Medyo mahirap malaman kung ikaw ay may gout dahil ang mga sintomas nito ay masyadong karaniwan. Ngunit maraming mga naibalita na lumala lamang ang kanilang nararamdaman bunga ng self-medication at ang pag-inom ng mga maling gamot.
Bagamat indikasyon ng pagkakaroon ng gout ang pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan, hindi maisisiguro ang karamdaman dahil lang sa mga sintomas na ito. Kung magpapakonsulta sa isang manggagamot o kahit sinong eksperto sa kasukasuan, mas magiging sigurado ka sa iyong karamdaman. Praktikal ang pagpapa-checkup upang malaman kung gout nga ba ang kondisyon nyo o mas malala pa.
Sa ibaba ang mga pagsusuri upang malaman na ikaw ay may gout:
-
Blood testing – ang pagsusukat ng uric acid at creatinine levels sa dugo
-
Joint fluid test – ang pagkukuha ng fluid sa naapektuhang parte ng kasukasuan at pag-obserba nito gamit ang microscope
-
X-ray – ang pagsusuri ng kasukasuan