Mga Mabisang Gamot Sa Ubo | RiteMED

Mga Mabisang Gamot Sa Ubo

July 30, 2018

Mga Mabisang Gamot Sa Ubo

Maraming iba’t ibang klase ng ubo at mga bagay na nagiging sanhi nito. Marami ring mga gamot na pwedeng mabili sa botika, kaya dapat tama ang gamot sa ubo na iyong bibilihin para gumaling ka sa iyong nararamdamang sakit.

Isang madalas na hinahanap ay gamot sa makating lalamunan na maaaring dahil sa plema sa lalamunan na kaakibat ng ubo at sipon, o di kaya naman ay dry cough.

Kung ikaw ay may ubo na tumatagal na ng mga hanggang tatlong linggo, isang mainam na uri ng gamot na maaari mong inumin ay ambroxol. Ito ay isang uri ng “mucolytic”, o gamot na nakakapagpatunaw ng plema. Dahil sa ganitong epekto ng ambroxol, mas madaling lumuwag ang paghinga kaya naman ito ay mainam na gamot sa ubo na may plema sa lalamunan. Karaniwan itong nabibili na 30 mg dosage na tableta o di kaya naman ay 15 mg na syrup para mas madaling mainom ng mga bata.

Isa pang uri ng gamot sa ubo at sipon ay bromhexine. Katulad ng ambroxol, isa rin itong mucolytic na mabisang gamot sa makating lalamunan na dulot ng plema.  Ang kinaibahan nila ay mas mababang dosage ang kadalasang dapat pag-inom ng bromhexine. Ang ordinaryong dosage ng bromhexine ay 8mg na tableta, ngunit para sa mga bata kadalasan ay kailangan itong hatiin sa kalahati.

Kalimitang ligtas ang mga gamot sa ubo na ito, ngunit dapat tandaan na inumin lamang ito sa tamang dosage. Ilan sa mga karaniwang side-effects na maaaring maranasan sa sobrang pag-inom ng mga gamot sa ubo at sipon ay pagkahilo, pagsusuka, at iba pa. Kaya naman mainam ang ibayong pag-iingan sa paggamit ng mga gamot na ito.

Maituturing na karaniwang sakit lamang ang ubo kaya’t minsan ay pinababayaan na lamang ito. Ngunit kapag hindi ito naagapan, maaari itong lumala at maging mas malubha pang sakit. Upang gumaling agad sa ubo, mabuting uminom agad ng tamang gamot at kumonsulta sa doctor.

 

Sources:

https://www.drugs.com/ambroxol.html

https://pharmacybook.net/ambroxol/

https://www.practo.com/medicine-info/ambroxol-530-api

https://www.healthguidance.org/entry/14925/1/bromhexine-hydrochloride.html



What do you think of this article?