Fever | RiteMED

Sakit At Sintomas

 

FEVER: Panghihina at Pag-init ng Katawan

VIEW MEDICINES

Ano ang lagnat?

Ang lagnat ay isang malawak na kondisyon na naglalarawan sa pagtaas o pag-init ng temperatura ng katawan (mas mataas pa sa 37.8 degrees Celsius Bagamat ito ay kilala bilang isang uri ng karamdaman, hindi dapat ituring na sakit ang lagnat. Sa katunayan, ito ay ang pangunahing palatandaan na nilalabanan ng katawan ang isang impeksyon (infection).

Ang mga karaniwang sanhi ng lagnat ay impeksyon sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at iba pang mga non-infectious diseases tulad ng vasculitis o deep vein thrombosis.

Maaari din maging indikasyon ang lagnat ng marami pang uri ng karamdaman. Karamihan dito ay hindi nakamamatay, ngunit ang iba dito ay kinakailangan ng pagsubaybay ng doktor, lalo na kapag umaabot ng 100.4 degrees Fahrenheit ang temperatura ng pasyente.

Ano ang mga sintomas ng lagnat?

Bagamat tumataas ang temperatura ng katawan, ang taong may lagnat ay kadalasang nanlalamig o giniginaw. Bukod sa mataas na temperatura, maaari siyang makaranas ng iba pang reaksyon sa katawan o sintomas ng lagnat, tulad ng mga sumusunod:

  • Mabigat na pakiramdam o panghihina

  • Pagkawala ng gana kumain

  • Pagkahilo

  • Pagsakit ng ulo

  • Pananakit ng lalamunan

  • Pagtatae

  • Pananakit ng tenga

  • Pagiging masungit o iritable

  • Pagsusuka

  • Pananakit ng katawan

  • Depresyon

  • Nahihirapan matulog

  • Nahihirapan mag-iisip ng mabuti

  • Lethargy (Pagiging lupaypay)

Isang pagkakamali ang isipin na sintomas ng lagnat ang ibang karamdaman tulad ng sipon at ubo. Sa halip, ang lagnat ay ang sintomas ng malalang sipon, ubo, at iba pang sakit na dulot ng impeksyon ng mikrobyo o virus (bacterial/virus infection).

Ano ang mga sanhi ng lagnat?

Ang pagkakaroon ng lagnat ay maaaring dulot ng iba’t-ibang kondisyon gaya ng mga sumusunod:

  • Mga kondisyong nagdudulot ng pamamaga

  • Side effect ng gamot of bakuna

  • Pagkasira ng kalamnan (tissues)

  • Mga metabolic disorders

  • Mga immunological diseases (autoimmune hepatitis, Horton disease,

  • Mga impeksyon sa baga, ballat, lalamunan, kidney, tainga, o bladder

Mausisang pagbabantay at pag-alaga ang kailangan kapag ang lagnat ay hindi gumagaling o kapag ito ay may kasamang malalang sintomas. Alalahanin na ang lagnat ay maaari ding dulot ng malulubhang kondisyon gaya ng kanser, HIV, malaria, dengue, o Ebola. Sapat lamang na magpatingin agad sa doktor sa tuwing nilalagnat.

Ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay mayroong lagnat?

Ang paggamit ng thermometer ay ang pinakatiyak na paraan upang malaman kung ikaw ay merong lagnat. Kadalasan tinuturing may lagnat ang isang tao kapag lumagpas sa 37.8 degrees Celsius ang kanyang temperatura. Gayunpaman, tandaan na mas mahalaga ang paghahanap sa sanhi ng lagnat kaysa sa pagpapababa ng temperatura ng pasyente. Sa kasamaang palad, minsan ay kinakailangan ng mausisang pagsusuri bago pa malaman ang tiyak na sanhi ng lagnat.


Bukod sa physical examination, isa rin sa pamamaraan upang tiyakin ang sanhi ng lagnat ay ang pagbabantay sa mga pagbabago ng temperatura. Kadalasan ding magtatanong ang doktor sa mga pangyayari tulad ng iyong pagbisita sa isang lugar na laganap ang impeksyon pati narin ang mga nakasaad sa iyong kasaysayang medikal (medical history).