Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Kulugo? | RiteMED

Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Kulugo?

December 20, 2018

Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Kulugo?

Maliliit na bilog-bilog na kadalasan ay kulay-balat o itim – usapin pa rin sa iba na ang mga kulugo o wart ay nakukuha sa ihi o dumi ng mga palaka kapag lumulusong sa baha. May mga nagsasabi naman na sanhi ito ng impeksyon sa dugo, namamana, at nakakahawa. Dahil marami pa ring haka-haka tungkol dito, sadyang nakakalito kung paano ang gagawing pag-iwas para hindi magkaroon nito.

 

Ano nga ba ang kulugo?

 

Tinatawag na verruca sa linya ng medisina, ang kulugo o wart ay magagaspang na bukol o tumor na kadalasan ay nakikita sa kamay at paa. Ito ay benign o non-cancerous. Kung minsan, may itim na mga tuldok ang anyo nito. Maaari ring tumubo ito sa iba’t ibang parte ng katawan. Kadalasan, nawawala rin ito makalipas ng ilang buwan. May mga kaso naman na umaabot ito ng ilang taon. Walang kasamang pananakit ang pagkakaroon ng kulugo. May ilang mga kaso lamang na nakakaramdam ng hapdi ang mga mayroon nito.

 

Anu-ano ang sanhi ng kulugo?

 

Ang sanhi ng kulugo ay isang virus na tinatawag na human papillomavirus o HPV. Maaaring na-infect ang isang tao nito kaya nagkaroon ng kulugo, o hindi kaya naman ay nahawa mula sa pagdikit sa balat na kinaroroonan ng kulugo. Posible ring makuha ito sa paghiram ng gamit ng may impeksyon.

 

Ilan pa sa mga posibleng pasukan ng HPV infection ang:

 

  • Bitak-bitak na parte ng balat;
  • Open wounds o mga sariwang sugat; o
  • Balat na matagal nakababad sa tubig gaya ng swimming pool.

 

Lumalagi ang virus na nagsasanhi ng kulugo sa mga lugar na warm at moist gaya ng sahig ng palikuran at mga gym.

 

Anu-ano ang mga klase ng kulugo?

 

Kulugo sa kamay, kulugo sa paa – saan man ito tumubo, iisa lang ang virus na nagsanhi nito. Kapag sa kamay tumubo, ito ay verruca vulgaris. Kung sa paa naman lumabas, ito ay verruca plantaris. Bihira man ang ganitong uri, sa mukha naman lumilitaw ang verruca plana at, ‘di gaya ng ibang kulugo, ito ay patag o flat. Nakukuha naman sa pakikipagtalik ang verruca acuminate o genital wart – kulugo na matatagpuan sa ari. Ito lamang sa mga uri ng kulugo ang napatunayang may kinalaman sa cancer.

 

Maaaring single o cluster ang anyo ng mga kulugo, depende kung kumalat ba ang impeksyon sa iba’t ibang area ng balat malapit sa lugar kung saan ito unang lumabas.

 

Ano ang mabisang gamot sa kulugo?

 

undefined

 

Karaniwan, nagde-develop ang katawan ng immune response laban sa mga kulugo kaya mawawala rin ang mga ito sa loob ng anim na buwan hanggang dalawang taon. Kung hindi man ganito ang mangyayari, maaaring mag-self-treatment.

 

Para sa mabilisang kulugo treatment, madalas nagrereseta ang dermatologists – mga doktor na espesyalista sa balat – ng mga pampahid o ointments na may ingredient na salicylic acid. Napapalambot nito ang abnormal skin cells ng kulugo at tinutunaw ito. Ilan pa sa mga gamot sa kulugo ay maaaring nasa form ng liquid, gel, o pad.

 

Paalala: Hindi naman inirerekomenda para sa mga pasyenteng may diabetes ang paggawa ng self-treatment laban sa kulugo. Nangangailangan ito ng pagkonsulta muna sa doktor.

 

Bago ipahid ang gamot sa kulugo, ibabad muna nang limang minuto ang wart para maihanda ang balat sa pagpasok ng gamot. Dahan-dahan namang haplusan ng malinis na tela o maliit na tuwalya ang kulugo para maalis ang dead skin cells o mga balat sa ibabaw nito. Huwag ulitin ang paggamit sa pinanglinis na tela. I-dispose na ito agad. Gamit ang malinis na kamay, ipahid ang salicylic acid treatment at takluban ito ng tape.Maghugas mabuti ng kamay matapos i-treat ang kulugo.

 

Hindi man ito direktang nakakagaling ng kulugo, mainam na may Vitamin C supplement na iniinom araw-araw para mapalakas ang immune system laban sa mga impeksyong gaya ng human papillovirus.

 

Paano alisin ang kulugo?

 

May mga paraan din ng kulugo removal na pwedeng subukan, lalo na kung hindi maganda sa paningin ang pwesto ng impeksyon o kaya naman ay nagsasanhi ito ng discomfort sa specific na parte ng katawan.  

 

Ang cryosurgery, ay isang procedure na gumagamit ng extreme cold para matanggal ito. May paraan namang gumagamit ng laser treatment para tunawin ang impeksyon. Electrocautery naman ang tawag sa proseso ng pagsunog at pagtanggal ng kulugo gamit ang kuryente at init. Siguraduhin lamang na sa professional na dermatologists magpapasailalim sa alinman sa mga ito para hindi lumala ang kondisyon.

 

Tips para Makaiwas sa Kulugo

 

Dahil nakakahawa ang kulugo at ang virus na carrier nito ay maaaring nasa paligid lamang, simulan sa sarili ang pag-iingat mula rito. Kung mayroong kulugo kahit saang parte ng katawan, tandaan ang mga hakbang na ito:

 

  • Huwag kamutin at haplusin ang kulugo at ang area ng balat na kinalalagyan nito.

 

undefined

Photo from Pixabay

 

 

  • Siguraduhing takpan ng sterilized at malinis na bandage o tape ang kulugo para maiwasan ang pagdikit nito sa ibang tao o sa ibang bahagi ng iyong katawan.

 

  • Iwasang mag-brush, magsuklay, maghilod, mag-shave, o maggupit sa lugar kung nasan tumubo ang kulugo.

 

  • Huwag kagatin ang mga kuko sa darili sa kamay dahil sa posibleng paglipat ng impeksyon.  Kasabay nito, huwag din kurutin o piliting tanggalin ang kulugo para hindi lumaganap ang impeksyon.

 

  • Ugaliing maghugas ng kamay. Ipaalala rin ito lalong klalo na sa mga bata.

 

  • Panatilihing moisturized ang balat.

 

  • Iwasang maglakad nang nakatapak sa mga pampublikong lugar gaya ng palikuran at swimming pool.

 

  • Kapag nagkaroon ng sugat, linisin itong mabuti gamit ang sabon at tubig para maingatan ito mula sa pagtubo ng kulugo.

 

  • Huwag magpahiram ng mga gamit para sa personal hygiene gaya ng razor, towel, at socks.

 

  • Tuyuing mabuti ang mga kamay at paa bago manamit. Kung malakas magpawis, siguraduhing magdala ng sarilng towel o panyo para sa kamay, at magsuot ng extra-absorbent socks para in case.

 

  • Huwag hawakan ang kulugo ng ibang tao kahit mukhang tuyo na ito para hindi maipasa ang impeksyon.

 

Sources:

 

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/understanding-common-warts-treatment#1

https://www.buhayofw.com/medical-advice/other-diseases-of-ofws/ano-ang-warts-o-kulugo-butig-at-butlig-sanhi-lunas-gamot-539e7daae8fd0

https://www.compoundw.com/facts-about-warts

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kulugo



What do you think of this article?