Tamang Gamot sa Ankle Sprain | RiteMED

Tamang Gamot sa Ankle Sprain

August 16, 2019

Tamang Gamot sa Ankle Sprain

Ang ating mga litid ay mga matitibay na elastic-like bands na kumukonekta sa ating mga buto at nagkakabit sa ating joints. Ang sprain o tapilok ay isang injury sa ating litid sa paa. Maaring ang litid ay bahagyang na-damage o maaari ding ito ay naputol. Maraming klase ng sprain gaya ng wrist, knee, at thumb sprain.

Kadalasang nagyayari ito sa mga taong active sa iba't-ibang uri ng sports kagaya ng basketball, track and field, volleyball, gymnastics, at iba pa. Hindi lang sa sports maaaring matapilok. Ang pasusuot ng high heels ng mga kababaihan ay maaaring magdulot din ng sprain.

Mga Sanhi ng Ankle Sprain

Maaring magdulot ng ankle sprain ang mga sumusunod na activities:

  • Paglakad o pag ehersisyo sa hindi pantay na surface;
  • Pagkahulog;
  • Pagsali o pag-participate sa mga sports na nangangailangan pagtakbo o pagpihit ng paa gaya ng sa paglalaro ng basketball, tennis, football, volleyball, at soccer; at
  • Pagtamo ng injury mula sa kalaro kagaya ng pagtapak sa paa habang tumatakbo, na magiging sanhi ng pagpihit ng paa at mapuwersa ito.

Mga Sintomas ng Ankle Sprain

Ang pagkakaroon ng sprained ankle ay napakasakit at ang paa ay madaliang namamaga kapag ang litid ay napinsala. Gayunpaman, mayroong ilang sintomas na maaaring makita kasama ng pamamaga ng paa. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pamamaga dahil sa pagdami ng fluid sa mga tisyu sa bahagi ng ankle. Kadalasang malala ang pamamaga at umuumbok ang parteng may pamamaga.
  • May sakit na mararamdaman dahil mas nagiging sensitibo ang nerves. Ang joints ay sumasakit o maaari ring kumirot. Kapag pinisil ng daliri ang bahaging namamaga, lalo itong sumasasakit, gayundin kapag iginalaw ang paa. Madalas kapag may sprain ay hindi naitatapak ng injured ang kanyang paa.
  • May pamumula at bahagyang mainit ang parteng namamaga dahil sa pagbilis ng daloy ng dugo sa bahaging na-sprain.
  • Nagkakaroon ng pasa o bruises ang bahaging na-sprain.
  • Limitado ang paggalaw ng apektadong joint.

undefined

Pangunahing Lunas o First Aid para sa Sprained Ankle

Kadalasan, kapag mas malala ang pamamaga at sakit ng bahaging na-sprain, mas malala ang injury nito. Subalit may mga sitwasyon na hindi masyadong malala ang pagkatapilok kaya naman hindi na kailangang dalhin sa doktor. Gayunpaman, malala man o hindi, nangangailangan ang pasyente ng pangunahing lunas upang maibsan ang pamamaga at pananakit ng sprained ankle. Ang pangunahing lunas na ito ay tinatawag na RICE. Ito ay nangangahulugang: Rest, Ice, Compression, at Elevate. Ang mga sumusunod ang mga dapat gawin kapag gagamit ng RICE:

Rest - Ipahinga ang natapilok na paa. Huwag munang galawin o ipang-lakad ang injured area. Maaring bigyan ka ng abiso ng inyong doktor na huwag munang itapak ang injured na paa mula 48 to 72 hours. Depende sa pinsala, maaaring kailanganing gumamit ng crutches. Ang splint o brace ay maaari ring pansamantalang makatulong, ngunit huwag iwasan ang pagkakaroon ng movements. Kailangan pa ring mag-exercise ng katamtaman upang makondisyon ang mga kalamnan o muscle sa paa.

Ice - Gumamit ng cold pack. Lagyan ng yelo ang injured part upang mapigilan ang pamamaga. Lapatan ng cold compress ang injured na area sa loob ng 15-20 minuto sa unang 48 hours hanggang sa maibsan ang pamamaga. Alalahanin na hindi ito dapat gawin nang  matagal dahil maaari itong maging sanhi ng damage sa tissues.

Compression - Balutin ng bandage ang paa.

Elevate - Itaas ang bahagi ng injured area upang malimitahan ang pamamaga.

undefined

Makakatulong din ang mga anti-inflammatory pain medications upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng sprained ankle. Maraming available na over-the-counter medications gaya ng ibuprofen at paracetamol na pinagsama sa RiteMED Paramax.  Kailangan lamang kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot upang malaman kung may ibang medical problems na kailangang suriin muna.

Kailan kailangang kmunsulta sa doktor?

Madalas ay hindi naman kailangangang pumunta sa doktor kapag minor injury or sprain lamang.

Kailangan din ng follow-up visit isa hanggang dalawang linggo pagkatapos ng injury upang mabigyan ng doctor ang pasyente ng flexibility and strengthening exercises.

Medical Treatment para sa Sprained Ankle

Kapag malala ang damage sa ligaments dulot ng pagkatapilok, maaaring magbibigay ang doktor ng mga medical treatments upang ito ay malunasan. Minsan, kailangan ng mga imaging tests upang makita ang kung gaano kalubha ang pinsalang dala ng pagkatapilok sa mga ligaments at buto. Ilan sa imaging tests na ito ay ang x-ray, magnetic resonance imaging o MRI para sa mga malalang kaso ng sprained ankle, at ultrasound upang makita ng doctor ang stability na ibinibigay ng na-damage na ligament o litid. Maaaring lagyan ng doctor ng brace o cast ang paa upang mabawasan ang motion ng sprained ankle.  Madalas ay ina-advise ang paggamit ng crutches para hindi mabigyan ng pasyente ng weight ang injured ankle.

Kadalasan, hindi naman nangangailangan ng surgery ang ankle sprain. Kahit na malala ang damage ng litid o ligaments sa paa ay naghihilom pa rin ito. Mayroong tinatawag na three-phase program para sa treatment ng ankle sprain. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Phase 1 - Ito ay kung kailan ang ankle ay ipinapahinga, pinoprotektahan, at binabawasan ang pamamaga.
  • Phase 2 - Ito ay ang phase kung saan tinutulungang manumbalik ang range of motion, strength, at flexibility ng injured area.
  • Phase 3- Sa phase na ito naman ay nagkakaroon ng maintenance exercises at gradwal na panunumbalik ng activities na hindi naman nangangailangan ng pagpihit ng paa.

Ang three-phase treatment na ito ay tumatagal ng dalawang linggo para sa minor sprains at anim hanggang 12 linggo para sa severe injuries.

Sources:

https://alternativehealth.weebly.com/topics.html

https://orthoinfo.aaos.org/en/diseases--conditions/sprained-ankle/

https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-sprain/basics/art-20056622

https://www.webmd.com/pain-management/ankle-sprain#3

https://www.healthline.com/health/ankle-sprain#symptoms



What do you think of this article?