Proteksyon ng Balat Ngayon Tag-Araw | RiteMED

Proteksyon ng Balat Ngayon Tag-Araw

April 17, 2017

Proteksyon ng Balat Ngayon Tag-Araw

 

 Usong usong tuwing summer ang mga family outing sa swimming pools o di kaya'y beach para magpalamig. Iba't-ibang putahe ang inihahanda at kung saan-saang lugar pumupunta ang mga pamilya o barkada para ma-enjoy ang summer. Ngunit, isa sa mga bagay na hindi gaanong nabibigyan ng atensyon tuwing tag-init ay ang pangangalaga sa ating mga balat habang nasa ilalim ng araw. Mahigit 90% ng kaso ng skin cancer ay dulot ng exposure sa araw kung kaya't mahalagang bigyang pansin agad ang pangangalaga sa balat habang maaga pa.

Madaming paraan para maiwasang ma-damage ang balat habang nasa outing.

  1. Maglagay ng sun screen lotion.

Maglagay ng sunblock na water-resistant at SPF 30 pataass, 15 hanggang 30 minutes bago lumabas sa arawan o lumangoy. Huwag tipirin ang paglagay. Pinoprotektehan ng sunblock ang balat laban sa UVA at UVB radiation na galing sa araw na syang pumapatay sa skin cells. Mabuting magpahid ng sunblock kada dalawang oras. Huwag kalimutang lagyan ang hairline, tenga, paa at talukap ng mata.

Kung nagtitipid, mas okay na bumili ng sunscreen na may zinc oxide o titanium dioxide dahil ito ang klase ng sunscreen na nagbblock ng init ng araw. Ang isang klase ng sunblock ay nag-aabsorb ng init ng araw at saka ito ibinabalik. Maaaring bumili ng generic suncreen. Kasing bisa din ito ng mga branded.

  1. Maglagay ng lip balm.

Kahit ang ating mga labi ay kailangan din ng proteksyon laban sa mapanganib na init ng araw. Ang lip balm na ilalagay ay dapat mayroon ding SPF 30. Hangga't maaari habang nasa arawan ay huwag gumamit ng baby oil, petroleum jelly, o lipstick at lip gloss na makikinang.

  1. Gumamit ng sumbrero at sunglasses.

Magsuot ng mga malalapad na sumbrero. Naitatago ng sumbrero ang parte ng katawan na hindi nababalot ng damit o nalalagyan ng sunblock. Magsuot din ng sunglasses na may 99% hanggang 100% UV absorption para sa proteksyon ng mata laban sa init ng araw. Mas maigi kung mas malaki ang frame ng salamin para maprotektahan ang balat sa paligid ng mata. Ang matagal na exposure sa UV na walang proteksyon ay maaaring magdulot ng pamumula ng mata.

  1. Magsuot ng damit na may proteksyon laban sa UV rays.

Ang damit ang unang pang-depensa laban sa UV rays bilang ito ay nag-aabsorb o nagbblock ng init ng araw. Mainam na magsuot ng mga damit na mayroong UPF (Ultraviolet Protection Factor). Ang UPF ay ang bilang kung gaano karaming ultraviolet rays ang kayang pumasok sa tela at umabot sa balat. Mas mataas na UPF, mas mabuti.

undefined

 

  1. Huwag masyadong magbabad sa araw.

Limitahan lamang ang pagbibilad sa initan mula 10:00 AM hanggang 4:oo PM, dahil matindi ang sikat ng araw sa mga oras na ito. Kung ang anino ay mas maiksi na sa'yo, oras na para maghanap ng lilim.

  1. Uminom ng maraming tubig.

Ayon sa mga eksperto, ang araw, hangin at tubig alat ay sanhi ng pagka-dehydrate ng balat. Mahalagang laging uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration. Malaki ang tsansang madehydrate tuwing summer dahil tuloy na tuloy na pagpapawis dala ng init ng panahon. Kailangang matumbasan ng tubig na iinumin ang tubig na nawala sa katawan.


undefined

Ituloy lamang ang kasiyahan ngayong tag-araw ngunit huwag kakalimutan ang mga bagay na makakasama sa ating balat.

Sources:

  • http://www.allure.com/gallery/how-to-protect-your-skin-from-the-sun
  • http://www.skincancer.org/prevention/sun-protection/clothing
  • http://www.healthywomen.org/content/blog-entry/top-10-ways-protect-yourself-sun
  • http://www.webmd.com/beauty/features/how-your-skin-can-survive-summer#1
  • http://www.goodhealthacademy.com/beauty-tips/5-proven-tips-to-protect-your-skin-this-summer/
  • http://www.moneycrashers.com/protect-skin-sun-damage-safety/
  • http://www.cancer.net/navigating-cancer-care/prevention-and-healthy-living/protecting-your-skin-sun
  • https://www.bustle.com/articles/169907-8-ways-to-prevent-hair-skin-damage-at-the-beach
  • http://blog.reneerouleau.com/going-to-the-beach-tips-to-save-your-skin-from-skin-care-expert-renee-rouleau


What do you think of this article?