Mga Paraan Para Makaiwas sa Pagkakaroon ng Ubo | RiteMED

Mga Paraan Para Makaiwas sa Pagkakaroon ng Ubo

February 7, 2018

Mga Paraan Para Makaiwas sa Pagkakaroon ng Ubo

Tag-ubo na naman. Ang ubo ay isa sa pinaka-karaniwang sakit ng mga tao, Karaniwang tatlo o apat na beses nagkaka-ubo at sipon ang mga tao kada taon. Pamamaga ng lalamunan, pangangati ng lalamunan pamamalat at tumutulong sipon ang ilan sa mga sintomas na maaaring sumabay sa ubo. Polusyon, labis na paninigarilyo, respiratory tract infection, allergy at paglanghap ng irritant ay ilan sa karaniwang sanhi ng ubo. Wastong kaalaman sa pag-iwas sa viral infection ang daan para maprotektahan ang mga anak sa pagkakaroon ng ubo. Karaniwan man ang sakit na ubo, maaari rin itong maging delikado. Kaya mainam ng hindi makiuso sa sakit, ito ang ilan sa mga epektibong paraan para makaiwas ang iyong pamilya sa ubo.

 

  • I-disinfect ang iyong kapaligiran. Ang ubo ay maaaring manggaling sa viral infection kaya mainam na panatilihing malinis ang kapaligiran. Mas mainam na i-disinfect ang bawat sulok ng bahay.

 

  • Umiwas sa mga taong may sakit. Iwasan ang mga taong maysakit para hindi mahawa. Madaling kumlat ang virus sa pagiging expose sa mga taong may virus. Makakaiwas din sa pamamagitan ng paggamit ng clinical mask habang kausap sila. Ang sipon ay nata-transmit via airborne droplets.

 

  • Siguruhing laging may dalang tissue. Upang makaiwas, sa madalas ng pagbahing at pagkakalat ng virus, palaging gumamit ng tissue. Ugaliing itapon ang tissue sa basurahan pagkatapos ito gamitin upang mapanatiling malinis ang paligid.

undefined

  • Uminom ng maraming tubig at liquid. Ang pag-inom ng mas maraming liquid tulad ng tubig ay makatutulong para uminit ang pakiramdam mo sa loob at sa pagpapalakas ng iyong immune system. Ang pag inom ng mga maiinit na inumin tulad ng tsaa, soup, o tubig na may honey ay nag-aalis ng irritation at pamamaga ng lalamunan at nakatutulong sa pagpapaluwag ng plema.

 

  • Subukan ang mga cough remedies. Ang mga over-the-counter na gamot ay maaring makapagdulot ng relief sa taong may ubo. Natural at epektibo, ito ay magandang alternatibong gamot para labanan ang sakit. Ang mga produktong tulad ng RM Ambroxol  at RM Ambroxol  Ped ay makakatulong magbigay lunas sa ubo ng mga bata.

 

  • Iwasan ang paghawak sa mukha: Ang virus ay pumapasok sa katawan sa mata, ilong at bibig.  Kaya kung nakahawak sa taong maysakit, siguraduhing nakapaghugas ng kamay bago hawakan ang mukha.

 

  • Gumamit ng paper towels: Ang cloth towel na ginamit ng may ubo ay maaring maging sanhi ng virus na nakakahawa. Huwag gamitin ang mga gamit ng may sakit sakit. Mainam ding gumamit ng paper towel imbes na cloth towel.

undefined

  • Kumain ng wasto para maging malakas ang immune system: Ang pagkain ng balanced diet at page-exercise ay malaking tulong sa pagpapalakas ng immune system na magibigay ng kaukulang lakas at energy na panlaban sa kahit anong klaseng sakit. Ang prutas at gulay ay ang pinakamainam na source ng Vitamin C, na makatutulong para iwas ubo o kaya’y mabilis na paggaling ng ubo.
  • Gumamit ng disposable items: Pagamiting ng disposable utensils ang may sakit ng ubo at itapon ang ginamit na kubyertos. Lalo na kung may bata sa bahay.

 

Tandaan, imposible mang maging 100% cough proof ang iyong anak, ang importante ay ang magkaroon ng hygienic and healthy lifestyle para iwas-ubo.

 

REFERENCES:

https://kidshealth.org/en/parents/childs-cough.html

http://daburhonitus.com/article/what-is-cough

http://daburhonitus.com/article/10-ways-to-protect-your-family-from-cough-and-cold



What do you think of this article?