Mga Bagay na dapat mong Malaman sa Pangangati at mga Sakit sa Balat
Ang balat ang pinakamalaking bahagi ng katawan ng tao. Isa ito sa unang depensa ng sistema laban sa mga bagay na nagdudulot ng sakit at impeksyon. Ngunit may mga pagkakataong nalalagay rin sa panganib ang kalusugan ng ating balat.
Mga sakit sa balat
Sa kadahilanang malaki ang sakop na bahagi ng balat, ito ay at risk din sa iba’tibang uri ng sakit. May sakit sa balat na bahagya lamang ang epekto samantalang ang iba naman ay maaaring lumala. Mayroong mabilis gumaling samantalang mayroon ding matagal bago malunasan. Ang ilan ay nagdudulot ng mahapding pakiramdam at labis na kati samantalang ang iba naman ay hindi masakit ngunit nakakahiyang tingnan.
Ang mga sakit sa balat ay maaaring dulot ng impeksyon na dala ng bacteria, virus, o kadalasan, fungi. Ang iba naman ay posibleng dulot ng ibang sakit, allergy, o aksidente.
Mga sintomas ng sakit sa balat
Ang mga sakit at kati-kati sa balat ay may iba-ibang sintomas at senyales. Ang ilan pa nga ay hindi kakikitaan ng anumang sintomas. Ang ilan naman ay nabibilang sa malubhang kaso kung saan apektado na ang pagkilos ng isang pasyente at ang lakas ng katawan nito.
Gayunpaman, may mga karaniwang sintomas ng sakit sa balat. Narito ang ilan sa kanila:
- Namumula o namamagang bahagi ng balat
- Sumasakit o humahapding balat
- Natutuyo at gumagaspang na bahagi ng balat
- Nagsusugat o nagnanana na bahagi ng balat
- Nangangating balat
Bukod dito, ang ilang sakit sa balat ay maaaring mag-manifest bilang butlig, pantal, malakaliskis na balat, ulser sa balat, bitak, patse-patse ng kulay, kulugo, nunal na nagbabago ang kulay o laki, o pagbabago ng kulay ng balat.
Sanhi
Maraming posibleng sanhi ang mga sakit sa balat. Halimbawa, ang mga paltos sa paa ay maaaring bunsod lamang ng pagsusuot ng masikip na sapatos, samantalang ang paghahapdi at pagkagasgas ng hita ay posibleng dahil sa pagsusuot ng masikip na pantalon.
Ang mga kati kati sa balat ay maaari namang dahil sa mas seryosong kondisyon. Ang dermatitis, halimbawa, ay nagdudulot ng pamamaga. Ang eczema naman ay isang uri ng sakit na may dalang labis na pangangati at pagkakaroon ng tila kaliskis na balat.
Ang psoriasis ay isang uri ng autoimmune disease kung saan ang mga sintomas ay pamumula, paghapdi, at pagtigas ng apektadong bahagi ng balat.
Bukod sa mga nabanggit, ang ibang mga sakit sa balat ay dulot ng bacteria o virus. Kabilang dito ang bulutong, pinworm infection, galis, at tigdas.
Mayroon ding kati kati na dala ng mga irritants at allergens. Ang ilang karaniwang halimbawa ay pangangati dahil sa kagat ng lamok o ibang insekto, pangangati dahil sa ilang uri ng tela, at pangangati dahil sa hygiene products o cosmetics. Ang mga taong may allegry sa ilang uri ng pagkain at gamit ay maaari ring makaranas ng pansamantalang pangangati na maaaring solusyunan gamit ang mga anti-itch na produkto gaya ng RM Calming Relief Cream.
Lunas
Marami namang gamot sa kati at sakit sa balat. Ang pagpili ng wastong lunas ay nakadepende sa kung ano ang sanhi ng sakit at sa kung gaano ito kalala. Halimbawa, antibiotic ang maaaring gamitin kung ang impeksyon sa balat ay dulot ng bacteria. Kung ang sakit naman ay bunga ng impeksyong dulot ng bacteria, ito ay maaaring gamutin ng mga karaniwang antibiotic. Kung ito naman ay dulot ng virus, maaari itong gamutin ng mga antiviral na mga gamot. Samantala, ang mga fungal infection naman ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga antifungal na mga gamot gaya ng RM Terbinafine na ipinapahid sa apektadong bahagi ng katawan.
(https://www.shutterstock.com/image-photo/cropped-image-young-man-putting-moisturizer-583414318)
Ang ilang malulubhang kaso ng sakit sa balat ay posibleng mangailangan ng operasyon o therapy.
Upang makaiwas, makabubuting panatilihin ang kalinisan at kalusugan ng katawan, uminom ng gamot upang makontrol ang mga sintomas ng sakit, at umiwas sa stress. Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga upang mapanatili ang kalusugan ng balat.
Higit sa lahat, kumonsulta sa isang dermatologist kung kailangan ng payo o atensyong medikal kaugnay ng kalusugan ng iyong balat.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/itchy-skin/symptoms-causes/syc-20355006
https://www.aad.org/public/everyday-care/itchy-skin/itch-relief/relieve-uncontrollably-itchy-skin
https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/why-so-itchy#1
https://www.healthline.com/health/itching
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20352380
https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/atopic-dermatitis-eczema