Paano Maiiwasan ang Pigsa? | RiteMED

Paano Maiiwasan ang Pigsa?

October 15, 2021

Paano Maiiwasan ang Pigsa?

Ang pigsa o boil ay isang impeksyon sa balat na nagsisimula sa isang hair follicle o oil gland. Sa una, ang balat ay namumula sa lugar ng impeksyon, at isang malambot na bukol ang mabubuo. Pagkatapos ng apat hanggang pitong araw, ang bukol ay magsisimula nang pumuti habang ang “pus” o nana ay magfo-form sa ilalim ng balat.

 

Ang pinakakaraniwang parte ng katawan na nagkakaroon ng pigsa ay ang mukha, leeg, kilikili, balikat, at pigi. Kapag may nabuo sa eyelid o talukap ng mata, ito ay tinatawag na "sty."

 

Kung maraming pigsa ang lilitaw sa isang parte ng katawan, ito ay isang seryosong uri ng impeksyon na tinatawag na "carbuncle."

 

Boils Causes

Kadalasan, ang pigsa ay sanhi ng isang mikrobyo na tinatawag na "staphylococcal bacteria." Ang mikrobyo na ito ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng maliliit na hiwa sa balat o maaaring maglakbay sa buhok sa follicle.

 

Narito naman ang ilang health problems na madalas na nagiging sanhi kaya nagkaka-impeksyon sa balat ang isang tao:

  • Diabetes
  • Mga problema sa immune system
  • Poor nutrition
  • Poor hygiene
  • Exposure sa harsh chemicals na nakaka-iritate sa balat

 

Mga Sintomas ng Pigsa

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/es/image-photo/hold-hot-water-bottle-arm-1217311552

 

Ang isang pigsa ay nagsisimula bilang isang matigas, mapula, at masakit na bukol na karaniwang halos kalahating pulgada ang laki. Makalipas ang ilang araw, ang bukol ay nagiging malambot, malaki, at masakit. Kalaunan, ang maliit na nana ay mabubuo sa taas (o gitna) ng pigsa.

 

Ito ang mga palatandaan ng isang matinding impeksyon:

  • Ang balat sa paligid ng pigsa ay nahawahan. Ito ay nagiging pula, masakit, mainit-init, at namamaga.
  • Maraming pigsa ang lumilitaw sa paligid ng orihinal na impeksyon.
  • Mayroong lagnat
  • Namamaga ang mga lymph node

 

Boils Treatment: Home Remedies

 

  1. Gumamit ng warm compress at ibabad ang pigsa sa maligamgam na tubig. Mababawasan nito ang sakit at makakatulong rin na palabasin ang nana. Kapag "nahinog" na ang pigsa, mabubutas o puputok na lang ito matapos ang paulit-ulit na pagbabad. Karaniwang tumatagal ang pigsa sa loob ng 10 araw mula ng lumitaw ito. Maaari kang gumawa ng warm compress sa pamamagitan ng  pagbabad ng isang malinis na tela sa maligamgam na tubig at pagpiga nito bago ipunas sa sugat.

 

  1. Kapag nagputok ang pigsa, hugasan ito ng isang antibacterial soap hanggang sa mawala ang lahat ng nana at linisan ito gamit ang alcohol. Mag-apply ng ointment for boils (topical antibiotic) at takpan ng bandage. Hugasan ang infected area sa loob ng ilang araw (dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw) at ipagpatuloy rin ang paggamit ng warm compress hanggang sa gumaling ang sugat.

 

  1. Huwag butasin o paputukin ang pigsa gamit ang isang karayom. Maaari nitong palalain ang impeksyon.

 

Medical Treatment para sa Pigsa

Kung may concern ka tungkol sa seriousness ng impeksyon, maaaring magsagawa ng additional blood tests. Maaari ring mag reseta ang doktor ng antibiotic for boils tulad tulad ng RM Cloxacillin kung makumpira na malala na nga ang impeksyon. Kung drained na ang pigsa, maaaring magsagawa ng culture upang malaman kung anong klaseng bacteria ang nagdudulot ng infection at kung anong antibiotic ang dapat mong i-take.

 

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-a-boil#preventing-boils  

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/boils

https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-pigsa-at-home-remedies-para-dito



What do you think of this article?