Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na taas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat. Kapag nagpatuloy ang karamdaman, ang malakas na puwersa ng dugo ay maaaring makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Ito ay maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso, stroke at sakit sa bato kaya dapat panatiliin ang normal blood pressure.
Ang altapresyon ay may tatlong yugto:
-
Prehypertension - Ang presyon ay bahagyang lampas sa blood pressure normal. Hindi pa kailangan ng gamot sa blood pressure pero rinerekomenda na ng mga doktor ang mag-adjust sa healthy lifestyle.
-
Stage 1 Hypertension - Mataas na ang sukat ng presyon at kailangan na ng gamot na nagpapababa nito.
Stage 2 Hypertension - Lubhang mataas na ang sukat ng presyon at maaari itong tumuloy sa komplikasyon. Kinakailangan dito ang kombinasyon ng mga gamot at pagbabago sa pamumuhay.
Hindi pa natutuklasan ng mga mananaliksik ang mismong sanhi ng hypertension ngunit kadalasang nag-uugat ang karamdaman sa mga ito:
-
Sobrang pag-konsumo maalat na pagkain
-
Paninigarilyo at pag-inom ng alak
-
Edad 55 pataas
-
Kakulangan sa calcium, magnesium, at potassium
-
Pagiging overweight at kakulangan sa ehersisyo
-
Laging stressed at pagod
- Namana sa pamilya
Tinaguriang “silent killer” ang altapresyon dahil hindi madaling mahalata ang mga sintomas nito. Ang mga sintomas ay kadalasang nararamdaman kapag malubha na ang karamdaman. Kung minsan, hindi pinapansin ang mga ito marahil sa kanilang pagiging karaniwan lalo na kung ang tao ay laging busy o pagod. Ugaliing magpa-checkup sa iyong doctor upang maiwasan ang mga epekto ng high blood.
Kinakailangang gumamit ng sphygmomanometer upang masukat ang blood pressure. Ugaliin ang regular na pagpapatingin sa doktor para masuri ang iyong blood pressure.
Ang sentro ng hypertension ang lubhang pagtaas ng blood pressure. Para mapagaling ito at maiwasan ang malulubhang komplikasyon, kailangang uminom ng mga gamot na sadyang magpapababa ng presyon ng dugo:
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at balanced diet ang pinakamabisang sandata laban sa altapresyon. Upang makaiwas sa kondisyong ito, sundin ang sumusunod:
-
Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain.
-
Magbawas ng timbang
-
Limitahan ang pag-inom ng alak
-
Tumigil o umiwas sa paninigarilyo
-
Iwasan ang lubos na kapaguran at stress
-
I-monitor ang presyon sa bahay
-
Lumahok sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation at tai chi.
Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng tamang lunas para sa inyonhg hypertension.