Tamang Alaga sa Ngipin Para Iwas Toothache
December 2, 2017
Marami sa atin ay maituturing nang guilty-pleasure ang kumain. Kain dito, kain doon. Paano nga ba naman natin ito maiiwasan kung kabi-kabila ang mga restaurant at food parks na nag-o-offer ng mga interesting, bago, at masasarap na pagkain. Ito na rin ang dahilan kung bakit kailangang mapagtuunang pansin ang dental care. Kapag napabayaan ito ay maaaring magresulta ito sa pananakit ng ngipin.
Labis na makaka-apekto sa isang tao ang pagkakaroon ng toothache. Maraming factors ang nagdudulot ng pagkasira ng ngipin.Kabilang sa mga ito ay ang tooth decay o di naman kaya ay gum infection. Pinakamabuting solusyon sa ganitong sitwasyon ay ang pagbisita sa dentista para sa tamang alaga. Ngunit, gaya nga ng kasabihan, prevention is better than cure. Basahin ang ilan tips para sa mga tamang alaga sa ngipin para iwas toothache.
- Regular na mag-toothbrush.
Lagi nating naririnig sa ating mga magulang noong tayo ay bata pa na mag-toothbrush at least 3x a day. Ito rin ang palaging payo sa atin ng ating mga dentista. Mabuting panatiihin itong practice upang maiwasan ang pamumuo ng plaque sa ngipin. Ang regular na pagto-toothbrush ay nakakaiwas rin sa pag-develop ng tartar at tooth decay. Kung pipili ng toothpaste ay siguraduhing mayroong itong fluoride. Dapat ring tandaan na magpalit ng toothbrush kada tatlong buwan upang maiwasan ang pamumuo dito ng bacteria.
- Gumamit ng Mouthwash.
Totoo ngang malaki ang role ng regular na pagto-toothbrush sa overall health ng ating ngipin pero minsan ay hindi ito sapat. Minsan ay may mga bahagi ng ating bibig na hindi naaabot ng toothbrush, gaya na lamang ng mga singit-singit ng ngipin. Maaari itong pamugaran ng bacteria na makakapagdulot ng problema sa ating mga bibig tulad ng infection. Isini-suggest rin ang paggamit ng dental floss.
- Iwasan ang pagkain ng matitigas na pagkain.
Totoo nga na gawa sa matigas na materyal ang ating mga ngipin at kaya nitong kumagat sa matitigas na bagay. Subalit may mga bagay tayong nakakagat na nakakasira ng ating mga ngipin. Iwasan ang pagkain ng mga matitigas na bagay o di naman kaya ay maging aware kapag kakagat sa mga may buto. Ang aksidente mula rito ay maaaring magresulta sa pagka-damage ng ngipin na kapag hindi na-remedyohan ay posibleng lumala sa pagka-decay.
- Kumonsulta sa dentista
Dalawang beses sa isang taon ang ideal na pagbisita sa ating mga dentista. Kada pagbisita ay sasailalim ang pasyente sa cleaning, check-up, at maintenance. Iniiwasan nito ang pagkakaroon ng komplikasyon mula sa cavities, plaque, at gum disease.
Ilan lamang ang mga payong ito na maaari ninyong sundin upang makaiwas sa pagkakaroon ng toothache. Simple lamang na maituturing ngunit malaki na ang maitutulong nito sa pagpapanitili ng ating overall dental hygiene!
Sources:
http://www.orajel.com/en/Resource-Center/Toothache-Pain-Relief/Prevention-and-Oral-Care
https://askthedentist.com/how-to-stop-a-toothache/
http://www.curetoothdecay.com/Tooth_Decay/severe_toothache.htm
http://www.thefilipinodoctor.com/search-drug.php?keyword=Toothache&cat=1&indi=1&disid=20030038
http://www.pharmaceutical-journal.com/learning/learning-article/question-from-practice-how-to-select-the-right-mouthwash/11133479.article
http://www.colgate.com/en/us/oc/oral-health/basics/dental-visits/article/how-often-should-you-go-to-the-dentist