Mga Pagkain na Kailangan Iwasan Tuwing Mayroong Ubo | RiteMED

Mga Pagkain na Kailangan Iwasan Tuwing Mayroong Ubo

July 30, 2018

Mga Pagkain na Kailangan Iwasan Tuwing Mayroong Ubo

Ang cough o ubo ay isang reaksyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin. Ang cough o ubo ay may iba’t ibang katangian at minsan, ito ay sintomas ng sakit kagaya ng common colds, asthma at bronchitis. Kung may ubo o cough, kadalasang nakakaramdam ng pananakit o pangangati ng lalamunan. Kung kaya’t importanteng malaman ang mga sintomas nito at mga bagay na kailangan iwasan kung merong ubo o cough.

 

Mga Sintomas ng Ubo

 

Ang ubo ay isang sintomas ng isang sakit ngunit maaaring makaranas ng iba pang sintomas depende sa kondisyon na pinag-ugatan ng ubo:

 

  • Sipon at plema
  • Sakit ng ulo
  • Hirap sa paghinga
  • Pagkati at pananakit ng lalamunan
  • Pananakit ng dibdib
  • Wheezing o may kasamang huni ang pag-ubo

Ang mga katangian ng plema ay senyales ng karamdamang nagdudulot ng pag-ubo:

  • Malapot, berde o madilaw - Ang sakit ay kadalasang nakahahawa. Base sa kulay, malalaman kung ang plema ay may maaaring may abscess o nana. Karaniwan itong nakikita sa ubo’t sipon, pulmonya at bronchitis.
  • Kulay abo o malinaw at hindi gaanong malapot - Ito ang karaniwang ilinalabas ng katawan kapag may asthma at Chronic Obstructive Pulmonary Disease o pababalik-balik na ubo.
  • May kasamang dugo - Maaari itong senyales ng impeksyon sa baga o ang pag-grabe ng sakit. Ito ay maaaring sintomas ng malulubhang karamdaman tulad ng lung cancer, TB at pulmonya.
  • Kulay pink at mabula - Ito ay kalimitang sintomas ng pulmonary edema o labis na pagdami ng likido sa baga.

 

Mga Pagkain na Kailangan Iwasan

undefined

Source: https://www.pexels.com/photo/close-up-photography-of-brewed-coffee-977876/

 

 

  1. Dairy o pagkain na may gatas

Tuwing mayroong cough o ubo, pinapayo na iwasan ang dairy o mga foods na may dairy dahil nakakatulong ito sa pagdami ng plema.

  1. Citrus fruits o juices

Ayon sa ibang eksperto, ang mga citrus fruits kagaya ng orange, lemon at calamansi ay kinakailangan iwasan dahil acidic ito at maaaring makasama sa lalamunan. Bagamat mayroon itong vitamin c na nakakatulong sa pagpapagaling ng ubo, kung napadami sa pagkain o pag-inom nito, maaari itong makasama kaysa makabuti.

  1. Fried food o piniritong pagkain

Ang fried foods o mga piniritong pagkain ay maaari lamang magpalala sa cough o ubo. Kung kaya’t pati ang mga pagkaing katulad ng chips, french fries at iba pang junk foods ay kinakailangan iwasan. Nakakabusog lamang ang mga ito at walang gaanong nutrisyong naibibigay sa katawan para gumaling ito.

  1. Coffee

Ang coffee ay hindi nakakabuti sa taong may cough o ubo dahil nakakadulot ito ng hirap sa paghinga at maaari itong maka-dulot ng dry cough.

  1. Alcohol

Ang alak ay nagdudulot ng dehydration at nakakababa ng immune system, kaya kinakailangan itong iwasan kung mayroong cough o ubo.

Ang mga pagkaing nabanggit ay ilan lamang sa mga pagkain na kailangan iwasan kung mayroong cough o ubo. Upang makasigurado na gumanda ang pakiramdam, kinakailangan pumunta sa Doktor upang masuri at mabigyan ng angkop na gamot sa ubo tulad ng RiteMED Ambroxol . Maliban dito, importante din ang pagkain ng masustansyang pagkain at sapat na pahinga para lalong bumilis ang pag-galing ng cough o ubo.

 

Sources:



What do you think of this article?