Ano ang Allergic Rhinitis?
February 20, 2021
Kung nakakaranas ng pangangati ng ilong, pagtutubig ng mga mata, at pagbahing, baka allergic rhinitis na ang mayroon kayo. Kapansin-pansin lalo ang mga sintomas na ito kapag malamig o mainit ang panahon, maalikabok ang paligid, may alagang hayop, o kaya naman ay napapalibutan ng mga halaman.
Ano ang allergic rhinitis?
Ang allergic rhinitis ay isang inflammation sa ilong dala ng tinatawag na allergens. Ang allergens ay iba’t ibang factors na nakakaapekto sa sensitibong ilong gaya ng alikabok, mold, animal dander o buhok, at pollen.
Karamihan sa mga mayroon nito ay seasonal lamang tinatamaan, gaya ng taglamig o tag-init. May ilan naman din na buong taong pinapahirapan nito, lalo na sa pagtulog.
Allergic Rhinitis Causes
Ang immune system ay natural na tumutugon kapag may foreign body na pumapasok sa katawan. Sa kaso ng allergic rhinitis, nagre-react ang immune system sa allergens kahit hindi naman nakakapinsala ang mga ito.
Dahil dito, naglalabas ang katawan ng mga kemikal na nagpapamaga sa mucus membrane sa ilong, kaya marami ring mucus kapag may allergic rhinitis.
Ilan sa common allergens na nagdadala ng allergic rhinitis ay:
- Dust mites;
- Fur o dander ng mga hayop;
- Pollen mula sa mga halaman; o
- Mold at fungi.
Allergic Rhinitis Symptoms
Bukod sa sipon, pagbahing, pangangati ng mga mata at lalamunan, kapag hindi naagapan, baka magkaroon ng mga sumusunod na sintomas at komplikasyon:
- Sinusitis – Isa itong impeksyon dala ng inflammation na pinipigilan ang paglabas ng mucus mula sa sinus. Barado ang sinus sa ganitong kondisyon.
- Ear infection – Pwede ring magkaroon ng impeksyon sa gitnang bahagi ng tenga, sa likod ng eardrum.
- Nasal polyps – Ang mga ito ay benign o non-cancerous na fluid sacs na tumutubo sa mga sinus kapag malala na ang allergic rhinitis.
Image from: https://www.shutterstock.com/image-photo/different-sliced-juicy-citrus-fruits-bowl-208512391
Allergic Rhinitis Medicine
May mga over-the-counter medications na pwedeng makatulong sa inyong kondisyon gaya ng antihistamines at nasal spray na may corticosteroids. Ilan pa sa mga inirerekomendang mga gamot ng doktor kontra allergic rhinitis ang mga sumusunod:
- Cetirizine at Loratidine - Para sa allergic rhinitis na may pagbahing, runny nose, at makati at watery na mga mata. Pwede rin ang mga ito para sa sintomas ng allergy gaya ng pangangati at rashes. Kung mga bata ang nakakaranas nito, mayroon ding RiteMED for Kids Cetirizine Syrup at RiteMED for Kids Loratidine Syrup.
- Montelukast – Pwede itong inumin hindi lang ng may allergic rhinitis, pero pati na rin ang may asthma.
- Levocetirizine – Para naman ito sa mga sintomas dala ng seasonal na allergic rhinitis.
Paalala: Bago mag-self-medicate, kumonsulta muna sa inyong doktor para maresetahan ng gamot na angkop sa inyong kondisyon.
Rhinitis Treatment
Para mapagaan ang pakiramdam, pwedeng subukan ang mga sumusunod na home remedy for allergic rhinitis:
- Nasal douche – Gamit lang ang salt water solution at syringe na nabibili sa mga pharmacy, regular na linisin ang nasal passages para matanggal ang anumang allergen na maaaring nanatili sa ilong.
- Immunotherapy – Para naman ito sa mga pasyenteng may hay fever at malalang mga sintomas ng allergic rhinitis. Sa treatment na ito, sinasanay ang katawan sa mga allergen. Ini-inject ang allergen sa braso na tumataas ang dosis sa loob ng ilang linggo.
Ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay ay kailangan para sa maayos na management ng allergic rhinitis. Palakasin ang immune system sa pagkonsumo ng mga pagkain at inuming mayaman sa Vitamin C. Magkaroon din ng sapat na pahinga araw-araw at hangga’t maaari ay umiwas sa stress.
Sources:
https://www.nhs.uk/conditions/allergic-rhinitis/#:~:text=Allergic%20rhinitis%20is%20inflammation%20of,5%20people%20in%20the%20UK.
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/allergy
https://www.healthline.com/health/essential-oils-for-allergies