Mga kailangan para sa iyong First Aid Home Remedy Kit | RiteMED

Mga kailangan para sa iyong First Aid Home Remedy Kit

March 10, 2019

Mga kailangan para sa iyong First Aid Home Remedy Kit

Ang First Aid (pangunang lunas) ay isang gawain na mahalagang matutunan ng bawat isa sa atin. Ito ay isang epektibong paraan upang ang isang tao na nadisgrasya (o may nararanasang hindi maganda) ay maging ligtas sa tiyak na panganib tuwing oras ng kagipitan.

Bawat sitwasyon ay may kaakibat na hakbang para sa First Aid, mapasimple man o mapalubha na kalagayan. Para sa inyong tahanan, mahalaga na may nakahandang First Aid Kit upang agad na maaksyunan anumang peligro ang mangyari sa inyong mga anak.

Ano ang mga dapat na nasa loob ng inyong First Aid Kit?

Mahalaga na mayroon kang nakahandang First Aid Kit sa inyong tahanan upang maibsan agad at mabigyan ng pangunang lunas ang anumang mangyari sa sarili mo o sa mga tao sa iyong paligid. Siguraduhin na ang First Aid Kit ay nakatago sa isang malamig at tuyong parte ng inyong bahay at hindi pabasta-basta maaabot ng mga bata.

 

Narito ang mga pangunahing bagay na dapat ay present sa inyong First Aid Kit:

 

  1. Povidone Iodine at Hydrogen Peroxide
    Gamit ang bulak, ito ay mabisang panglinis ng sugat.
  2. Cotton
    Para mapadali ang paglagay ng povidone iodine/hydrogen peroxide sa sugat. Siguraduhing malinis ang mga kamay bago hawakan ang mga ito.
  3. Painkillers at iba pang mga gamot
    Ang mga halimbawa nito ay paracetamol, ibuprofen, antihistamine (para sa allergic reaction), at cough syrup.
  4. Adhesive Bandages (band aids)
    Kapag tuyo na ang sugat, maaari na itong takpan ng adhesive bandage (band aids). Ang bawat strip ay may halong antiseptic na tumutulong patayin ang mga natirang germs sa sugat at protektahan ito mula sa impeksyon.
  5. Gauze Pads
    Kapag masyadong malaki ang sugat para sa band aids, maaari itong gamitan/takpan ng gauze pad (gasa). Siguraduhing nalinis nang maigi ang sugat bago takpan ng gasa.
  6. Plaster/Tapes
    Magsisilbing pandikit ng gasa sa sugat.
  7. Bandages
    May dalawang klase ng bendahe: 1. Gawa sa gasa - para sa pagtakip ng mga sugat at 2. Elastic - para suporta/pantakip sa pilay.
  8. Scissors
    Para sa madaling paggupit ng mga gasa/tapes.
  9. Tweezers
    Para sa madaling pagbunot sa mga maliliit na bagay na nakapasok sa sugat o naging sanhi ng sugat gaya ng bubog.

Mga pangunang lunas para sa loob ng bahay

Ano ang mga dapat gawin sa oras ng disgrasya o ang biglaang pagsama ng pakiramdam sa loob ng tahanan? Narito ang mga hakbang para sa mga iba’t-ibang sitwasyon:

1. First aid for wounds (para sa sugat)

undefined
Kapag hindi malalim ang sugat, maaari itong linisin gamit ang povidone iodine o hydrogen peroxide. Patakan ang bulak at ipahid sa sugat; patuyuin muna ng ilang minuto bago takpan ng gasa o ng band aids.

undefined

2. First aid for food poisoning
Kapag nakakaramdam nang malubhang hilo, pagsusuka, at dehydration ang isang tao, maaaring ito ay nakakaranas ng food poisoning.

Maaari itong maibsan sa tulong nang pag-inom ng tubig o ng mga sports drinks na may halong electrolytes kung saan mas nakakatulong sa pagsupply ng tubig sa katawan. Iwasan muna ang pagkain ng mga malalansang pagkain gaya ng karne at isda.
 

3. First aid for nosebleeding
Ang pagdugo ng ilong ay kadalasang sanhi ng panahon, minsan naman ay dahil sa isang mild trauma na natamo nito mula sa aksidenteng pagkakahampas.

Kapag nakaranas nang pagdurugo ng ilong ang isang tao, mahalaga na huwag silang patingalain. Hawakan ang pinakadulo ng ilong, pisilin nang bahagya, at hayaan lamang itong dumaloy.

Siguraduhin na may nakahandang pamunas/pansalo ng dugo. Hintayin lamang ng ilang minuto at titigil na rin ang pagdugo.
 

4. First aid for burns
Kapag napaso ang isang tao dahil sa aksidenteng pagkakahawak nang mainit na bagay, aksyunan agad ito sa tulong nang malamig na tubig.

Siguraduhin na ito ay running water (tuloy ang pagkakadaloy mula sa gripo); hayaan lang ang napasong parte ng katawan sa ilalim nito ng ilang minuto.

Huwag gumamit ng kahit anong ointment o pahiran ng yelo ang apektadong parte ng katawan.

Maaaring painumin ng painkiller ang naapektuhan kung kinakailangan.

Kapag sanhi naman ng isang chemical ang pagkakapaso, agad itong punasan/alisin sa katawan at gawin lamang ang mga naunang nabanggit.

5. First aid for sprain

undefined
Para sa pilay, hangga’t maaari, huwag na hayaang magalaw pa ang apektadong parte ng katawan. Agad itong lagyan ng cold pack/compress. Kung kinakailangan, painumin ng painkiller ang pasyente upang maibsan ang sakit.

Mahalagang Paalala

Mahalagang matutunan ng bawat isa sa atin ang mga pangunang lunas na ito, maaari itong makaligtas ng isang tao o makatulong maibsan ang kanilang nadaramang sakit.

Ngunit, sa tulong ng obserbasyon, kapag ang mga pangunang lunas ay hindi naging epektibo, huwag magdalawang-isip - tumawag agad ng eksperto o isugod agad sa malapit na ospital ang pasyente upang hindi na lumubha ang kundisyon nito.

Sources:

https://www.firstaidanywhere.com/basic-first-aid-instructions.html

https://www.nhs.uk/common-health-questions/accidents-first-aid-and-treatments/what-should-i-keep-in-my-first-aid-kit/

https://www.webmd.com/first-aid/food-poisoning-treatment

https://www.train-aid.co.uk/blog/first-aid-for-food-poisoning

https://www.verywellhealth.com/basic-first-aid-procedures-1298578

 



What do you think of this article?