Mga sintomas ng sakit sa atay | RiteMED

Mga sintomas ng sakit sa atay

February 17, 2019

Mga sintomas ng sakit sa atay

Gaano kahalaga ang atay sa ating katawan?

Ang ating atay o liver, isa sa pinakamalaking organ sa ating katawan, ay napakahalaga sa ating overall na kalusugan. Ito ang nagsisilbing taga-sala ng karamihan ng nutrients bago ikalat sa buong katawan. Ito rin ang nagsasala ng ating iniinom at kinakain. Ang mga by-product ng mga iniinom nating gamot ay tinatanggal ng ating atay. Ang mga toxic substances na posible nating makain o mainom ay sinasala at inilalabas ng atay sa ating pag-ihi o pagdumi.

Mga sintomas ng sakit sa atay

  • Jaundice (paninilaw)

Ang jaundice ay ang paninilaw ng mata at kutis na posibleng dulot ng sakit sa atay. Kaya may paninilaw ay dahil sa pagtaas ng lebel ng bilirubin sa dugo. Ang bilirubin ay isang waste material na naiiwan sa ating bloodstream kapag natanggal ang iron sa ating dugo.

  • Pananakit ng tiyan

undefined

Marami ang posibleng pagmulan ng pananakit ng tiyan pero posible rin itong magmula sa pamamaga, pagkakaroon ng bukol o unti-unting pagkasira ng mismong atay.

 

  • Biglaang paglaki ng tiyan

Kasabay ng pananakit ng tiyan ang paninigas, pagkakaroon ng bukol at ang pamamaga ng kalamnan.

 

  • Pagiging manas ng paa at binti

Dahil sa kondisyon ng fibrosis (ito ay nangyayari sa tissue kapag nasisira), naiipon ang likido sa labas ng cell kaya may swelling o pagmamanas.

 

  • Pag-iiba ng kulay ng ihi

Kapag ang kulay ng iyong ihi ay madalas na kulay tsaa, pumunta na sa ospital at magpa-konsulta sa doktor.

 

  • Pagdumi na may kasamang dugo; Kakaibang ng kulay ng dumi

     Katulad ng pag-iiba ng kulay ng ihi, kailangang aksyonan din agad at magpacheck up kapag nakaranas ng ganitong sintomas.

 

  • Pagsusuka

Hindi na kayang ilabas ng atay ang mga toxic substances sa pag-ihi at pag-dumi kaya isinusuka na lamang ng ating katawan ang mga ito.

 

  • Walang gana kumain

    Ang atay ay tumutulong para matunaw ang pagkain. Ngunit kapag ito ay hindi na gumagana nang maayos, maaaring mawalan ng gana ang pasyente.

 

  • Pakiramdam na palaging pagod

Nanghihina at madaling mapagod ang isa sa mga senyales na may sakit sa atay sapagkat ang pagpalya nito ay ang pagkalat ng toxins sa katawan.

 

  • Madaling magkapasa

Ang atay ay naglalabas ng protina na importante sa blood clotting na siyang pumipigil sa excess bleeding. Kapag may dipirensya ang atay, apektado ang blood clotting at nagreresulta ito sa mabilis na pagkakaroon ng pasa.

 

Gamot sa sakit sa atay

Kapag nakakaranas na ng mga sintomas ng sakit sa atay, mas mabuting magpakonsulta sa doktor upang sumailalim sa iba’t ibang tests tulad ng abdominal ultrasound at liver biopsy.

 

Ano ang mga dapat iwasan upang hindi magkasakit sa atay?

  • Bantayan ang diet

Kapag nasobrahan sa taba o fatty acids, ito ang nagiging sanhi ng fatty liver disease.

  • Iwasan o bawasan ang paginom ng alak

undefined

  • Hangga’t maaari, huwag pagsabay-sabayin ang paginom ng magkakaibang gamot
  • Gumamit ng mask upang maprotektahan ang sarili sa mga airborne na kemikal

Halimbawa ng mga kemikal na ito ay mga insecticide, mga household liquid cleaners na may matapang na amoy, at iba pang mga toxic substances na posibleng nasa inyong paligid.



What do you think of this article?