Tamang Alaga para sa Wet and Dry Cough | RiteMED

Tamang Alaga para sa Wet and Dry Cough

April 23, 2021

Tamang Alaga para sa Wet and Dry Cough

Bilang isang COVID symptom, isa ang cough o ubo sa mga binabantayang kondisyon ngayong panahon ng pandemic. Ayon sa mga pag-aaral, 60% ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang nakaranas ng dry cough. Ang natitirang porsyente naman ay nagkakaroon ng wet cough o ubong may kasamang plema o mucus. 

 

Para sa magkaibang uri ng cough, may iba’t ibang solusyong kinakailangan para guminhawa mula sa mga ito. Tingnan natin ang mga sumusunod na cough home remedy para sa dry cough at wet cough.

 

 

Para sa Dry Cough

 

  1. Uminom ng gamot sa ubo. Kung acute cough o pang-karaniwang ubo lang na hindi tumatagal ng tatlong linggo ang nararanasan, pwedeng uminom ng mga over-the-counter cough medicine. Mayroong mga cough suppressants o antitussives na makakatulong para mapigilan ng cough reflex.

 

  1. Sumubok ng lozenges. Ito ang tawag sa medicated menthol candies na binababad sa bibig malapit sa lalamunan para mawala ang pangangati at iritasyon.

 

  1. Maghalo ng honey sa pagkain at inumin. Mayroon itong anti-inflammatory properties na nakakapagpatanggal ng pamamaga at sore throat dahil sa dry cough. Manatili ring hydrated para sa mas mabilis na paggaling.

 

  1. Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin para guminhawa ang namamaga at nangangating lalamunan.

 

 

Para sa Wet Cough

 

  1. Uminom ng gamot para sa wet cough gaya ng mga expectorant. Ang ganitong cough medicine ay ginagamit para mas madaling mailabas ang mucus o irritants na humaharang sa airways. Mayroong RM Ambroxol, RM Bromhexine, at RM Carbocisteine tablets na tumutulong makapag-alis ng baradong airways sa pamamagitan ng pagpapalambot ng mucus. Sa ganitong paraan, mas madaling mailabas ang cough with phlegm.

 

  1. Matulog nang may mas mataas ang ulo kaysa sa katawan. Kapag pantay ang katawan sa ulo, maaaring maipon ang plema sa lalamunan, dahilan para umubo nang umubo sa gabi o kung kailan nagpapahinga dapat.

 

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/elderly-patients-bed-asian-senior-man-1434840710

 

Cough Home Remedy para sa Iba’t Ibang Uri ng Ubo

 

Ang mga sumusunod naman ay para sa pagma-manage ng anumang klase ng ubo:

 

  • Panatilihing malinis at dust-free ang paligid.
  • Magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay, ganoon din kung mayroong mga kasama sa bahay para makaiwas sa transmission ng infection.
  • Magkaroon ng sapat na pahinga para makabawi ang katawan.
  • Uminom ng maraming tubig o liquids para guminhawa ang pakiramdam.
  • Umiwas sa paninigarilyo at sa exposure sa irritants gaya ng usok, alikabok, at iba pa.
  • Ipasuri agad sa doktor ang mga ubo lalo na kung kalakip ang COVID symptoms o kaya naman ay mayroon nang ubo na tumatagal lagpas tatlong linggo.

 

Sources:

 

https://www.webmd.com/lung/covid-19-symptoms#:~:text=Early%20studies%20have%20found%20that,%E2%80%9D%20or%20%E2%80%9Cproductive%E2%80%9D%20cough.

https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-dry-cough#medical-treatment

 

 

 

 



What do you think of this article?