Pwede Ba Magka Heart Disease ang Bata? | RiteMED

Pwede Ba Magka Heart Disease ang Bata?

September 9, 2021

Pwede Ba Magka Heart Disease ang Bata?

Maraming uri ng problema sa puso pagdating sa bata, mula sa kondisyon na walang symptoms of heart disease at hindi kayang suriin, hanggang sa matinding kondisyon na maaaring magdulot ng kamatayan. Ang isa sa pinaka pangkaraniwan na kondisyon ay ang congenital heart disease.

Ang congenital heart disease ay isang sakit sa puso na nakuha ng bata mula nang siya ay isilang, kadalasan dahil sa mga depekto sa puso na nangyari sa oras ng kapanganakan. Bawat taon, 20,000 na bata na mayroong ganitong sakit ang pinapanganak at isa sa apat na pasyente ang namamatay dahil sa kakulangan sa heart disease treatment.

Ayon sa World Health Organization, congenital heart disease ay kasalukuyang pang-apat na dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa Pilipinas na nasa ilalim ng edad na lima. Dahil dito, marapat na malaman ng mga magulang, magiging magulang, at mga nagbabantay ng bata kung ano ang mga symptoms of heart disease sa mga bata.

Ang pag-alam sa mga sintomas ng heart disease ay mahalaga upang mabigyan agad ng agarang heart disease treatment ang mga nakakaranas ng sakit na ito. Narito ang ilan sa mga common congenital heart conditions sa mga bata at ang mga sintomas nito:

 

·         Anomalous Pulmonary Venous Return

Ang congenital heart disease na ito ay dulot ng abnormal na koneksyon sa pagitan ng pulmonary veins at ng puso.

Sa normal na puso, ang pulmonary veins ay naka-konekta sa left upper chamber ng puso, ngunit sa anomalous pulmonary venous return, ang pulmonary veins ay maaaring kumonekta sa iba pang veins, sa halip na dumirekta ito sa left upper chamber ng puso.

Ang isa sa mga symptoms of heart disease na ito ay ang kulay ng balat ng bata ay mediyo bughaw. At, ang solusyon para dito ay isang operasyon upang maikonekta ang pulmonary veins sa left atrium ng puso.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/cold-flu-treatment-615375980

 

·         Atrial Septal Defect

Ang kondisyon na ito ay tumutukoy sa butas sa septum na naghihiwalay sa two upper chambers ng puso. It ang pangalawa sa pinaka pangkaraniwang congenital heart disease.

Kapag hindi sumara ang butas na ito ay magdudulot ito ng pagdami ng dugo sa right atrium ng puso na siyang magreresulta sa pagkakaroon ng abnormal na ritmo ng puso (arrhythmias), abnormal na pagtaas ng blood pressure sa lung arteries (pulmonary hypertension), at minsan, ay congestive heart disease symptoms.

Ang mga sintomas ng Atrial Septal Defect ay pag-igsi ng paghinga, pagkapagod, pamamaga (tulad ng paa, binti, at sikmura), palpitations, at pagbaba ng timbang (lalo na sa mga bata).

Kapag hindi nagsara ang butas na ito pagsapit ng ikalimang taon ng bata, open-heart surgery ang kailangan.

·         Patent Ductus Arteriosus

Ilan sa mga sanggol ang nagkakaroon ng congenital heart disease na ito. Ang patent ductus arteriosus ay nangyayari kapag ang blood vessel (ductus arteriosus) na importante para sa sirkulasyon ng dugo ay hindi magsasara ilang araw matapos ang kapanganakan.

Ang hindi pagsara ng ductus arteriosus, magkakaroon ng sobrang daloy ng dugo sa baga na magiging sanhi ng pagtaas ng blood pressure sa lung arteries at tension sa puso.

Kapag matindi ang patent ductus arteriosus, ang mga sintomas na makikita ay hirap sa paghinga, pag-igsi ng hininga, pagbaba ng timbang, at iba pang sintomas ng congestive heart failure.

·         Truncus Arteriosus

Sa normal na puso, dalawang arteries ang mabubuo galing sa puso: ang pulmonary artery at aorta. Ngunit kapag may congenital heart disease na truncus arteriosus, isang blood vessel ang lumilitaw mula sa puso at ito ay gagawa ng pulmonary artery at aorta.

Pagdating sa heart disease symptoms ng kondisyon na ito, dapat pagtuunan ng pansin ang pagka bughaw ng balat ng bata (cyanosis).

Ang truncus arteriosus ay nagdudulot ng heart failure at ang mga sintomas nito ay pagbilis ng paghinga, bigo sa pagdagdag ng timbang at paglaki, at pagkawalang ganang kumain.

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/heart-disease/in-children

http://www.secondscount.org/pediatric-center/conditions-children#.YR20HLAzbIU

https://anesthesiology.duke.edu/?p=835470



What do you think of this article?