Iba't-ibang klase ng Allergies at Mga Gamot Nito

July 01, 2017

Photo from The Filipino Doctor

 

Ipinagdiriwang tuwing ika-walo ng Hulyo ang National Allergy Day para mamulat ang mga Pilipino sa dumadaming kaso ng allergies sa bansa at para bigyang pansin ang mga taong mayroong allergy. Ayon sa International Study of Allergic and Asthma in Children, ang mga batang may edad 13 hangang 14 sa Pilipinas ang kadalasang may allergic diseases. Lumabas din sa pag-aaral na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa Asya na may madaming kaso ng rhinitis at asthma.  

 

Ano ang Allergy?

 

Ang allergy ay ang abnormal na reaksyon ng immune system kapag may na-detect itong bagay na akala nito ay mapanganib sa katawan. Ang reaksyon na ito lumalabas sa mga sintomas gaya ng pagluluha, pagbahing o pangangati.

 

Iba’t-ibang Klase ng Allergies at mga Sintomas Nito

 

  1. Food Allergy

Ang immune system ng taong may food allergy ay sensetibo sa isang partikular na protinang taglay ng pagkaing kinain. Ang kadalasang food allergens ay ang mga protinang makikita sa mani, gatas ng baka, itlog at isda. Ang allergic reaction sa pagkain ay kadalasang nararansan ilang minuto pagkatapos kumain. Ilan sa mga sintomas ay skin rashes, pananakit ng tiyan, diarrhea, pagsusuka, hirap sa paghinga, at pamamaga sa paligid ng bibig.
 

Walang gamot sa food allergy o kahit anong medikasyon na maaaring magtanggal ng allergic reaction. Ang pwedeng gawin ng taong may food allergy ay umiwas sa pagkaing magdudulot ng reaction. Laging magtanong kung ano ang nasa pagkaing kakainin.

 

  1. Skin Allergy

Ang hives kung tawagin ay ang mapula at makating bahagi ng balat na lumalabas sa kahit saang parte ng katawan. Ito ay allergic reaction sa isang klase ng gamot, pagkain o kagat ng insekto. Mabuting iwasan ang mga gamot at pagkain nagti-trigger nito.

 

Ang gamot sa hives ay oral antihistamines.

 

  1. Latex Allergy

Ito ang reaksyon ng katawan sa Latex na kadalasang natatagpuan sa powder residue ng rubber gloves, lapruan at lobo. Ang mga sintomas nito ay asthma attack, pangangati, rashes at pagluluha ng mata.

 

Ang pinakamainam na gamot sa allergy na ito ay ang pag-iwas sa latex. Kung lumabas na ang mga sintomas, uminom ng antihistamine o magpahid ng soothing lotion.

 

undefined

 

Photo from Steven Hom

 

  1. Drug Allergy

Ito ang abnormal na reaksyon ng katawan sa piling gamot gaya ng penicillin, sulfa drugs, anti-seizure medication at aspirin. Ito ay nagdudulot ng hives, pangangati ng mata, pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pamamaga ng bibig, lalamunan, kamay at paa. Kung may ganitong klaseng allergy, huwag mag self-medicate. Laging kumonsulta sa doktor.

 

Uminom ng antihistamine para maibsan ang sintomas na dulot nito. Minsan, ang mga doktor ay nagsasagawa ng prosesong tinatawag na desensitization para gamutin ang allergy sa penicillin. Kung may ganitong klase ng allergy, mabuting magsuot ng bracelet o kwintas na nakasaad na may allergy sa gamot para kung may emergency na mangyari ay alam ng doktor ang kondisyon.
 

  1. Skin Contact Allergy

Tinatawag ang allergy na ito na Dermatitis. Ito ay sanhi ng direct contact sa allergen. Ang mga kadalasang nagdudulot nito ay mga bagay na may acid at alkaline gaya ng sabon, bareta, solvent, adhesive, halamang poison ivy, nickel sa mga alahas, antibiotics, anesthesia, rubber, perfumes o make-up at mga tela gaya wool.

 

Uminom ng antihistamine para mawala ang pangangati. Huwag magpapahid ng antihistamine lotion hangga't hindi nagpapakonsulta sa doktor.

 

Kadalasang napagkakamalang allergy ang asthma. Ang mga sintomas ng asthma ay halos kaparehas ng allergic reaction, ngunit sila ay magkaiba. Magkaiba ang paraan kung paano lumalabas ang sintomas ng hika at allergy at ang history sa likod nito. Ayon sa isang pag-aaral, 50% ng kaso ng hika ay linked sa allergies.

 

Tips Para Maiwasan ang Allergic Reaction

 

  • Laging magbabaon ng antihistamine.

  • Umiwas sa mga bagay o pagkaing allergic.

  • Panatilihing malinis ang bahay.

 

References:

  • http://health.wikipilipinas.org/index.php/National_Allergy_Day
  • https://www.rappler.com/home-and-parenting/120588-allergy-triggers-prevention
  • http://www.psaai.org/news/food-allergy
  • http://www.everydayhealth.com/allergies/types-of-allergies.aspx
  • http://www.webmd.com/allergies/latex-allergy-symptoms-treatment
  • http://www.webmd.com/allergies/allergies-medications#2
  • http://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/contact-dermatitis#2
  •