Pwede ba magka Ringworm sa Anit?
October 15, 2021
Nakakaranas ka ba ng pangangati o pagsakit ng iyong anit? Posibleng ito ay dulot ng ringworm o buni.
Ang ringworm ay isang uri ng fungal infection na nagdudulot ng matitingkad na red ring-shaped rash sa mga bahagi ng katawan. Kadalasan itong nakikita sa kamay, singit, paa, o kuko ng paa. Maari ring magkaroon ng buni sa anit o ang tinatawag na Tinea Capitis. Ang Tinea Capitis ay isang uri ng ringworm infection na namumuo sa hair follicle ng anit.
Ringworm Causes
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos, halos 40 unique na uri ng fungi ang maaaring magdulot ng ringworm o buni. Maaari itong makuha sa mga infected na tao o hayop, o kahit sa mga bagay na mayroong nakakahawang fungi. Karaniwang nabubuhay ang fungi sa mga mainit-init at mamasa-masang bahagi ng katawan gaya ng paa, singit, o tiklop ng balat.
Mga Sintomas ng Ringworm sa Anit
Paano nga ba malalaman kung may ringworm skin ka na, partikular sa anit? Ilan sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- Maliliit na red bumps
- Nana sa anit
- Scaling na halintulad sa pagbabalakubak
Ang mga maliliit na red bumps sa anit ay maaaring dumami kapag hindi naagapan at maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng iyong anit. Maaari ring maglagas ang buhok ng sinumang may ringworm sa anit. Nagkakaroon din ng mga patches na may maliliit na black dots kung saan nalagasan ng buhok.
Ringworm Treatment
Kung may nararamdaman o napapansin kang ringworm skin sa anit, agad na magpatingin sa doktor para mabigyan ng tamang lunas. Kadalasan, ang gamot para sa ringworm ay topical antifungal medication, o mga pinapahid na gamot sa balat. Ngunit sa kaso ng tinea capitis o buni sa anit, kinakailangang gumamit ng prescription-strength oral antifungal medications sa loob ng 1-3 buwan. Mas mabisa ang pag-inom ng gamot kaysa sa mga pinapahid kung mayroong buni sa anit.
Isa sa halimbawa ng topical antifungal ointment na mabisang panlaban sa mga ringworm sa paa, kamay, at singit ang RiteMed Tolnaftate 10mg/g ointment. Pinupuksa ng ointment na ito ang pagdami ng mga fungi na namalagi sa katawan at nagdudulot ng ringworm.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/mycosis-scalp-girl-ringworm-hair-shaved-1168066588
Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng ringworm, ugaliing tuyuin ng maigi ang katawan matapos maligo o mabasa. Tiyakin din na madalas nilalabhan at pinapalitan ang bed sheets at pillowcases. Palitan din ang mga gamit na suklay o brush, at iba pang hairstyling tools lalo na kung iba-iba na ang gumamit nito.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/326665
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ringworm-scalp/symptoms-causes/syc-20354918
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ringworm-scalp/symptoms-causes/syc-20354918