Ang epilepsy ay nananatiling isa sa mga pinaka-pangkaraniwanng neurological disorder sa buong mundo. Sa katunayan, tinatalang isa sa bawat isang-daang Pilipino ang nakararanas ng mga sintomas ng epilepsy. Sa kasamaang-palad, hindi pa rin tiyak ng mga medical experts kung ano ba ang pinakamabisang blueprint upang makapag-develop ng baseline treatment process para sa sakit na ito.
Ang epilepsy ay isang neurological disorder na nakakaapekto sa central nervous system. Isa itong chronic disorder na nagdudulot ng paulit-ulit at biglaang seizure o unprovoked body spasms. Maraming possible triggers ang seizure attacks na dulot ng epilepsy na kung minsan ay nagreresulta sa pagkawala ng malay.
Mga karaniwang sintomas ng epilepsy
Ang pinaka-kapansin-pansing symptoms of epilepsy ay ang seizures o ang hindi makontrol na panginginig ng ilang parte o ng buong katawan. Mapanganib ang seizures dahil mahirap matukoy ang mga senyales na malapit na itong umatake. Kapag biglaang nakaranas ng seizure attack ang isang epileptic, maaaring malagay sa peligro ang kanyang buhay kung mabagok ang kanyang ulo o ‘di naman kaya ay maaksidente habang nagmamaneho ng sasakyan.
Ayon sa mga doktor, mayroong dalawang uri ng epilepsy – general at focal – na nagdudulot ng iba-ibang klaseng seizures. Sa focal epilepsy, isang specific part lang ng utak ang nakararanas ng abnormal brain activity. Ang isang taong may focal epilepsy ay maaaring magkaroon ng simple o complex seizures kung saan may posibilidad ng manatili silang gising o mawalan ng malay tuwing inaatake ng seizure. Samantala, sa general epilepsy naman ay parehas na hemisphere ng utak ang nagkakaroon ng abnormal activity.
Ang mga sintomas ng focal epilepsy ay maaaring mapagkamalang sintomas ng ibang neurological disorder tulad ng migraine, narcolepsy, o mental illness. May ilan na dinadaan sa pag-inom ng vitamin B complex sa unang senyales ng panginginig. Ngunit kinakailangan pa rin ng masinsinang pagsusuri ng isang pasyente upang matiyak na epilepsy nga ang kanyang nararanasan
Treatment para sa epilepsy
Maraming iba’t ibang uri ng epilepsy treatment na makatutulong upang makontrol ng isang epileptic ang kanyang seizures. Sa iilang mga kaso, tuluyang napapatigil ang pag-atake ng seizures kung sasailalim ang pasyente sa tama at mahabang proseso ng gamutan.
Ang pinaka-common na treatment para sa epilepsy ay sa pamamagitan ng gamot na kung tawagin ay anti-epileptic drugs (AED). Pero mayroon ding surgical procedures na ginagawa upang matanggal ang parte ng utak na nakararanas ng abnormal brain activity o ‘di naman kaya ay paglalagay ng isang device upang makatulong sa pagkontrol sa epileptic seizures.
- Anti-epileptic drugs (AEDs)
Ang AEDs ay ang pinakakaraniwang treatment sa epilepsy. Tinutulungan nito na makontrol ang chemicals sa utak na nagdudulot ng abnormal brain activity. Ayon sa datos mula sa mga pag-aaral ng medical experts, tinatalang natutulungan ng AEDs ang pito sa sampung pasyente na makontrol ang kanilang seizures.
Ang mga pinaka-prescribed types ng AEDs ay sodium valproate, carbamazepine, lamotrigine, levetiracetam, at topiramate. Ito ay available sa iba’t ibang forms tulad ng pills, tablets, at syrups and liquids. Makinig nang mabuti sa payo ng doktor patungkol sa dosage at frequency ng pag-inom ng AEDs upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na side effects tulad ng pagkahilo, kakulangan sa enerhiya, agitation, headaches, at hair loss.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/professional-medical-team-performing-surgical-operation-1760903645
- Brain surgery
Isa sa mga option ng mga epileptic ay ang pagpapasailalim sa brain surgery upang matanggal ang parte ng utak na nakararanas ng abnormal activity. Kadalasan itong course of action ng mga pasyenteng hindi nakararanas ng ginhawa mula sa pag-inom ng AEDs. Bago sumailalim sa brain surgery, dadaan muna ang isang pasyente sa ilang tests tulad ng brain scans at electroencephalogram (EEG). Ang resulta ng mga test na ito ay makatutulong sa doktor upang matiyak kung nararapat nga bang sumailalim sa surgery ang isang epileptic.
Bago gawin ang procedure, bibigyan ang isang pasyente ng general anesthetic para siya ay makatulog. Pagkatapos ay gagawa ng maliit na hiwa sa scalp ang surgeon para makagawa naman ng maliit ng butas sa bungo para matanggal ang apektadong parte ng utak.
- Recovery mula sa brain surgery
Kadalasan ay kailangan ng ilang linggo o buwan bago tuluyang maka-recover mula sa brain surgery. Sa recovery period, malaki ang tiyansa na makaranas pa rin ng maliit na seizures kaya naman, depende sa payo ng doktor, mainam na huwag itigil ang pag-inom ng AEDs.
Maaari ring makaranas ng memory loss at pagbabago sa mood at vision pagkatapos ng operasyon. Panandalian lang ang mga komplikasyong ito para sa karamihan ng sumailalim sa brain surgery para sa epilepsy. Kung matagal bago mawala ang mga komplikasyon, mainam na kumonsulta na doktor upang mabigyan ng agarang lunas.
- Vagus nerve stimulation (VNS)
Kung hindi naman option ang brain surgery, maaari rin sumailalim sa ibang operation tulad ng vagus nerve stimulation (VNS) ang isang epileptic. Sa VNS, maglalagay ng isang electric device sa ilalim ng balat sa dibdib na katulad ng isang pacemaker. Ang electric device na ito ay idudugtong sa nerve na nakakonekta sa vagus nerve upang makapag-emit ito ng bursts of electricity na makatutulong upang makontrol ang abnormal brain activity.
Hindi tuluyang mapapatigil ng VNS ang seizures na dulot ng epilepsy. Makatutulong lang ito para mabawasan at mapahina ang seizure attacks.
Marami pang ibang mga treatment para sa epilepsy tulad ng specialized diets at herbal medication na maaaring makatulong sa pagkontrol ng brain activity. Bago sumailalim sa kahit anong treatment, mahalagang malaman kung ano ang iba’t ibang causes of epilepsy upang matukoy kung anong klaseng epilepsy ang iyong nararanasan.
Tandaan na magkakaiba ang responses ng mga epileptic sa mga nabanggit na treatment. Mayroong iilan na kailangan ng treatment habang-buhay at mayroon din namang mga natutulungan upang tuluyang mawala ang sakit at mga sintomas ng epilepsy.
Source:https://www.nhs.uk/conditions/epilepsy/treatment/