondisyon.
 

Reference: