Mga Sanhi ng Pananakit ng Dibdib | RiteMED

Mga Sanhi ng Pananakit ng Dibdib

September 21, 2020

Mga Sanhi ng Pananakit ng Dibdib

Mga Sanhi ng Chest Pain o Pananakit ng Dibdib

May iba’t-ibang uri o anyo ang pananakit ng dibdib na posibleng maramdaman ng isang tao. Maraming dahilan kung bakit nakararanas nito. Maaaring indikasyon ito na may malalang sakit ang isang tao tulad ng sakit sa puso o sakit sa baga.

Narito ang ilan sa mga sanhi at sintomas ng chest pain:

Mga Sintomas

Ang chest pain ay nagdudulot ng iba’t-ibang uri ng sensasyon depende sa sintomas o dahilan ng pananakit nito. Kadalasan, wala itong kinalaman sa puso subalit hindi ito kayang ipaliwanag ng ganun kadali.

 

Pananakit ng Dibdib na May Kinalaman sa Puso

Ang sudden chest pain na kadalasang may kinalaman sa sakit sa puso ay maaaring mailarawan ng mga sumusunod na sintomas:

  • Presyon,  kapunuan, mainit at masikip na pakiramdam sa dibdib
  • Parang dinudurog at masakit ang ibabaw ng dibdib na umaabot sa likod (back pain), leeg, panga, balikat, at sa isa o parehong braso.
  • Sakit sa dibdib na paulit ulit at tumatagal ng ilang minute; maaaring mas lumala ang sakit dahil sa mga aktibidad na ginagawa
  • Hirap sa paghinga
  • Malamig na pawis
  • Panghihina at pagkahilo
  • Pagsusuka

Iba Pang Uri ng Chest Pain

Mahirap malaman ang pagkakaiba ng heart-related chest pain sa iba pang uri ng chest pain. Gayunpaman, ang pananakit ng dibdib na may kinalaman sa sakit sa puso ay may kaugnayan sa mga sumusunod:

  • pangangasim
  • hirap sa paglunok
  • sakit na nawawala o lumalala kapag nagpapalit ng posisyon ng katawan
  • tumitinding sakit tuwing humihinga nang malalim o umuubo
  • sakit na tumatagal ng ilang oras

Kung may hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman o sa akala mo ay inaatake ka na sa puso, agad na tumawag ng tulong para sa agarang lunas.

Mga Nagiging Sanhi ng Chest Pain

Maraming dahilan ang pananakit ng dibdib; lahat ito ay nangangailangan ng atensyong medikal.

Mga Sanhi na May Kaugnayan sa Puso

Ang mga halimbawa ng heart-related causes ng chest pain ay:

  • Heart Attack – ang pagbabara ng daluyan ng dugo, blood clot
  • Angina – ito ay sanhi ng mahinang daloy ng dugo sa puso
  • Pericarditis – pamamaga ng sac na bumabalot sa puso
  • Aortic Dissection

Mga Sanhi na May Kaugnayan sa Digestive System

  • Heartburn – masakit at mainit na pakiramdam sa likod ng breastbone dulot ng pagtaas ang asido na nanggagaling sa tiyan patungo sa esophagus.
  • Swallowing Disorders – mahirap at masakit na paglunok
  • Gallbladder or Pancreas Problems – ang pamamaga ng apdo o pancreas ay sanhi ng pananakit ng tiyan na umaabot hanggang sa dibdib

Mga Sanhi na May Kaugnayan sa Kalamnan at Buto

Ang ibang uri ng chest pain ay madalas may kinalaman sa mga pinsala sa buto at muscles.

  • Costochondritis - ang kondisyon na kung saan sumasakit at namamaga ang cartilage ng tadyang na nag-uugnay sa breastbone.
  • Sore o namamagang muscles
  • Injured ribs

Mga Sanhi na May Kaugnayan sa Baga

Karamihan sa mga sakit sa baga ay nagdudulot  ng chest pain.

  • Pulmonary Embolism – Nangyayari ito kapag ang blood clot ay pumasok sa ugat ng baga at hinarangan nito ang pagdaloy ng dugo sa tissue ng baga
  • Pleurisy – pamamaga ng lamad na bumabalot sa baga
  • Collapsed Lung – Nangyayari ito kapag ang hangin ay lumalabas sa pagitan ng baga at tadyang
  • Pulmonary Hypertension – Ang kondisyong ito ay nangyayari kapag mataas ang presyon sa ugat na nagdadala ng dugo patungo sa baga

Iba Pang Sanhi

  • Panic Attack – sobrang takot, mabilis na tibok ng puso, mabilis na paghinga, sobrang pagpapawis, hirap sa paghinga, nahihilo, naduduwal at takot sa kamatayan
  • Shingles – sanhi ng muling pagkakaroon ng chickenpox virus; ito ay nagdudulot ng sakit sa dibdib at mga paltos sa likod patungo sa chest wall.

Ang chest pain o pananakit ng dibdib ay hindi dapat ipagwalang bahala sapagkat ito ay maaaring mauwi sa mas malalang karamdaman o komplikasyon. Kung hindi agad maaagapan ay maaari itong mauwi sa kamatayan. Mainam na kumonsulta agad sa doktor kung nakararanas ng mga sintomas na nabanggit upang malaman kung ano ang tamang gamot at lunas 

 

reference:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321650

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chest-pain/symptoms-causes/syc20370838

https://www.upbeat.org/heart-rhythm-disorders?gclid=Cj0KCQjwvb75BRD1ARIsAP6LcqtjQgAv1NplKJ0gQNXw27WBBZ_zyikZ4k6QftU57xHkbGGvkNRogTcaAlcIEALw_wcB



What do you think of this article?