Ang COVID-19 ay sakit na galing sa SARS-CoV-2 na isang coronavirus. Ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na tinatarget ang respiratory system ng mga mammals kasama ang tao. May apat na uri ng coronavirus: alpha, beta, delta, at gamma. Karamihan ng mga coronavirus ay napapabilang sa mga hayop. Pero may ilang alpha at beta types na naipapasa sa tao.
Gabay sa Kalusugan
Articles
Ano ang Covid-19?
Ano ang mga sintomas ng Covid-19?
Ayon sa Center for Disease Control or CDC, ang mga sintomas ng COVID-19 ay:
- Pagubo
- Kahirapan sa paghinga o shortness of breath
- Pagkapagod o fatigue
- Sakit ng ulo o headache
- Baradong ilong
- Runny nose
- Lagnat o fever
- Muscle pain
- Sore throat - Nilalamig o chills
- Pagkawala ng panlasa o pang amoy
- Pagkahilo at pagsusuka
- Diarrhea
Dahil galing ang COVID-19 ay galing sa isang coronavirus karamihan ng sintomas nito ay tulad ng sa iba pang respiratory ailments. Bilang generic o pangkaraniwan ang mga sintomas ng sakit na ito mahirap madiagnose ang sakit kung hindi gagamitan ng specialized test.
Anu-ano ang mga sanhi ng Covid-19?
Sa kaso ng mga coronavirus na naipasa sa tao, galing muna ito sa mga hayop. Halimbawa noong unang SARS outbreak, nagsimula ito sa contact ng tao at ng isang civet cat. Noong MERS outbreak naman nagmula ito sa isang uri ng camel. Sa ngayon ay hindi pa rin natitiyak ng mga expert kung saan eksakto nagmula ang COVID-19 outbreak.
Ngayon, ang COVID-19 any naipapasa na sa mga tao. Ibig sabihin nito ay kapag infected na ang isang tao ay maaari na silang makahawa ng iba. Ang mahirap sa COVID-19 ay matagal ang asymptomatic period nito, 2-14 days.
Kapag asymptomatic, ibig sabihin ay carrier o nagdadala ng virus ang isang tao kahit di siya nagpapakita ng sintomas. Kaya naman mas mabuting lagi tayong maghugas ng kamay, mag face mask, at social distancing.
Anu-ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay mayroong Covid-19?
Sa ngayon may mga tests na pwedeng malaman kung ang tao ay kasalukuyan o nakaraang na-infect ng COVID-19.
Ang VIRAL TEST ay nakadetect ng current o kasalukuyang infection. Ang dalawang types ng viral test ay: nucleic acid amplification tests (NAATs) and antigen tests.
Ang ANTIBODY o SEROLOGY TEST naman ay maaaring maka detect ng nakaraang infections. Pero hindi dapat ito gamitin para mag-diagnose ng current infection.
Paano ginagamot ang Covid-19?
As of this writing, walang pang gamot para sa COVID-19. Pero may mga treatment na binigay ang mga doktor upang i-manage ang karamdaman. Para sa karamihan gumagaling sila sa loob ng 2 weeks. Pero may iba na kailangang maospital. At para sa malubhang cases kailangan pa ng oxygen therapy.
Ang meron tayo ngayon ay vaccine. Ang ginagawa nito ay binibigyan ang katawan natin ng paraan upang puksain ang COVID-19 virus kapag nainfect tayo nito. Ang resulta nito ay napipigilan ng ating katawan ang pag develop ng sakit bago pa ito magsimula.
Sa Pilipinas, maraming local government units o LGU ang nagbibigay ng libreng vaccines o bakuna.
Paano maiiwasan ang Covid-19?
Ayon sa mga expert kumakalat ang virus sa pamamagitan ng respiratory droplets na kadalasang lumalabas kapag bumabahing o umuubo.
Upang maiwasan mahawaan ng virus at para mapabagal ang pagkalat nito may ilang reccomendations ang mga expert:
- Social distancing o ang pagtayo ng 2 meters mula sa ibang tao
- Regular at wastong paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon
- Pagsusuot ng face mask pati face shield kapag lumalabas
- Pag-iwas sa mataong lugar at kaganapan
Para naman sa mga pakiramdam nila ay may sintomas sila ng COVID-19 maaari silang magpatest. Mabuti na rin na mag self quarantine sila sa kanilang bahay.