Sodium Ascorbate vs. Ascorbic Acid – Ano ang pinagkaiba? | RiteMED

Sodium Ascorbate vs. Ascorbic Acid – Ano ang pinagkaiba?

June 30, 2018

Sodium Ascorbate vs. Ascorbic Acid – Ano ang pinagkaiba?

Isa nang karaniwang kaalaman ang mga benefits ng Vitamin C sa ating katawan (https://www.webmd.com/diet/features/the-benefits-of-vitamin-c#1), katulad na lamang ng pagpapalakas ng immune system na nakakatulong sa pagkakaroon ng malusog ng katawan. Nakatutulong rin ang Vitamin C sa paglaban sa stress. Bukod sa pagkain ng balanced diet, maaari ring makakuha ng Vitamin C mula sa mga vitamin supplements gaya ng Ascorbic Acid at Sodium Ascorbate. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba nila?

 

SODIUM ASCORBATE AT ASCORBIC ACID BENEFITS

Ang Ascorbic Acid at Sodium Ascorbate ay magkatulad na uri ng Vitamin C. Parehas ang benefits na naibibigay ng Ascorbic Acid at Sodium Ascorbate sa katawan – nakakapagpanatili ito ng kalusugan ng ating balat, ngipin, buhok, gilagid, at iba pa. Maaari rin itong makatulong sa pagpapabagal ng paglabo ng mata at paghina ng buto. Ang kaunting kinaibahan lamang ng Sodium Ascorbate ay mayroon itong kasamang sodium na nakakapagpababa ng acidity level ng Vitamin C, na nagiging dahilan para mas madaling ma-absorb at manatili ang Vitamin C sa loob ng katawan.

 

ANO ANG MAS NAAAYON SA IYO?

Bagaman ligtas ang vitamins na ito, mabuting alamin muna ang lagay ng iyong katawan bago uminom ng Vitamin C. Ito ay dahil sa posibilidad na side effect na maaaring maidulot ng pag-inom ng mga ito. Bilang isang organic acid ang Ascorbic Acid, maaari nitong maitaas ang pH level ng iyong stomach acid na pwedeng mauwi sa hyperacidity o acid reflux. Kung ikaw naman ay may high blood pressure o di kaya naman ay kailangang bantayan ang sodium level (katulad ng mga may diabetes o kidney diseases), mas mainam na umiwas sa Sodium Ascorbate.

Malinaw na malaki ang naitutulong ng Vitamin C para sa ating kalusugan, ngunit mabuti nang magpa-konsulta sa doktor upang malaman kung Ascorbic Acid ba o Sodium Ascorbate ang mas nababagay para sa iyo.

 

Sources:

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-1001/vitamin-c-ascorbic-acid

https://www.livestrong.com/article/168202-what-is-sodium-ascorbate/

https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=12536



What do you think of this article?