Ang anemia ay isang kondisyon na nabubuo kapag ang iyong dugo ay kulang at walang sapat na red blood cells o hemoglobin. Ang katawan ay nangangailangan ng Iron, Vitamin B12 at folic acid. Kung may kakulangan ng isa o higit pang mga sangkap, ang anemia ay bumuo. Ang dahilan ay maaari ring sa isang matagal nang sakit o karamdaman o ng isang genetic o hereditary. Ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng mga tao ay mahalaga para mapanatili ang malusog na pangangatawan. Pinoprotektahan din ng dugo ang katawan laban sa mga pathogens na nagiging sanhi ng pagkakasakit.
Depende ito sa partikular na sanhi ng anemia sa isang pasyente. Kung ang sanhi ng anemia ay kukulangan sa mga vitamins at minerals gaya ng folic acid, vitamin B12, at iron, ang pag-inom ng ay makakatulong sa pagpagagaling ng anemia. Sa ibang banda, ang pagiging anemic ay mabilis na lumalala tulad ng sa acute anemia, ang pasyente ay mas malamang na maranas ng kapansin-pansing mga sintomas, kahit na kaunting pagbaba lamang ng hemoglobin.
Anemia Symptoms
May mga taong may anemia ang walang sintomas. Ang iba naman ay nakakaramdam ng signs of anemia tulad ng mga ito:
- Matinding Panghihina
- Pagkapagod
- Pamumutla
- Matinding pagkabog ng dibdib
- Kinakapos ng hininga
- Biglaang pagkalagas ng buhok
- Paglala ng sakit sa puso, kung meron
Iba’t ibang klase ng Anemia
Ang mga karaniwang klase ng Anemia ay Iron Deficiency Anemia. Ang pangunahing sanhi nito ay kakulangan ng iron sa katawan. Dahil sa kakulangan, ang bone marrow ay hindi makagawa ng haemoglobin dahil kulang ang iron. Mayroon ding Vitamin Deficiency Anemia. Ang pangunahin sanhi nito ay ang kakulangan ng folate at vitamin B-12. May tinatawag ding aplastic anemia na nangyayari dahil ang bone marrow ay may kakulangan sa paggawa ng red blood cells. Mayroon ding haemolytic anemia, sickle anemia, at marami pang iba.
Anemia treatment
Kung minsan kailangan mo ng iron supplement para maituwid ang kakulangan sa iron. Sa malalang kaso ng anemia, ang pagpapasalin ng dugo ay kailangan sa mga pasyenteng may nakamamatay na anemia na sanhi ng vitamin B12 deficiency. Sa mga pasyenteng may sakit sa bone marrow o kaya naman ito ay nasira dahil sa chemotherapy o kaya naman ay may sakit sa bato, ang epoetin alfa ay maaaring gamitin para maparami ang production ng red blood cells sa bone marrow.
Prevention of Anemia
Kumain ng pagkaing nakakatulong para sa malusog na dugo
Bukod sa pag-inom ng multivitamins na may iron, maganda ring kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron, gaya ng karne lalo na ang mga atay, mga tahong, suso, at iba pang seafood.
- Iron-rich foods - Ang mga pagkaing mayaman sa iron ay nakakapagpataas ng red blood cells. Kasama dito ang red meat katulad ng beef, organ meat tulad ng kidney and liver, gulay katulad ng spinach at kale, dried fruits tulad ng prunes at pasas, pomegranates, beans at egg yolks
- Mga gulay - Ang mga madadahong gulay ay tumutulong para mapababa ang lower blood pressure. Ang mga gulay na ito ay mayaman sa potassium na tumutulong sa kidney ng tao para matanggal ang sodium sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagtunaw at nailalabas sa pag-ihi. Ang red peppers ay mayaman sa Vitamin C. Ang broccoli ay puno ng mga vitamins A, C at E at antioxidants at fiber.
- Folic Acid-Rich Foods - Ang Folic acid o Vitamin B9, ay ang B-complex vitamin na tumutulong sa katawan para makabuo ng bagong healthy red blood cells.
- Vitamin B-12-Rich Foods - Ang Vitamin B-12 ay isang B-complex vitamin na importante para sa DNA synthesis at produksyon ng red blood cells sa bone marrow.
- Oatmeal – May mataas na fiber at mababang sodium. Ang pagkain ng oatmeal sa almusal ay magandang source ng energy na kailangan buong araw
- Salmon - Pinaka-healthy para sa puso ang salmon sapagkat ito ay mayaman sa omega-3 fatty acids, na nagpapaganda ng daloy ng dugo
- Nuts - Gaya ng tuna at salmon, ang almonds at walnuts ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Maliban dito, naglalaman din ang mga ito ng fiber, Vitamin E, at folate.
Ugaliing magpakonsulta sa doktor
Tulad ng nabanggit kanina, ang haemoglobin ay mahalaga dahil ito ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan para gamitin, at nagdadala ng carbon dioxide pabalik sa baga para mailabas bilang basura ng katawan. Kung ang haemoglobin ay napakababa, ang prosesong ito ay maaaring masira na pwedeng magresulta sa pagbaba ng oxygen sa katawan.
Maaaring mag-sanhi ng anemia kung kulang ng folic acids ang katawan. Upang makaiwas sa anemia, kumain ng mga pagkaing masustansya sa folate. Ilan sa mga mapagkukuhanan ng vitamin na ito ay ang mga gulay, prutas, at fortified cereals. Maari ding mag take ng Ritemed Ferrous Sufate na nakakatulong upang punan ang kakulangan sa Iron: ttps://www.ritemed.com.ph/products/rm-ferrous-sulfate-folic-acid-300-mg-250-mcg-tablet
Reference:
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/understanding-anemia-basics
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/understanding-anemia-treatment#1
https://www.webmd.com/diet/features/food-for-your-blood#1
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/anemia-rare-types#1