Myths Tungkol sa Hyperacidity
August 18, 2021
Ano ang hyperacidity?
Ang hyperacidity, na tinatawag ring gastritis o acid reflux, ay ang pamamaga ng lining ng ating tiyan na karaniwang sanhi ng bacterial infection o ng ilang lifestyle habits tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Marami sa ating mga PiIipino ang nakakaramdam ng hyperacidity araw-araw. Ngunit kahit na ito ay masasabi nating isang pangkaraniwang karamdaman, marami pa ring misconceptions at myths ang kumakalat tungkol sa sanhi, sintomas, at pag gamot nito.
Kung ikaw o may kakilala kang naghihirap mula sa na kondisyong ito, tiyaking informed ka tungkol sa sumusunod na hyperacidity myths – at ang mga katotohanan sa likod nila – upang matiyak na ginagawa mo ang lahat para ma-manage ang kondisyong ito.
Common Hyperacidity Myths and Misconceptions
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-asian-man-black-shirt-cross-1409274380
Myth # 1: Nagagamot ng pag-inom ng gatas ang hyperacidity.
Marami ang nagsasabi na ang pag-inom ng gatas ay isang hyperacidity remedy. Pero maniwala man kayo o hindi, kabaliktaran ang nangyayari kapag uminom ka ng gatas. Pinapalala nito ang hyperacidity dahil ang calcium na nasa gatas ay inuudyukan ang production ng mas maraming stomach acids, na nagpapalala sa kondisyon. Bukod rito, ang gatas ay matagal rin matunaw at matanggal sa ating katawan, kung kaya't ang ating tiyan ay kailangan na naman mag-produce ng extra acids, na kalaunan ay nagdudulot ng mas malalang reflux.
Myth # 2: Hindi hyperacidity treatment ang natural remedies.
Bagaman wala pang matibay na pag-aaral na nagpapakita na mabisang gamot sa hyperacidity ang traditional medical interventions, maraming tao ang nakakaranas ng temporary relief sa pamamagitan ng mga ito. Ang luya – maging ito man ay fresh, dried, powderized, pickled, o candied – ay sinasabing isang mabisang hyperacidity medicine dahil nagagawa nitong i-neutralize ang acids. Ang iba pang kilalang alternative solutions para sa hyperacidity ay relaxation therapy at acupuncture. Ngunit huwag kalilimutan na sumangguni muna sa isang doktor bago ka sumubok ng anumang alternative remedies, nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang iyong kasalukuyang paggagamot.
Myth # 3: Walang kinalaman ang pagtulog sa hyperacidity.
Ang pagtulog ay maaaring maging sanhi ng gastritis dahil ang paghiga ay maaaring magpabalik ng acid sa ating lalamunan. Kapag nangyari ito, pataasin mo ang level ng iyong upper body sa pamamagitan ng paglalagay ng unan sa iyong likuran. Iminumungkahi rin ang pagtulog ng nakahilig sa iyong kaliwa – taliwas sa madalas na sinasabi ng iba na matulog na nakahilig sa iyong kanan – upang maibsan ang sakit.
Myth # 4: Medication lang ang gamot sa hyperacidity.
Bagaman malaki ang maitutulong ng hyperacidity medicines tulad ng Neutracid, Omeprazole, at Ranitidine, maaari mo ring ma-manage ang hyperacidity symptoms sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong lifestyle. Ang labis na timbang at pagsusuot ng masisikip na damit ay maaaring magbigay ng pressure sa iyong tiyan, na maaaring maging sanhi ng reflux. Dahil dito, nirerekomenda ang pagpapanatili ng healthy weight at pagsuot ng maluluwag na damit para mabawasan ang risk na ito. Makakatulong rin ang paghinto sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, pagkain ng tama lang, at pag-iwas sa mga trigger foods.
Ilan lamang ito sa mga kumakalat na misconceptions tungkol sa hyperacidity. Ngayong alam mo na ang totoo tungkol sa mga ito, oras na para itama na ang mga maling akala. Higit sa lahat, kumonsulta sa isang espesyalista upang hindi na lumala ang iyong kalagayan.
Sources:
https://www.healthgrades.com/right-care/acid-reflux-and-gerd/7-myths-about-acid-reflux