Namamana ba ang allergy?
July 16, 2019
Ang pagkakaroon ng allergy ay isang reaksyon ng ating immune system sa mga payak na bagay sa kapaligiran na hindi naman maituturing na nakakasama sa marami. Kapag ang isang tao ay allergic sa isang bagay, pinaniniwalaan ng ating immune system na masama ito. Ang tawag sa mga bagay na nagdudulot ng allergies ay allergens. Ang ilan sa mga halimbawa ng allergens ay alikabok, mga gamot, pagkain at kagat ng insekto.
Kapag ang immune system ay nagpasya na ang allergens ay masama para sa ating katawan, ito ay gagawa ng antibodies – ang tawag sa proteksyon ng ating katawan laban sa allergens. Ang namamagitan na antibody para sa allergen ay tinatawang na immunoglobulin type E (IgE) antibodies. Ang mga antibodies na ito ang nagpapakawala ng kemikals sa ating bloodstream para tayo ay madepensahan laban sa iba’t ibang allergens. Ang paggawa ng katawan ng chemicals na ito ang panimula ng allergic reaction. Ilan dito ay nakakaapekto sa mata, ilong, baga, balat, lalamunan at gastrointestinal tract.
Sa hinaharap, kapag tayo ay naka-encouter muli ng mga allergens na ito ay uulit ang allergic reaction. Ang iba pang uri ng allergic reaction ay nangyayari naman pana-panahon o seasonal; ang iba ay kung kalian ang isang tao ay muling tumambad sa mga allergens: katulad na lamang kapag ang isa tao ay allergic sa alikabok o kaya ay allergic sa pagkain na maselan sa kanilang katawan.
Ang allergies ba ay namamana?
Ang karaniwang uri ng allergy ay asthma, atopic dermatitis (AD o eczema), at allergic rhinitis o hay fever. Ang pagkakaroon ng allergy ay hindi lubusang maunwaan dahil sa iba-ibang kadahilanang galing sa kapaligiran o environment at dahil sa ito ay minamana o hereditary.
Ayon sa isa sa mga unang pag-aaral na nagpapatunay na namamana ang allergy, atopic allergy ang tawag sa namamanang allergy. Ang tsyansang mga makapagmana ang isang tao ng allergy ay: 95% para sa asthma, 91% para sa allergic rhinitis at 84% para sa atopic dermatitis.
Ayon naman sa isa pang pag-aaral galing sa Munich, Germany, ang pagkakaroon ng atopic dermatitis (AD o eczema) ay galing sa isang natatanging chromosome sa ating katawan. Ang pag-aaral tungkol dito ay pinagpatuloy ngunit wala pang definite na pahayag ang nanggaling sa mga eksperto para masabi na 100% namamana ang allergy.
Ang mga taong hindi allergic ay maaari pa ring mag produce ng immunoglobulin type E (IgE) antibodies, bilang tugon sa ibang allergens, ngunit hindi ganoon kalakas ang epekto nito sa katawan. Kahit walang sintomas, pinapayo pa rin ng mga eksperto na magpa-blood test lalo na kung mayroon kayong kasaysayan ng pagkakaroon ng allergy. Kahit wala kang allergic reactions ngayon, maaaring ito ay magpakita sa hinaharap nang walang sintomas.
Isa sa mga allergy medicine ay ang RiteMED Cetirizine at RiteMED Loratadine. Ang RiteMED Cetirizine at RiteMED Loratadine ay gamot at lunas para sa mga sintomas ng allergic rhinitis (AR), allergic conjunctivitis, at sintomas ng skin allergy katulad ng pangangati at pantal. Para sa iba pang detalye tungkol sa RiteMED Cetirizine, bisitahin ang aming website sa https://www.ritemed.com.ph/products/rm-cetirizine-10-mg-tab.
Sources:
Smallwood, J. C. (Ed.). (2016, October). All About Allergies (for Parents). Retrieved June 19, 2019, from https://kidshealth.org/en/parents/allergy.html
Portelli, M. A., Hodge, E., & Sayers, I. (2015, January). Genetic risk factors for the development of allergic disease identified by genome-wide association. Retrieved June 19, 2019, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/24766371
Scott, J. (2014, September 26). Allergies and Your Genes. Retrieved June 19, 2019, from https://www.everydayhealth.com/allergy/allergies-and-your-genes.aspx