Ang sintomas ng leptospirosis ay karaniwang nararamdaman 4 hanggang 14 na araw matapos ma-expose sa leptospira bacteria. Ito ang tinatawag na incubation period at sa oras na ito maaaring maramdaman ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Pag-ubo
- Panginginig
- Sakit ng ulo
- Pagkahapo
- Pagkahilo at pagsusuka
- Pagtatae
- Pagkawala ng ganang kumain
- Pamamantal ng balat
- Pamumula ng mga mata
- Pagsakit ng mga kalamnan lalo na sa hita at likod
Maaaring lumubha ang leptospirosis at maging dahilan ng pagkamatay kapag hindi naagapan. Maaapektuhan ang mga lamang-loob tulad ng atay, baga, bato, puso at utak. Ang malubhang kasong ito ng leptospirosis ay tinatawag na Weil’s disease. Ito ang ilan sa mga sintomas:
- Paninilaw ng balat at ng puting bahagi ng mga mata
- Pamamaga ng mga bukung-bukong, paa at kamay
- Pananakit ng dibdib
- Seizures o matinding sumpong
- Pangangapos ng hininga
- Pag-ubo ng dugo