Ano nga ba ang Pasa? Dapat ba itong ikabahala?
September 11, 2018
Ang pasa o bruise ay isang klase ng injury sa balat na nagreresulta sa isang skin discoloration o black and blue na marks sa balat. Ito ay common na injury na kadalasan ay dahil sa trauma o pagkakabugbog ng balat o laman. Ang pasa ay dulot ng damaged na blood cells na nakatago sa ilalim ng skin surface. Ang pasa ang maaaring makuha ng kahit sino at sa kahit anong edad.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakukuha ang pasa dahil sa impact o trauma. Anu-ano nga ba ang maaaring sanhi o causes ng pagkakaroon ng bruise o pasa? Paano ito magagamot? Narito ang ilan sa mga halimbawa.
Causes of Bruising
Madalas ay nagkakaroon tayo ng pasa dahil sa pagkabangga sa isang matigas na bagay o physical injury. Narito ang mga conditions na causes of bruising o mga sanhi ng pagkakaroon ng pasa sa balat:
- Ang pasa ay maaaring makuha dulot ng injuries sa exercise o sports. Kasama na rito ang mga bali sa buto, dislocation, pilay, pamamaga ng muscles, at punit na tendons. Ang mga injuries na ito ay dahil sa sobrang exercise o labis labis na oras sa sports.
- Nagiging sanhi rin ng pasa ang concussion o mild na brain injury sa matapos ang trauma o pinsala sa ulo.
- Ang thrombocytopenia o ang pagkakaroon ng mas mababang platelet count kaysa sa normal na bilang nito ay isang sanhi rin ng pagkakaroon ng pasa sa balat. Ito ay nakukuha mula sa iba’t ibang health conditions.
- Ang sakit na leukemia ay nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng pasa. Ang leukemia o iba’t ibang types ng blood cancer ay nangyayari kapag nagkaroon ng maraming white blood cells sa bone marrow ng isang tao.
- Ang head injury ay isang sanhi ng pasa, na nakukuha sa pinsala sa skull, brain, o sa scalp ng isang tao.
- Ang bleeding disorder na tinatawag na Nemophilia A ay nagdudulot din ng pasa sa balat. Ito ay nagaganap kapag ang isang tao ay kulang sa proteins na kinakailangan para sa blood clotting. Dahil dito, nagkakaroon ng suliranin sa blood clot.
- Tinatawag ding Christmas Disease, ang Haemophilia B ay isang rare na genetic condition kung saan ang katawan ay hindi makapag-produce ng sapat na factor IX na kinakailangan rin para sa blood clotting. Dahil dito, nagkakaroon din ng pasa sa katawan.
- Ang hindi pag-produce ng sapat ng katawan ng factor VII ay nagreresulta sa factor VII deficiency at nagiging cause of bruising.
- Isa pang genetic disorder na kung saan ang katawan ay hindi walang sapat na factor X sa katawan ay isa ring sanhi ng pasa sa balat.
- Ang malalang varicose veins ay nagiging sanhi rin ng pasa.
Types of Bruises
Mayroong tatlong uri ng pasa na maaaring mamuo sa balat:
- Sub-cutaneous bruises o mga pasang nagaganap sa sa ilalim lamang ng balat;
- Intramuscular bruises o mga pasang nakikita sa sa ilalim ng muscles; at
- Periosteal bruises o mga pasang umaabot hanggang sa buto.
Photo from Pixabay
How to Treat Bruises
May ilang mga paraan para magamot ang mga pasa. Pinakaepektibo ang treatment sa mga ito kapag bago pa lang ang pasa at kapag ito ay mamula-mula pa. Alamin ang mga effective bruise treatment na maaaring gawin sa iyong tahanan
- Ang pag-apply ng cold compress gamit ang ice pack o kaya naman isang balot ng frozen vegetables sa pasa sa loob ng 20-30 minuto ay makakatulong para mapabilis ang paggaling ng pasa. Maaari rin gumamit ng yelo na nakabalot sa tuwalya at i-apply sa apektadong area.
- Para sa pain relief, maaaring uminom ng RM Paracetamol 500 MG tablet na mabisa para sa minor aches and pains dulot ng pasa. Iwasang uminom ng aspirin para hindi lumala ang pagdurugo sa loob.
- Kapag ang pasa ay sa binti o paa ay malaki, panatilihing nakataas ito sa loob ng 24 hours pagkatapos ng injury na natamo.
- Maaaaring gumamit ng warm compress sa loob ng 10 minutes pagkatapos ng 48 hours. Ito ay pwedeng gawin 2 to 3 times sa isang araw para mag-increase ang blood flow sa pasa at mas mapabilis ang paggaling.
- Ang apple cider vinegar ay napag-alamang nakakatulong para sa blood flow. Maaaring ihalo ito sa warm water at gamitin para sa hot compress.
- Nakakatulong rin and paliligo sa epsom salt para makabawas sa pain dulot ng pasa.
- Isa ang aloe vera sa pinakaepektibo pagdating sa mabilisang paggaling ng mga pasa. Mag apply ng aloe gel sa kung sa apektadong bahagi.
Paano malalaman kung kailangan na pumunta sa doktor?
Mayroong ilang mga palatandaan kung ang pasa ay nangangailangan na ng atensyon ng iyong doktor. Ito ay kadalasang dulot ng mas malalim na dahilan o mas malubhang karamdaman. Narito ang ilan sa mga dapat na tandaan:
- Kapag ang pasa ay may kasamang pamamaga at sobrang pananakit, ito ay isang hindi magandang senyales na kinakailangan ng atensyon;
- Kapag ang pagkakaroon ng pasa ay nagaganap ng madalas at walang dahilan gaya ng pagkabunggo o kaya naman injury;
- Nararapat din na pumunta sa doktor o emergency room kapag ang pasa ay may kasamang bali sa buto o injury sa buto;
- Ang pasa ay kadalasan na gumagaling pagkatapos ng dalawang linggo. Kapag ang pasa ay hindi pa nag-i-improve, o kaya naman ay gumaling after four weeks, maaari itong ipa-check-up;
- Kapag kasabay ng pagkaroon ng pasa ay may pagdurugo sa ibang parte ng katawan gaya ng bibig, gums, o kaya naman ay ilong;
- Kung napapansin na ang pagkakaroon ng pasa ay kasabay sa pagkakaroon ng dugo sa urine o ihi, dumi, o kaya naman ay sa mga mata;
- Kung madalas na nagkakaroon ng pasa na walang kasamang pain o pananakit;
- Kung madalas magkaroon ng maiitim na pasa sa mga binti; at
- Kung umiinom ng blood thinning medication gaya ng aspirin ay mas tumitindi ang pamamaga at pananakit ng pasa, importante na ikonsulta ito agad sa iyong doktor.
Karaniwan lamang ang pagkakaroon ng pasa dulot ng pagkakabunggo at madalas ay dapat hindi ito ikabahala. Ngunit huwag kalimutan na maaaring magkaroon ng mas seryosong dahilan ito lalo na kung ito ay madalas mangyari nang walang dahilan.
Sources:
https://www.emedicinehealth.com/bruises/article_em.htm#are_there_home_remedies_for_bruises
https://www.healthline.com/health/bruise#treatment
https://www.medicinenet.com/bruises/article.htm
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paracetamol-500-mg-tab
https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/bruises-article#1-1