Sintomas ng TB sa bata
January 17, 2019
Ano ang tuberculosis?
Ang tuberculosis, o TB, ay isang impeksyon dulot ng airborne na bacteria na Mycobacterium tuberculosis. Ang bacteria na ito ay kumakalat hindi lang sa baga, kundi sa buong katawan.
Kumpara sa ibang bacterial infection, ang mga sintomas ng TB ay hindi agad lumalabas at madalas napagkakamalan pa na ibang sakit. Nagagamot ang tuberculosis kaya importanteng maagapan ito agad upang maiwasan ang malubhang kumplikasyon.
Paano kumakalat ang tuberculosis?
Ang taong may tuberculosis, kapag bumahing, tumawa, kumanta, o kahit na anong aksyon na may direct contact sa iba, ay nakahahawa sapagkat ang Mycobacterium tuberculosis, isang uri ng bacteria, ay airborne o kumakalat sa hangin.
Ang bacteria na nagdudulot ng tuberculosis ay matagal kumalat. Kaya ang madalas nahahawaan nito ay mga taong madalas na kasama sa araw-araw gaya ng kamag-anak, katrabaho, o kaibigan.
Madaling magkaroon din ng sakit na ito ang mga may Human Immunodeficiency Virus o AIDs, diabetes, may komplikadong sakit sa bato, may cancer sa leeg o parte ng ulo, may malnutrition o mababa ang timbang, mahina ang resistensiya, at ang mga may medication sa organ transplant.
Ano ang epekto ng tuberculosis sa ating katawan?
- Latent Tuberculosis Infection
Ito ang unang impeksyon ng tuberculosis sa katawan. Kapag nagpa-x-ray, hindi ito nakikita o napapansin ang mga sintomas.
Ang bacteria sa ganitong uri ng tuberculosis ay kadalasang nananatili ngunit tumitigil ang pagkalat kapag lumakas ang immunity system ng taong infected kaya hindi nararamdaman o napapansin. Hindi ito nakakahawa ngunit kailangan pa ring bigyang pansin upang hindi lumala.
- Active Tuberculosis
Kapag ang kanilang sakit ay hindi naagapan at lalong kumalat sa buong katawan, dito na nagiging aktibo at lumalabas ang ilang sintomas ng TB. Ang active tuberculosis disease ay nakahahawa.
Kadalasan ang mga batang may latent tuberculosis infection o primary infection,
pagkatapos ng 6 hanggang 10 na linggo at lumakas at naka-recover ang kanilang immunity system, ay gumagaling na.
- Reactivation Disease
Nangyayari ito sa mga nagkaroon na ng latent tuberculosis infection at naresolbahan na ang primary infection. Subalit ang tuberculosis sa kanilang katawan ay nananatili pa rin (dormant o hybernating). Sa oras na humina ang resistensya ng taong may tuberculosis, maaaring maging aktibo muli ang sakit na ito.
Ano ang sintomas ng TB
Paano malalaman kung may TB ang isang tao? Narito ang mga sintomas para sa mga may active o reactivation tuberculosis disease:
- Ang pag-ubo na tumatagal ng higit tatlong linggo
- Paninikip ng dibdib
- Pag-ubo na may dugo
- Pakiramdam na palaging pagod
- Pagpapawis kapag natutulog
- Madaling ginawin
- Nilalagnat
- Kawalan ng gana kumain
- Biglaang pagbaba ng timbang
NOTE: Maaaring may TB ang isang tao pero walang nararamdaman.
Gamot sa TB
Para makompirma kung mayroon kang Tuberculosis, kailangan magpasuri sa doktor at sumailalim sa ilang tests. Kabilang sa mga tests na ito ay ang skin test, blood test, imaging tests at sputum smear/culture tests.
Para gumaling mula sa TB, kinakailangang uminom ng gamot ng six months.
Ang mga karaniwang gamit sa Tuberculosis ay ang mga sumusunod:
- RM Isoniazid Pyridoxine Hydrochloride
- Rifampin
- Ethambutol
- Pyrazinamide
Para matulungan ang mga pasyente na inumin ang kanilang gamot, may programa tulad ng DOT o Directly observed therapy. Sa pamamagitan nito, may mga health worker na tutulong sa pagpapainom ng gamot upang hindi makalimutan ng mismong pasyente.
References:
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/tuberculosis
https://www.ritemed.com.ph/articles/ang-mga-dapat-gawin-kung-may-kapamilya-kang-may-tuberculosis
https://www.ritemed.com.ph/articles/myths-and-facts-tungkol-sa-tuberculosis
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tuberculosis/diagnosis-treatment/drc-20351256