Ang mga allergies ay maaaring makaapekto sa kahit na sino, ngunit ang mga bata ay karaniwang tinatamaan ng mga ito. Ang mga bata ay wala pang sapat na antibodies na kailangan upang ma-neutralize ang mga karaniwang allergens. Bagaman ang ilang mga allergies ay kusang nawawala, may mga kaso na maaaring mauwi sa kamatayan kung hindi maaagapan.
Ano nga ba ang allergies?
Ang mga allergies ay karaniwang kombinasyon ng mga sintomas gaya ng pagbahing, pagbabara ng ilong, at pangangati na dulot ng iba-ibang panlabas na salik gaya ng pagkain, pollen, at kagat ng insekto. Karaniwan ito tuwing tagsibol kung kalian ang mga bulaklak ay namumukadkad at ang mga puno ay yumayabong at naglalabas ng pollen sa hangin na maaaring magresulta sa allergic rhinitis.
Mga Uri ng Allergies
Upang ma-diagnose nang maayos ang kondisyon ng iyong anak, kailangang malaman ng doktor ang ugat o sanhi ng allergic reaction. Narito ang ilang karaniwang allergies types:
- Allergic rhinitis – kilala rin sa tawag na hay fever.
- Food allergies – Ang mga adults ay kadalasang allergic sa mga mani at seafood samanatalang ang mga bata naman ay nagkakaroon ng allergic reactions matapos kumain ng itlog, mani, o uminom ng soymilk o cow’s milk.
- Pollen-food allergy – Ayon sa Mayo Clinic, ang allergy na ito ay tinatawag ding oral allergy syndrome na nakakaapekto sa mga taong may hay fever. Ang allergic reaction na ito ay nagdudulot ng pangangati sa bibig matapos kumain ng partikular na prutas na mayroong parehong proteins na matatagpuan sa mga pollens.
- Insect allergy – Nagaganap ito matapos makagat ng partikular na insekto.
- Drug allergy – Isang allergic reaction na dulot ng partikular na gamot gaya ng ibuprofen, etc.
- Atopic dermatitis – tinatawag ding eczema.
- Pet allergies – isang allergic reaction sa mga proteins na matatagpuan sa skin cells, ihi, o laway ng hayop.
Mga Sintomas
Ang mga sintomas ng allergies ay maaaring magkakaiba depende sa tao at sa pangunahing pinagmulan ng allergy. Ang mga karaniwang senyales na ang iyong anak ay may allergic reaction ay ang mga sumusunod:
- Pagbahing
- Pamumula ng balat
- Sipon
- Pag-ubo
- Hirap matulog dahil sa mga sintomas
- Panunuyo ng balat
- Pamamaga ng mukha
- Anaphylaxis o pagsikip ng daluyan ng hangin (malubhang kaso)
Sino ang at risk?
Ang mga taong may family history ng allergies ay may mas mataas na tyansa na magkaroon din ng ganitong kondisyon. Iyong mga tao na dati pang may allergy sa isang partikular na pagkain ay maaaring allergic din sa iba pang pagkain. Ang mga dating allergies gaya ng eczema ay maaari ring magpataas ng tyansa ng pagdevelop ng ibang uri ng allergies. Gayundin, ang pagkakaroon ng asthma ay maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng allergies.
Ang mga bata ay mas at risk sa mga food allergies sapagkat ang mga katawan nila ay wala pang gaanong kakayahan na mag-digest ng ilang component ng pagkain. Kadalasan, nawawala ang kanilang allergy sa itog at gatas, samantalang ang ilan ay maaaring manatiling allergic sa mani at shellfish hanggang sa kanilang pagtanda.
Gamot
Ang allergies ay karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng antihistamine, na karaniwan ay nasa anyong tableta o liquid. Huwag painumin ang iyong anak ng allergy medicine na hindi formulated para sa edad ng iyong anak. Tanungin ang doktor upang malaman ang mga gamot na sadyang ginawa para sa mga bata.
Paano makakaiwas ang iyong anak mula sa allergies?
Maraming paraan upang maiwasan ang anumang allergic reaction gaya ng sumusunod:
- Pabaunan ang iyong anak ng pagkain upang makasigrado sa kanilang food intake.
- Kapag kumakain sa labas, magtanong tungkol sa mga sangkap na ginamit sa pagkain.
- Pagsuotin ang iyong anak ng medical bracelet o isulat ang kanyang mga allergies upang malaman ito ng mga tao sa paaralan.
- Turuan ang iyong anak kung paano humingi ng tulong kapag inaatake ng allergies.
- Sabihan ang paaralan o faculty na ang iyong anak ay may allergies at bigyan sila ng impromasyon na makakatulong sa panahon ng emergency.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/food-allergy/symptoms-causes/syc-20355095
https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-makakaiwas-sa-allergy-attack
https://www.webmd.com/allergies/allergy-symptoms