Paano Makakaiwas sa Allergy Attack? | RiteMED

Paano Makakaiwas sa Allergy Attack?

October 13, 2017

Paano Makakaiwas sa Allergy Attack?

Ang allergy attack ay ang abnormal na reaksyon ng immune system ng katawan kapag may na-detect itong bagay na akala nito ay mapanganib. Ang bagay na ito ay tinatawag na allergen. Ito ay mga harmless substance sa kapaligiran gaya ng pollen. Ang reaksyon ng katawan sa mga allergen ay lumalabas sa mga sintomas gaya ng pagluluha, pagbahing o pangangati. Ang allergy management plan ay ang susi para maiwasan ang kahit allergic reaction ng katawan. Kailangan din ito para ma-kontrol ng maayos ang allergies.

 

Depende sa klase ng allergy ang management plan nagagawin kaya't mahalagang kumonsulta sa espesyalista. Narito ang ilan sa mga paraan para maiwasan ang allergy attack.

undefined

1. Umiwas sa allergen.

Importanteng malaman kung ano ang allergen na nagdudulot ng reaksyon ng katawan. Ang mga karaniwang allergens ay ang pollen, alikabok, amag, kagat ng insekto at protinang makikita sa ilang pagkain.

  • Pollen - Ang mga damo, puno at bulaklak ay mayroong mga pollen. Para makaiwas sa pollen, tandaan na madami ang bilang nito tuwing umaga at tanghali. Sa mga oras na ito, isarado ang bintana at huwag lalabas para hindi makalanghap. Huwag ding magsasampay sa labas ng bahay dahil maaaring dapuan ito ng pollen. Kung may garden, humingi ng tulong sa ibang tao kapag mag-gagarden works. Kung walang ibang maaaring gumawa, siguraduhing nakasuot ng face mask. Maigi ding umiwas sa mga kakagupit lang na damo.

 

  • Amag - Ang amag ay maaaring mamuo sa lugar na nababasa gaya ng banyo at kusina. Umiwas sa mga lugar na ito. Kapag maulan, manatili lang sa loob ng bahay dahil ang tinatawag na mold spores are air-borne. Mainam na linisin ang bahay kabilang ang bathroom tiles ng bleach para mawala ang amag. Iwasan ding magsampay sa labas dahil maaaring dumikit dito ang mold spores.

 

  • Surot - Karaniwang pinamumugaran ng surot ang higaan, stuffed toys, furniture, basahan at window blinds. Para makaiwas sa allergy attack na dulot ng surot, mainam na lagyan ng plastic cover ang mga mattress, unan at gumamit ng hypoallergenic na unan. Importante ding hugasan ang bedding kada linggo sa mainit na tubig. Itapon ang mga furniture na hindi na ginagamit. Labhan sa mainit na tubig ang mga stuffed toys.

 

  • Kagat ng insekto - Ang mga bubuyog, langgam at wasp o putakti ay maaaring maging sanhi ng allergic reaction kapag ito ay nangagat, na pwedeng lumala at maging life-threatening. Para makaiwas sa kagat, pinapayuhan ang mga allergic dito na huwag magsuot ng damit na bright colored at huwag ding gumamit ng mga mababangong deodorant, makeup o hair products. Maganda ding magsuot ng pantalon at damit na may mahabang manggas. Umiwas din sa mga basurang nasa labas.

 

2. Inumin ang gamot na iniresta. Importante ito sa pag-mamanage ng sintomas ng allergy.

3. Magsulat ng diary. Isulat kung ano ang iyong ginawa at kinain kung noong lumabas ang sintomas at kung ano ang nakatulong para mawala ito. Maaari itong makatulong para malaman ng doktor kung ano ang nagdudulot o nagpapalala ng mga sintomas.

4. Magsuot ng medical alert bracelet para kung sakaling makaranas ng grabeng allergic reaction, malalaman ng tutulong ang kondisyon.

5. Maghanda ng emergency action plan.
 

References:

  • http://www.webmd.com/allergies/features/how-to-avoid-surprise-allergy-attacks#1

  • http://www.aafa.org/page/prevent-allergies.aspx

  • https://www.ritemed.com.ph/articles/ibat-ibang-klase-ng-allergies-at-mga-gamot-nito



What do you think of this article?