Tips Para Makaiwas sa Flu ang mga Bata | RiteMED

Tips Para Makaiwas sa Flu ang mga Bata

August 14, 2017

Tips Para Makaiwas sa Flu ang mga Bata

Ano ang Flu?

Ang trangkaso o flu ay isang nakakahawang sakit na dulot ng virus na umaatake sa respiratory system at nagdudulot ng impeksyon. Kapag hindi ito nagamot ng maayos, maaaring magresulta ito sa mas malalang sakit gaya ng pneumonia kapag napabayaan. Ilang libong tao ang namamatay taon taon dahil sa mga komplikasyong dulot ng flu. Mas malala ang trangkaso kung ikukumpara sa sipon. Walang rin itong pinipili na edad. Lahat ng tao, mapa-bata man o matanda ay maaaring madapuan nito.

Ang flu virus ay pumapasok sa bibig o ilong kapag nakalanghap ng droplets na galing sa ubo at bahing ng taong may sakit at nakahawak ng mga bagay na kontaminado ng virus. Mataas ang chances na mahawa ang mga bata kung ang mga kalaro nito ay may trangkaso o kung ma-eexpose ito sa mga lugar o bagay na nadapuan na ng flu virus.

 

Sintomas ng Trangkaso

 

  • Sore throat

  • Lagnat na umaabot sa 37.8 Celsius

  • Pananakit ng ulo

  • Pananakit ng joints at muscles lalo na sa likod, binti at braso

  • Ubo

  • Panghihina

  • Pagkawala ng gana kumain

 

Ang sintomas ng trangkaso ay mas malala kasya sa sintomas ng sipon. Ngunit dahan dahan naman itong nawawala pagkalipas ng dalawa hanggang limang araw. Pahinga, pag-inom ng tubig at gamot gaya ng paracetamol at ibuprofen ang ilan sa mga pwedeng gawin para gumaling.

 

Tips Para Makaiwas sa Flu ang mga Bata

1. Panatilihing malinis ang kamay, dahil ang flu virus ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng mucus membranes ng ilong, mata at bibig. Maiging habang bata palang ay maging habit na ang palaging paghuhugas ng kamay. Turuan ang mga bata na maghugas ng kamay sa loob ng 20 seconds or more pagkatapos gumamit ng banyo, bago kumain at pagkagaling sa labas.

2. Laging pabaunan ng alcohol o hand sanitizer ang mga bata lalo na kung lalabas ng bahay o kaya pupunta sa school. Hindi sa lahat ng lugar ay may malinis na tubig at sabon kaya’t mainam na may dala dalang alcohol o hand sanitizer. Piliin ang hand sanitizer na may 60% alcohol, dahil ganito kadami ang kailangan para mamatay ang germs.

undefined


3. Bigyan ng flu vaccine ang mga bata. Mayroong dalawang klase ng flu shots sa Pilipinas. Ang trivalent flu vaccine ay lumalaban sa dalawang strain ng influenza A at isang influenza B strain habang ang quadrivalent flu vaccine naman ay proteksyon sa tig-dalawang strain ng influenza A at B. Lahat ay pwedeng magpabakuna kahit ang mga buntis. Maaaring mag-react ang katawan sa vaccine na gawa sa patay na viruses.

Ang bakuna sa young adults ay nagbibigay ng 65 hanggang 80% na proteksyon laban sa sakit at 30 hanggang 40% naman sa matatanda. Kailangang taun taon kumuha ng flu shots dahil paiba-iba din bawant taon ang klase at stain ng flu virus. Ang World Health Organization ang nagbibigay ng rekomendasyon kung ano ang dapat baguhin sa bakuna. Magandang magpabakuna bago magsimula ang flu season na kasabay ng tag-ulan sa bansa. Pumapatak ito sa buwan ng Pebrero at Hunyo.

4. Mahilig maki-share ng pagkain at inumin ang mga bata. Sa bahay palang ay gawin ng habit ang pagkakaroon ng sariling baso, plato, kutsara at tinidor. Kahit na walang may sakit, mainam na masanay sila na gumagamit ng sarili nilang utensils. Mahalagang gawin din ito ng mga magulang para maging ehemplo sila sa mga anak.

5. Gaya ng pagbabaon ng alcohol, lagi ding pabaunan ng tissue ang mga bata. Maaari nila itong gawing pangtakip sa ilong at bibig kapag may kalaro na may sakit o kung sila mismo ay may sakit. Turuan ang mga chikiting na gumamit ng paper towel o tissue kung magpapatay ng gripo sa banyo dahil isa ito sa mga pinaka kontaminadong gamit sa CR.

6. Kung mayroon silang kaibigan, kaklase o kalaro na umuubo at bumabahing, lagi silang paalalahanan na iwasan ang physical contact sa taong may sakit para hindi sila mahawa. Magandang magsuot ng facial mask para hindi makapasok sa katawan ang mga virus. Kung hindi nila maiiwasan na hindi ito hawakan o lapitan, huwag kakalimutan na paghugasin sila ng kamay pagkatapos.

7. Painumin ng madaming tubig kahit walang sakit. Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-inom ng walong baso ng tubig araw-araw ay nakakatulong para mapanatiling may moisture ang linig ng ilong. Ang mga taong umiinom lang ng tatlong baso ng tubig ay may mas mataas na tsansang magkaroon ng baradong ilong o sore throat.

undefined

 

8. Pakainin ng masusustansyang pagkain lalo ng gulay. Kailangang palakasin ang immune system para malabanan nito ang mga virus at bacteria na pumapasok sa katawan. Huwag din kalimutan na suportahan gamit ng vitamins ang resistensya ng mga bata para hindi sila madaling dapuan o mahawa sa mga sakit.

9. Gaya ng pagkain ng masusustansyang pagkain, nakakatulong din sa pagpapalakas ng resistensya ang pagpapahinga. Dapat matulog ng 10 hanggang 11 oras ang mga batang may edad 5 hanggang 10 taong gulang.

 

Sources:

 

  • http://www.webmd.com/cold-and-flu/flu-guide/advanced-reading-types-of-flu-viruses#1

  • http://lifestyle.mb.com.ph/2017/03/21/its-march-time-for-a-flu-shot/

  • http://www.remate.ph/2012/04/sampung-katanungan-tungkol-sa-trangkaso/#

  • http://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/flu-cold-symptoms#1

  • http://www.webmd.com/cold-and-flu/features/which-habits-really-help-you-avoid-colds

  • http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/flu/home/ovc-20248057

  • http://www.dailymail.co.uk/health/article-203142/Why-water-ward-flu.html

  • http://www.everydayhealth.com/cold-and-flu-pictures/ways-to-prevent-colds-and-flu.aspx#10

  • http://symptoms.webmd.com/cold-flu-map/teach-kids-avoid-cold-flu



What do you think of this article?