Tamang Alaga para sa may ADHD

October 17, 2018

Ang ADHD, o Attention Deficit Hyperactivity Disorder, ay isang kondisyon ng pagiging hyperactive, kulang sa impulse control, at hirap sa pag-focus sa isang bagay o gawain. Madalas itong nakikita sa mga bata, ngunit maaaring tumuloy ito hanggang sa paglaki ng pasyente.

 

Tuwing Oktubre ginagapanap ang National Attention Deficit Disorder Week kung saan binibigyang-pansin ang kondisyong ito at ang tamang alagang kailangan para dito.

 

Ang pag-diagnose ng ADHD ay nangangailangan ng at least six months ng pag-oobserba ng sintomas. Tinitingnan din kung ito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa buhay ng bata sa paaralan, tahanan, at sa pakikitungo niya sa ibang tao. Maaaring isama sa pagsusuri ng doktor ang pag-kompara ng mga kilos at pag-uugali ng pasyente sa ibang batang kasing-edad nito na walang ADHD.

 

Ang maaaring magbigay ng payo at treatment para sa ADHD ay ang mga child psychiatrists, psychologists, developmental o behavioral pediatricians, behavioral neurologists, at mga specially-trained social workers. Ang isang team na binubuo ng mga espesyalistang katulad nito, magulang at pamilya, mga kaibigan, at paaralan ay kinakailangan upang mabigyan ng tamang alaga ang isang batang may ADHD.

 

How to Treat ADHD

 

Ang first line of hyperactive child treatment ay ang pagbibigay ng mga stimulants bilang ADHD medication. Ito ay para matulungan ang bata o pasyente na magkaroon ng kontrol sa kanyang impulses o natural na kagustuhang gumawa nang isang bagay, makapag-focus nang mabuti, at makapag-function nang normal sa kanyang mga pang araw-araw na gawain. Madalas sinasamahan ito ng behavioral therapy at special education or training.

 

Dahil iba’t iba ang kalubhaan ng mga sintomas sa bawat bata, mahalaga para sa mga magulang ang magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa alagang angkop sa level ng ADHD ng kanilang anak.

 

Tips sa Pag-alaga ng Batang May ADHD

 

Ang mga sumusunod ay tips at pamamaraan na makakatulong sa pag-manage ng mga sintomas:

 

undefined

Image by Pexels

 

  • Bigyan ang bata ng structure at magtakda ng regular routines sa mga araw-araw na gawain.

 

  • Panatiliin ang consistency sa buhay niya sa pamamagitan ng regular schedules. Iwasan ang pabago-bagong schedule.

 

  • Siguraduhing may malinaw na komunikasyon sa gitna ng taga-alaga at bata.

 

  • Huwag biglain ang bata sa pagbibigay ng maraming instructions; ibigay ito nang isa-isa lang, na may kasamang eye contact.

 

  • Magtakda ng sistema kung saan may reward ang tamang behavior at may consequences naman ang ‘di-magandang behavior. Magbigay ng feedback araw-araw.

 

  • Magbigay ng encouragement sa mga hobby, interes, o talentong ipinapakita nito.

 

  • Maglaan ng tahimik, maayos, at kalmadong kapaligiran na mainam sa pagfo-focus sa mga nakatakdang gawain.

 

  • Sa paaralan, paupuin ang bata malapit sa teacher at malayo sa bintana o pintuan.

 

  • Pakiusapan ang teacher na bawasan ang homework na ipinapagawa at bigyan ng konsiderasyon ang bata na magkaroon ng mas mahabang oras para tapusin ang mga test.

 

  • Iwasan ang mga distractions, katulad ng TV at video games.

 

  • Iwasan ang mga sitwasyong mahirap pangasiwaan.

 

  • Siguraduhing mayroong wastong tulog ang bata tuwing gabi.

 

  • Magbigay ng “time-outs” tuwing nawawalan siya ng kontrol upang makabalik ang kahinahunan at magkaroon siya ng oras na pag-isipan ang nangyari.

 

  • Tulungan ang bata na makakamit ng small goals araw-araw.

 

  • Magbigay ng pagmamahal at suporta.

 

Ang Epekto ng ADHD sa Pamilya

 

Kapag may ADHD ang isang myembro ng tahanan, maaari itong magdulot ng stress at alitan sa buong pamilya. Unang-una, ang pagbabantay at paghahabol sa bata ay may kasamang pagod. Maaaring magselos ang mga kapatid ng pasyente sa labis na atensyong nakukuha nito, bukod pa sa mga pagkakagambalang dulot ng mga sintomas. Ang mga lakad o bakasyon ng pamilya ay maaaring maging stressful din dahil sa pagka-hyper ng bata. Maaari ring maging problema ito sa relasyon at pagsasama ng mga magulang, dahil sa bigat ng responsibilidad at gastos na kinakailangan nito.

 

Sa mga ganitong pagkakataon, mahalaga ang pagtanggap ng mga magulang sa realidad ng ADHD. Kailangang panatilihing bukas ang komunikasyon sa isa’t-isa at sa iba pang mga anak. Hatiin ang mga responsibilidad. Malaki rin ang maitutulong ng positibong saloobin sa pagharap sa ganitong sitwasyon. Maglaan ng oras para sa pahinga.

 

Mga Paalala para sa mga Magulang at Taga-alaga

 

  • Normal ang maging overwhelmed. Kapag stressed na sa mga obligasyon at trabaho, humingi na ng tulong sa pamilya, mga kaibigan, o sa ADHD support groups.

 

  • Iwasan ang paggamit ng mga negatibong salita. Ang batang may ADHD ay madalas na nakakaramdam na laging mali ang ginagawa nila. Habaan ang inyong pasensya. Tulungan silang maging confident sa kanilang sarili sa pamamagitan ng positive feedback.

 

  • Dahil imposibleng maging palaging positibo, mahalaga para sa isang magulang o taga-alaga na magkaroon ng outlet para sa kanilang mga pagkabahala. Ang outlet na ito ay maaaring maging kaibigan, doktor, o therapist. Mainam din na makahanap ng support group na binubuo ng ibang magulang at taga-alaga ng mga batang may ADHD.

 

  • Huwag magpa-kontrol sa ADHD. Bagama’t kailangang magbigay ng palugit sa mga sintomas at epekto nito, hindi ito dapat maging excuse para hayaan ang ilang misbehavior sa pag-uugali ng bata. Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na boundaries. Dapat malaman ng bata na may katumbas na resulta ang paglalabag sa mga boundaries na ito.

 

  • Maging consistent sa pagbigay ng reward o consequences. Bilang magulang o mas nakatatanda, dapat tayo ang unang sumunod sa mga inilapat na patakaran.

 

  • Piliin ang inyong mga laban. Hindi lahat ng problemang dulot ng ADHD ay dapat lutasin o ayusin kaagad. Para makaiwas sa stress, itabi muna ang mga maliliit na issues at mag-focus sa mas malalaking challenges, katulad ng mga seryosong behavioral problems.

 

  • Natural ang pagiging protective ng isang magulang, ngunit huwag sanang ituring kaaway ang mga taong hindi nakakaintindi sa inyong anak na may ADHD. Mas makakatulong ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa kanila. Ipaliwanag ninyo ang sitwasyon, at kung ano ang mga maaaring gawin sa harap ng mga epekto nito.

 

  • Maghanap ng suporta mula sa specialists. Ang mga therapists para sa may ADHD ay makakatulong hindi lang sa pasyente, kundi pati na rin sa mga magulang at kapatid.

 

  • Magpahinga. Nakakapagod at nakakaubos ng lakas at pasensya ang buong araw na pagtutok sa mga sintomas ng ADHD. Siguraduhing may kapalit kayo sa pagbabantay o sa pagtuturo.

 

  • Manatiling kalmado. Mas epektibo sa problem-solving at komunikasyon ang isang kalmadong pag-iisip. Makakatulong dito ang pagdadasal, pagme-meditate, paglalakad sa park o hardin, at ang pagbabawas ng pag-inom ng kape o alak.

 

  • Tandaan na lahat ng bata ay maaaring maging magulo o makulit, hindi lang ang mga may ADHD. Intindihin kung alin sa mga sintomas ang kailangang gamutin o baguhin, at kung alin ay normal na bahagi lamang ng kanilang paglaki.

 

  • Maging mabuti sa inyong sarili. Alamin na ang bawat hakbang na iyong nakakaya at nakakamit laban sa ADHD, gaano man ito kaliit, ay isang malaking tagumpay na sa buhay ng inyong anak.

 

Mga Safety Concerns

 

Ang mga batang may ADHD ay prone sa aksidente. Dahil sa kanilang impulsive behavior at hyperactivity, maaaring mapinsala ang iba’t-ibang parte ng kanilang katawan, katulad ng kanilang ulo. Baka makakain o makainom din sila ng mga bagay na masama sa katawan. Dahil dito, kinakailangang i-monitor nang mabuti ang kanilang mga gawain sa ganitong mga paraan:

 

  • Siguraduhing nakasuot ng safety helmet at elbow o knee pads tuwing nagbibisikleta.

 

  • Itago o ilayo sa lugar na maaabot ng bata ang matatalas na bagay at kahit anong produkto sa bahay na may mapinsalang kemikal.

 

  • Bantayang mabuti ang inyong anak kapag naglalaro, umaakyat ng hagdan, o kapag nasa swimming pool o beach.

 

  • Ang pakikinig sa radyo o paggamit ng cellphone habang naglalakad o naglalaro ay distractions na maaaring magdulot ng aksidente. Ipaalala sa inyong anak na iwasan ang mga ito at mag-focus muna sa isang activity.

 

Wastong Diet

 

Wala pang scientific studies na sumusuporta sa kaugnayan ng pagkain sa mga pagbabago sa behavior. Subalit maraming magulang ang nakakapansin na mas nababawasan ang padalos-dalos na behavior ng kanilang mga anak kapag inaalis nila sa daily diet nito ang processed food, sugar, caffeine, at pagkaing may additives. Kaya ang pinakamainam na diet para sa treatment for ADHD in children ay ang mga simple ngunit masusustansyang pagkain. Iwasan din ang maaalat at masyadong matatamis na snacks.

 

Mga Activities na Angkop sa may ADHD

 

Ang bawat bata ay may sariling hilig o interes. Ngunit ang mga activities na madalas nakakatulong sa pagsupil ng mga ADHD symptoms ay ang mga sumusunod:

 

  • Martial arts;
  • Visual arts gaya ng drawing, painting, at coloring;
  • Pagsayaw; at
  • Chess para sa pagturo ng pasensya at mga problem-solving techniques.

 

undefined

Image by Unsplash

 

 

ADHD sa Teenagers

 

Katulad din ng pag-alaga sa mga batang may ADHD, ang mga teenagers na mayroon nito ay kailangan din ng structure at regular routines. Kailangan din nila ng positive na pagpapatupad ng mga instruction at feedback.

 

Ang malaking pagkakaiba lang ay ang mga teenagers ay nagde-develop na ng kanilang independence. May sarili na silang mga lakad at kaibigan. Sa ganitong pagkakataon, kailangan pa rin i-monitor ang kanilang behavior kapag wala sila sa bahay at may kasama silang ibang tao. Tulungan sila sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

 

  • Kahit teenager na ang inyong anak, tiyakin na nakukuha pa rin niya ang kinakailangang supervision, behavioral therapy, at training.

 

  • Turuan siyang sumunod sa mga patakaran sa pamamagitan ng maliliit na hakbang. Halimbawa, kung gusto niyang lumabas kasama ang mga kaibigan hanggang alas-dose ng gabi, payagan muna hanggang alas-diyes. Kapag nasunod niya ito, payagan siya nang hanggang alas-onse sa susunod na pagkakataon. Kapag hindi niya ito nasunod, ibalik ang curfew sa alas-diyes ulit.

 

  • Alamin kung saan siya pumupunta, sino ang mga kasama niya, at anong oras siya uuwi. Dapat palaging malinaw ang rules. Mainam din na ihabilin siya sa pinagkakatiwalaang kaibigan.

 

  • Asahang magkakaroon ng mga pagkakataon na hindi magagawa ng inyong anak ang inyong mga napagkasunduan. I-apply ang sistema ng reward at consequence sa tama o maling behavior.

 

  • Bigyan ang inyong teenager ng pagkakataon na magpasya tungkol sa mga patakaran. Maaaring mas sundin niya ito kung kasali siya sa paggawa nito.

 

Sa kasulukuyan, patuloy ang research ukol sa ADHD. Pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga bagong paraan ng pag-mamanage ng kondisyong ito. Nagkakaroon na ng mas malawak na awareness at suporta para sa mga apektado nito, at para na rin sa mga magulang at taga-alaga. Kapag may sapat na pagpaplano, paggagamot, therapy, at suporta, maaari pa ring maging maayos at masaya ang buhay ng mga may ADHD.

 

 

Sources:

https://www.care.com/special-needs-caring-for-a-child-with-adhd-or-add-p1167-q2279

28.html#Who%20treats%20ADD%20or%20ADHD?

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321621.php

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/adhd/symptoms-causes/syc-20350889