Dahil sa paglaganap ng coronavirus pandemic at kawalan pa rin ng medisina panglaban dito, maraming tao ang umaasa sa iba’t ibang klase ng gamot at supplements na maaaring makatulong laban sa mga epekto nito. Sa pagtaas ng medicine demand, naglipana rin ang mga scammer na gumagawa ng pekeng gamot na malaking banta sa pangkalahatang kalusugan.
Ang fake drugs ay kahit anong gamot na ginawa para magmukhang totoo o kunwari’y may mabuting epekto sa ating kalusugan kahit wala naman talaga. Ito ay maaaring knock-off ng isang genuine medicine o kaya ay bagong klase ng gamot na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA). Malaking dagok sa integridad ng public health system ng bansa ang pekeng gamot dahil bukod sa delikado ito sa kalusugan, may ilang indibidwal na nawawalan ng tiwala sa pag-inom ng mga gamot at mas nagre-rely sa albularyo o mananawas.
Nalaman sa mga pag-aaral na ang pekeng gamot ay maaaring tisa o chalk lamang at walang active ingredients. At kung mayroon man, ito ay siguradong substandard o kaya undeclared ingredient, ilegal at delikadong sangkap, at may kontaminadong bagay mula sa unhygienic manufacturing practice. May ilang kaso rin ng incorrect dosage kung saan mas kaunti o mas marami ang mga partikular na ingredients sa isang dosage ng tableta o kapsula.
Dito sa Pilipinas maraming nagbebenta ng pekeng gamot, at sa kasamaang-palad ay marami ang bumibili dahil mas mura ito kumpara sa genuine medicines. Malaki rin ang tiyansa na peke ang mabili mo online maliban na lang kung ito ay sa legit website ng subok at kilalang kumpanya, drugstores, o pharmacies.
Health hazards ng fake medicine
Lahat ng hindi aprubadong therapeutic goods ay delikado sa kalusugan, lalong-lalo na ang counterfeit goods. Isang halimbawa nito ay ang higit 250,000 na bata sa buong mundo na nasasawi kada taon dahil sa pekeng gamot sa malaria at pneumonia. Dahil maaaring hindi malunasan ng pekeng gamot ang isang uri ng sakit, malaki ang tiyansa na ikasawi ito ng pasyente kung ang kanyang sakit ay life-threatening.
Ang mga counterfeit drugs ay kadalasang naglalaman ng ibang substances bukod sa takdang Active Pharmaceutical Ingredient (API) nito. Kung ikaw ay nakaranas ng allergic reactions, unusual side effects, o mas malalang kundisyon pagka-inom ng gamot, mataas ang tiyansa na ito ay peke.
Bilang konsumer, wala naman tayong regular na access sa mga equipment na ginagamit sa laboratoryo upang ma-distinguish ang genuine sa fake medicine. Pero may dalawa pang epektibong paraan na pwede nating gawin para makaiwas sa pekeng gamot. Hindi na kailangang magdusa sa ‘di inaasahang side effects ng counterfeit drugs.
- Tingnan ang itsura ng gamot
Giniit ng World Health Organization (WHO) na visual inspection pa rin dapat ang pangunahing hakbang sa pag-alam kung peke ang isang gamot. Bihira ang magkaroon ng complete copy ng isang genuine medicine kaya naman mainam na tignan mabuti ang packaging at tableta bago bilhin o inumin. Maaari kang maghanap ng litrato sa internet bilang reference kung tunay ang gamot.
Isa sa pangunahing dapat i-check ay kung tampered ang security seal ng packaging. Tapos tignan ang mga sulat kung kaduda-duda ang font face, font size, pati spelling at grammar.
Sa mga gamot na may double packaging, i-crosscheck kung pareho ang information sa dalawang packaging tulad ng expiry date, batch number, at manufacturer’s address. Pagdating sa manufacturer’s address, dapat ay traceable ang address at naka-indicate ang eksaktong lugar (hindi yung country address lang).
Ayon ulit sa WHO, madalas ang mga pekeng gamot, partikular sa mga tableta, ay may non-consistency sa hugis, laki, at kulay. Magduda ka na kung ang nabili mo ay may biyak o tapyas, may discoloration, at tila nagdidikit-dikit ang mga piraso ng tableta. Pagdating naman sa kapsula, tignan maigi kung ang mga ito ay tila lumolobo o nagbubukol. Kagaya sa tablet medicine, indicator na peke ang capsule medicine kung nagbibiyak-biyak ito at may discoloration ang shell.
- Tukuyin ang pinanggalingan o source
Nabanggit na sa itaas na bahagi ng artikulo na mas makasisigurado kung sa subok at kilalang kumpanya, drugstores, o pharmacies bibili ng gamot. Maliban sa pagbili ng OTC at prescription drugs sa physical store, marami sa mga ito ay nagbukas na ng online shops para sa mas convenient at safe na pamimili sa gitna ng pandemya.
Iwasan ang pagbili sa online resellers lalo na kung hindi certified distributor kahit na mas mura ang presyo. Dahil sa hirap ng buhay, may ilang tao na madali mahikayat na bumili ng gamot na mas mababa ang presyo kumpara sa drugstores. Pero hindi dahil mas mura ay nakatipid ka na kasi pwedeng maging dahilan pa ito para lalong lumala ang sakit mo imbis na gumaling, na mas magastos kalaunan.
Itong kalakaran na ito ang nais maiwasan ng mga awtoridad kaya naman naging readily available na sa merkado ang generic medicines. Kung niresetahan ng branded medicine na may kamahalan ang presyo, huwag mahihiyang magtanong kung may generic ba ito – mas mura pero tiyak na hindi peke.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/pharmacist-expert-on-pharmaceutical-inspection-identifies-1324901444
Nang tanungin sa kanyang opinion of what is medicine, sinabi ng Canadian physician na si Sir William Osler na “Medicine is a science of uncertainty and an art of probability.” Oo maraming uncertainty sa larangan ng medisina, pero dapat ay lagi kang nakasisiguro sa gamot na binibili at iniinom mo.
Sa dami ng naglipanang pekeng gamot sa bansa, ang pagiging vigilant at informed ang pinaka-importanteng sandata laban dito. Kung may nabili kang fake medicine, ipagbigay-alam agad ang source sa awtoridad upang makatulong na maiwasan pang may mabiktimang iba.
Sources:
https://www.pharmapproach.com/how-to-identify-fake-drugs/
https://www.tga.gov.au/blogs/tga-topics/how-spot-counterfeit-medicine