Tamang Alaga Para sa Sakit ng Ulo | RiteMED

Tamang Alaga Para sa Sakit ng Ulo

July 21, 2021

Tamang Alaga Para sa Sakit ng Ulo

Ang headache ay isang term na ginagamit upang ilarawan ang sakit sa isa o higit pang mga parte ng ulo, mukha, o leeg. Kabilang rin dito ang network ng mga nerve fibers sa mga tissue, muscles, at blood vessels na matatagpuan sa ulo at sa base ng bungo.

 

Common Headache Causes

Ang sakit ng ulo ay maaaring ma-trigger ng ilang lifestyle factors, tulad ng:

  • Alcohol (partikular na ang red wine)
  • Pagkain ng processed meats
  • Pagbabago sa pagtulog o kawalan ng tulog
  • Hindi magandang postura
  • Pagpapalipas ng gutom
  • Stress

 

Mga Uri ng Headache

 

  • Migraine headache

Ang migraine headache ay karaniwang nararamdaman sa isang bahagi ng ulo ng halos 60% ng mga nagdurusa nito. Ayon sa mga migraine sufferers, ang pananakit ay parang kumakabog (throbbing). Ang pagduduwal, pagsusuka, pati na rin ang pagiging sensitibo sa ilaw, ingay, amoy, at tunog ay madalas na nararanasan kapag may migraine headache.

 

 

  • Tension headache

Kabaliktaran ito ng migraine headache, dahil ito ay “steady ache” at hindi kumakabog. Naapektuhan rin nito ang magkabilang panig ng ulo. Ito ay nailalarawan ng banayad hanggang katamtamang sakit, at karaniwang nararamdaman sa likod ng ulo at leeg pagkagising.

 

  • Cluster headache

Ito ay mina-manifest ng isang matinding sakit sa paligid ng isang mata. Ang mata ay maaaring namamaga o “watery.” Minsan, mayroon ring nasal congestion sa apektadong bahagi ng mukha. Mabilis lang ang atake ng cluster headache -- umaabot lamang ito ng hindi hihigit sa isa o dalawang oras.

 

Mga Sintomas ng Sakit sa Ulo

  • Sipon
  • Stres
  • Lagnat, trangkaso, o sinusitis
  • Sugat sa ulo
  • Neck pain mula sa strain o arthritis
  • Premenstrual syndrome (PMS)
  • Pag-inom ng gamot (tulad ng indomethacin, nitrates, at vasodilators)
  • Withdrawal mula sa drugs (gaya ng caffeine, ergotamine, at sympathomimetics)
  • Alcohol withdrawal at hangover

 

Treatment Tips at Recommended Medicine for Headache

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-day-home-winter-season-young-1487854622

 

  1. Huwag magpuyat.

Ang kakulangan sa pagtulog ay nagpapabilis sa paggawa ng mga protina sa katawan na nagdudulot ng chronic pain.

 

  1. Mag-take ng pain reliever medicine.

Ang medicine for pain reliever tulad ng RM Paracetamol ay kumikilos sa pamamagitan ng pagpigil sa mga nasugatan o nasirang cells na gumawa at mag-release ng prostaglandin. Kapag hindi pinakawalan ng mga cell ang kemikal na ito, hindi malalaman ng utak na may nararamdamang sakit ang katawan.

 

  1. Kumain ng tama sa oras.

Kapag ikaw ay nalipasan ng gutom, maaaring bumaba ang level ng iyong blood sugar. Bilang tugon, maglalabas ang iyong katawan ng hormones na magsi-signal sa iyong utak na nagugutom ka. Ang hormones rin na ito ang magpapataas ng iyong blood pressure at maghihigpit o mag-iigting (tighten) ng iyong blood vessels, na nagdudulot ng sakit ng ulo.

 

  1. Iwasan ang alcohol intake.

Ang alcohol ay diuretic (water pills), ibig sabihin, kumikilos ito sa ating mga bato para tayo ay paihiin ng paiihiin. Ang pagkawala ng fluids mula sa ating katawan ay maaaring humantong sa dehydration, na magreresulta naman sa sakit ng ulo.

 

  1. Limitahan ang pag-consume ng processed foods.

Ang mga pagkain tulad ng ham, bacon, hotdogs, at corned beef ay naglalaman ng additives o preservatives na nakaka-trigger ng headache.

 

  1. Uminom ng kape.

Ang pag-inom ng isang tasa ng kape araw-araw ay isa ring headache medicine. Ang kawalan ng caffeine sa katawan ay maaaring magsanhi ng pagiging “dilated” ng blood vessels, na nagreresulta sa sakit ng ulo. Ngunit tandaan, ang labis na caffeine ay maaari ring magdulot ng sakit ng ulo.

 

  1. Protektahan ang mga mata.

Ang maliwanag na ilaw ay maaaring humantong sa eyestrain at kalaunan, sakit ng ulo. Gumamit ng sunglasses o eye shields upang maiwasan ang direktang sinag ng araw sa mga mata.

 

Sources:

 

https://www.mayoclinic.org/symptoms/headache/basics/causes/sym-20050800

https://thefilipinodoctor.com/condition/headache

https://www.unilab.com.ph/articles/how-to-detect-and-prevent-migraine



What do you think of this article?