Isa ang allergies sa mga sakit na karaniwan ay hindi agad naiinuman ng tamang gamot – maaaring dahil hindi alam ng may sakit na allergy pala ang kanyang nararamdaman, o di kaya naman ay pinababayaan na lang itong humupa. Bagaman karamihan ng allergy ay hindi malubha, isa pa rin itong malaking sagabal sa pang araw-araw na gawain. May mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang allergies, ngunit kapag ikaw ay nakakaranas na ng pag-atake ng karamdaman na ito, ang dalawang karaniwang allergy medicine ay loratadine at cetirizine.
Ang dalawang gamot na ito ay mga uri ng antihistamine, na hango sa tawag na ito ay pumipigil sa substance na histamine – isang chemical reaction ng immune system ng ating katawan kapag ang isang tao ay nagkakaroong ng contact sa mga allergens katulad ng alikabok, balahibo ng hayop, malansang pagkain, at iba pa. Ang mga allergy remedies na ito ay karaniwang ginagamit upang malunasan ang mga epekto ng allergy kagaya ng malimit na pagbahing, pangagati ng balat, pagluluha ng mata at iba pa.
Ang ilan sa mga pinagkaiba ng cetirizine at loratadine ay ang mga molecules na bumubuo rito, at ilang mga posibleng epekto nito. May mga katangian ang cetirizine na nakakapagpa-relax at nakakapagpaantok sa iinom nito, kaya’t mas mainam kung sa gabi ito iinumin. Kung kailangan naman na iwasan ang pagkaantok, maaaring loratadine ang inumin dahil wala itong ganitong epekto.
Importanteng tandaan na ang allergy ay dapat ikonsulta sa doctor upang ikaw ay mabigyan ng tamang allergy medicine para sa iyong karamdaman.