Mga senyales na kailangang ipapurga ang iyong anak

July 16, 2019

Mayroong iba’t-ibang klase ng bulate na pumapasok sa ating katawan at bituka. Ang pinaka-karaniwan sa mga bulateng ito ay ang threadworm o tinatawag sa tagalog na “Ulyabid”.

Ang madalas na nagkakaroon ng bulate ay ang mga batang nasa elementarya o pre-school. Ito ay marahil sila ang aktibo sa paglalaro at ang kanilang paglalaro ay nagdadala sa kanila sa mga maduduming lugar.

Tandaan na ang pagkakaroon ng bulate ay maaaring mapasa sa ibang tao kaya importante ang pagkakaroon ng maayos at regular hygiene.

Ano ang mga senyales na mayroong bulate sa tiyan ang bata?

  • Makati ang butas ng puwit – malala ang pakiramdam mula gabi hanggang madaling araw.
  • Posibleng mamula-mula at namamaga kapag kinakamot nang madalas
  • Iritable ang bata na walang dahilan
  • Hindi nakatutulog nang maayos o regular
  • Kawalan ng ganang kumain

Paano kumakalat ang bulate sa katawan?

Sa oras na mayroong pumasok na bulate sa katawan ng iyong anak (marahil dahil sa maruming nahawakan o napasama sa kinain), lumalaki at nanganganak ang bulate na ito hanggang sa dumami sa bituka.

Ang mga bulate na ito ay nangingitlog na humigit-kumulang sa 16,000 at tumitira madalas malapit sa puwitan na nagreresulta sa pangangati at pamamaga.

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan?

  • Ikonsulta sa doktor o pediatrician kung ano ang pinakaligtas na deworming medicine for child.
  • Gawing parte ng iskeydul ang pagche-check kung may bulate sa tiyan ang iyong anak para makasiguro
  • Kung nangangati ang puwitan ng iyong anak, huwag hayaang kamutin ang balat sapagkat nagdudulot lamang ito ng pamamaga
  • Siguraduhing palaging malinis ang kuko sa kamay at paa ng iyong anak
  • Turuan silang na huwag isubo ang daliri para hindi pumasok ang bulate sa katawan
  • Isama sa routine ang paghuhugas nang maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain, sa bawat pagdumi, at pagkatapos maglaro sa labas.
  • Siguraduhing palaging malinis ang kama, unan at kutson ng iyong anak, kanyang mga panglinis ng katawan, pati na rin ang kanyang mga laruan.
  • Panatilihing malinis ang tirahan. Kung maaari, i-vaccuum ang sahig para maiwasan ang posibleng pamumuo ng bacteria dito.
  • Huwag hayaang ang iyong anak na isubo ang mga pagkaing nahulog na sa sahig.

Kailan kinakailangang bumisita sa doktor?

  • Kung sinubukan mong gumamit ng deworming medicine for kids at hindi gumiginhawa ang kanilang pakiramdam ayon sa mga nabanggit na senyales.
  • Kung malaki o mahaba at kakaiba ang itsura ng bulateng lumabas sa kanyang puwitan.
  • Kung ilang araw nang nagsusuka o sumasakit ang tiyan ng iyong anak

References:

https://www.rch.org.au/kidsinfo/fact_sheets/Worms/

https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/worms

https://www.combantrin.com.au/symptoms-of-worms

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=roundworm-infections-in-children--160-54

https://www.indiatoday.in/lifestyle/health/story/deworming-national-deworming-day-2017-health-lifest-960088-2017-02-10