Top 5 na Karaniwang Sakit ng mga Matatanda | RiteMED

Top 5 na Karaniwang Sakit ng mga Matatanda

September 7, 2016

Top 5 na Karaniwang Sakit ng mga Matatanda

Kasabay ng kanilang pagtanda ay ang natural na panghihina ng kanilang katawan o ang tinatawag na “wear and tear”, na sinasabing nararamdaman ng mga nasa edad 60 pataas. Bagama’t ang kundisyong ito ay normal na nangyayari, malaking factor pa rin ang lifestyle choices sa ibang diseases na maaaring dumapo sa kanila.

 

Ilan sa mga karaniwang sakit ng matatanda ay ang sakit sa mata, sakit sa puso, pagrupok ng buto, at pagiging makakalimutin. Kilalanin ng lubusan ang mga ito at alamin kung paano makakatulong upang maibsan o malunasan man lang ang sakit na kanilang nararamdaman.

 

1. Sakit sa mata (Cataracts, Glaucoma, Macular Degeneration)

 

Pinaka-karaniwan sa mga matatanda ang pagkakaroon ng problema sa kanilang paningin.  Ang cataracts o katarata ay isang bara sa lens ng mata na nagpapalabo ng paningin. Ang tanging paraan lamang upang gumaling sa sakit na ito ay operasyon. Maaaring isangguni ang ganitong karamdaman sa mga health center o city health office.

 

Samantala, ang glaucoma naman ay isang sakit kung saan hindi lubusang lumalabas ang optic fluids sa loob ng mata. Nasisira ang optic nerves na nagiging dahilan kaya wala nang ma i-transmit na signals sa utak. Tandaan na walang lunas ang glaucoma, napapabagal lamang ng mga ophthalmologist ang pagkabulag ng pasyente sa pamamagitan ng eye drops o laser surgery.

 

Ang macular degeneration naman ay ang sakit sa mata dahil sa paghina ng gitnang bahagi ng retina o macula. Ito ay ang parte ng ating mata na responsable sa matuwid na pokus sa central vision at kumokontrol sa kakayahang magbasa, magmaneho ng sasakyan, kumilala sa mukha ng tao, at tumukoy sa kulay ng anumang bagay.

 

 

2. Alzheimer’s disease

Bagama’t karaniwang sakit ang Alzheimer’s disease ng mga matatanda, sinasabing hindi normal ang pagkakaroon nito. Ayon sa isang neurologist, hindi lahat ng may edad na ay nagiging ulyanin sapagkat may mga matatanda pa ring matalas ang memorya.

 

Ayon sa doktor, karaniwan ang ganitong sakit sa may mga edad 85 pataas kung saan nasa 50% ang posibilidad ng magkaroon ng naturang sakit. Kapag nakitaan na ng madalas na pagkalimot ang pasyente, ipatingin na agad ito sa doktor upang mabigyan ng karampatang lunas.

 

3. Respiratory diseases

Dala ng katandaan, humihina ang immune system ng mga matatanda kaya't mas prone sila sa mga respiratory diseases.

 

Isa sa mga sakit na ito ay pneumonia. Sinasabing ang mga nasa edad 60 pataas ang may mataas na mortality rate sa bansa dahil sa naturang sakit. Kalimitan, ang pneumonia sa mga matatanda ay naghahatid ng panghihina, pagkawala ng ganang kumain, at sa mga malalang kaso ay ang hirap sa paghinga at grabeng pag-ubo.

Bukod sa pneumonia, nariyan din and COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease. Mas kilala ang COPD sa tawag na emphysema. Ito ay ang sakit sa baga na sanhi ng paninigarilyo at paglanghap ng polusyon sa hangin. Maaari ring maging dahilan ay ang paglanghap sa usok ng sigarilyo at usok ng nagsisiga o naggagatong.

Ang mga taong sakit na emphysema ay palaging hirap huminga at sa kaunting lakad lamang ay kinakapos na sa hangin.

 

4. Hypertension

Isa rin ang hypertension o high blood sa mga common diseases ng ating mga senior citizen. Mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng ganitong karamdaman kung  mahilig kumain ng matataba at maaalat na pagkain ang pasyente, kakulangan sa ehersisyo, at pagkakaroon ng history ng high blood sa pamilya.

 

Ang hypertension ay maaaring makapagdulot ng pananakit ng ulo, pagkahilo, o kaya naman ay pagpitik sa ugat na malapit sa dibdib. Inirerekomenda na ugaliin ang regular na pagpapakuha ng BP ng mga nasa edad 40 pataas upang ma-monitor ang kanilang blood pressure.

 

 

5. Kanser

Bagama't kahit anong edad ay maaaring dapuan ng kanser, sinasabing mas prone ang mga matatanda na magkaroon ng ganitong karamdaman. Tulad na lamang ng kanser sa prostate na dumadapo lamang sa mga lalaking may edad 50 pataas. Sinasabing bihira ito sa mga kalalakihang nasa edad 45 pababa.

 

blood-pressure-1573037_960_720.jpg

 

Sa kanilang katayuan ngayon, importante lamang na bigyan sila ng importansya at pakatutukan ang lagay ng kanilang katawan at kalusugan. Ikonsulta ang ating mga lolo't lola sa mga espesyalista ng geriatrics o geriatric medicine na siyang nag fo-focus sa analysis at treatment ng iba't ibang uri ng sakit pang-matanda.

 

Gabayan din silang kumain ng mga angkop at masustansyang pagkain, gayundin ang pag-eehersisyo upang lumakas at maging malusog ang kanilang pangangatawan.

 

Sources:

http://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/10/26/12/salamat-dok-illnesses-elderly

http://kalusugan.ph/ano-ang-gamot-sa-katarata/

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/11/918228/mga-mata-alagaan-traydor-na-glaucoma-manmanan

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/02/05/1420242/sakit-sa-mata-anong-gagawin-part-1

http://www.remate.ph/2012/09/katarata-at-macular-degeneration-epekto-ng-paninigarilyo/

http://news.abs-cbn.com/life/07/12/16/alzheimers-disease-normal-sa-matatanda

http://www.businessmirror.com.ph/2016/07/08/a-pneumonia-free-life-for-the-elderly/

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2012-12-17/887038/emphysema-copd-paano-iiwas

http://www.philstar.com/opinyon/2012-07-19/829218/emphysema-tips-para-makahinga-nang-maluwag

http://kalusugan.ph/hypertension-high-blood/

http://www.buhayofw.com/medical-advice/cancer/ang-mga-lalaki-at-prostate-cancer-51b614ea021f5#.V8_Xd_l97IV



What do you think of this article?