Ang flu o mas kilala sa tawag na trangkaso ay isang pangkaraniwang sakit na sanhi ng impeksyon na nakakaapekto sa ilong, lalamunan, at baga.
Ayon sa World Health Organization, bilyon-bilyong tao ang naapektuhan nito kada taon sapagkat madaling makalat ang virus mula sa sipon, lagnat, o ubo. Malalaman ng isang tao na siya ay may flu kapag mainit ang kanyang katawan
Madali mong matuklasan na meron kang flu sapagkat mabilis mararamdaman ang mga sintomas nito. Karaniwan, ikaw ay magkakalagnat at agad-agad manghihina ang iyong katawan.
Sa ibaba ang mga pangunahing sintomas ng flu:
-
Lagnat
-
Panghihina ng katawan
-
Pananakit ng katawan
-
Panlalamig
-
Pananakit ng ulo
-
Pagsusuka at pagkahilo
Matapos ang ilang araw, mararamdam mo na bumubuti ang iyong pakiramdam. Gayunpaman, kahit magaling na ang mga pangunahing sintomas, magsisimula naman ang mga bagong sintomas tulad ng kahirapan sa paghinga, ubo, sipon, sipon (colds), at pamamaga ng lalamunan.
Ang pangunahing sanhi ng flu ay ang influenza virus. Ito ay may tatlong uri: influenza type A, influenza type B, at influenza type C. Habang ang type A at ang type B ay naiuugnay sa malala na mga kaso at pangkaraniwang nakukuha tuwing panahon ng taglamig, ang type C naman ay maaaring makaapekto anumang oras o panahon.
Ang karaniwan na dahilan ng lagnat ay trangkaso (flu). Ang sanhi ng pagkakaroon o pagkahawa ng influenza virus ay ang pagtabi sa taong may flu. Kapag nahawakan o ginamit mo ang kanyang mga plato, baso, panyo, bolpen, telepono, o kahit anong bagay na kanyang nahawakan, may posibilidad na magkakasakit ka rin.
Malalaman mo na ikaw ay may flu kapag kinunan mo ng temperature ang iyong katawan gamit ang thermometer; nakasaad na mayroon kang lagnat o temperatura na mahigit sa 37.8 C. Kung gusto mong siguraduhin na ikaw ay may flu, maaari ding bumibisita sa isang health clinic o ospital at kausapin ang isang doctor para sa isang pagsusuri.
Madaling mawala ang flu. Karaniwan, kapag lumipas ang tatlo o apat na araw, maaaring bumuti ang pakiramdam at unti unti na mawala ang sakit.
Habang hindi pa bumubuti ang iyong pakiramdam, iwasan muna ang mga bagay na nakakasama sa pakiramdam. Ugaliing makapagpahinga at ipagpaliban muna ang mga gawain na nakakadagdag stress. Kumain ng masusustansyang pagkain at mga sopas .
Ayon sa mga eksperto ng Department of Health (DOH), dahil ang flu ay isang viral infection, madali lang magkaroon o mahawa dito. Kapag ikaw ay may sakit, may posibilidad pa itong lumala kapag naisalin sa iyo ang flu virus.
Dahil sa nakakabahalang kaso ng 2009 flu pandemic sa Pilipinas na nakaapekto sa maraming mga estudyante at turista, naging mas maingat pa ang DOH at pati na rin ang ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Commission on Higher Education at Department of Tourism.
Para hindi basta-basta magkaroon ng flu, ugaliing palakasin ang iyong immune system. Maging mas maingat lalo na kapag nasa iisang bahay kayo ng isang taong may lagnat. Tiyakin rin na ikaw ay palaging naghuhugas ng kamay. Kung maaari, iwasan muna makisalamuha ang taong may flu habang meron pa siyang sakit.
Iba pang paraan para maiwasan ang flu:
-
Tiyaking balanse ang diet o ang kinakain araw-araw
-
Kumain ng mga iba’t ibang gulay at prutas
-
Uminom ng maraming tubig
-
Maglaan ng pito hanggang walong oras sa pagtulog
-
Maglaan ng panahon para sa regular na pag-eehersisyo
-
Uminom ng mga bitamina – lalo na ng ascorbic acid o vitamin C
-
Magpabakuna (anti-flu shots)
- Iwasan ang pagod at nakaka-stress na trabaho