Mga Gawaing Bahay na Maaaring Gawin ng mga Bata | RiteMED

Mga Gawaing Bahay na Maaaring Gawin ng mga Bata

October 15, 2021

Mga Gawaing Bahay na Maaaring Gawin ng mga Bata

Maraming benepisyo sa bata ang pag gawa ng household chores. Tuturuan sila nito sa kung ano ang kailangan nilang gawin upang mapangalagaan ang kanilang sarili, ang kanilang tahanan, at ang kanilang pamilya. Matututunan nila ang mga skills na maaari nilang magamit sa kanilang adult lives, tulad ng paghahanda ng pagkain, pagpapanatili ng hardin, paglilinis, at pag-aayos ng bahay.

 

Ang pagiging involved sa household chores ay nagbibigay din sa mga bata ng relationship skills na magagamit nila kahit ngayon bata pa sila, tulad ng malinaw na pakikipag-usap, pakikipag-negotiate, pakikipagtulungan, at pagtatrabaho bilang isang team.

 

Kapag ang mga bata ay nakakapag-contribute sa “family life,” mararamdaman nila na sila ay competent at responsible. Kahit na hindi nila madalas gusto ang task na assigned sa kanila, kalaunan, mararamdaman din nila ang feeling of satisfaction that comes with finishing that chore.

 

Maliban rito, ang pagtulong ng mga bata sa house chores ay makakatulong din sa pamilya na mas magtrabaho ng mabuti at mabawasan ang family stress. Kapag tumulong ang mga bata, mas mabilis na natatapos ang mga gawain sa bahay at konti na lang ang poproblemahin ng mga magulang. Dahil dito, mas marami nang oras ang pamilya para makapag-bonding.

 

Paano Mahikayat ang mga Bata na Gumawa ng House Chores

 

Magandang magsimula sa pamamagitan ng pagpili ng mga gawaing bahay na angkop sa edad at kakayahan ng mga bata. Ang mga gawaing napakahirap ay maaaring maging frustrating (o kaya’y mapanganib) para sa kanila at ang easy chores naman ay maging "boring."

 

Kahit na ang mga maliliit na bata ay maaaring makatulong sa mga gawain sa bahay kung pipiliin mo ang mga aktibidad na angkop para sa kanilang edad. Maaari kang magsimula sa mga simpleng trabaho tulad ng pagligpit ng mga laruan o pagpunas ng mga upuan. Ang mga gawaing bahay tulad nito ay nagpapadala ng mensahe na ang kontribusyon ng iyong anak ay mahalaga.

 

Ang ilang mga paraan upang mahikayat mo ang iyong kids na gumawa ng house chores ay ang pagpapagaya sa kanya na gawin ang isang task hanggang sa kaya niya na itong gawin mag-isa at ang pagiging malinaw sa task ng bawat isa. Iminumungkahi rin ang pagpapakita ng interes sa kung paano nila nagawa ang trabaho at ang pagpuri sa positibong pag-uugali ng iyong anak.

 

Simple House Chores na Pwede sa mga Bata

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/mum-teaching-daughter-cleaning-their-home-561469300

 

Narito ang ilang household chores na pwede sa mga bata na may edad 11 years old pababa:

 

School-age children (6-11 years old)

  • Mag-ayos ng higaan
  • Magdilig ng mga halaman
  • Magpakain ng mga alagang hayop
  • Tumulong sa pagtupi ng mga bagong labang damit
  • Magwalis o mag-mop ng sahig

 

Preschoolers (4-5 years old)

  • Tumulong sa pag-set ng lamesa bago kumain.
  • Tumulong sa pag-separate ng mga bagong labang damit bago tupiin;
  • Tumulong sa pamimili ng grocery at pag-organize nito sa lalagyan pagkauwi.

 

Toddlers (2-3 years old)

  • Magligpit ng mga laruan at libro.
  • Maglagay ng mga damit sa clothes hooks.
  • Mag-set ng placemats sa hapag kainan.

 

Ngayong alam mo na kung ano ang mga simple house chores na pwede mo ipagawa sa iyong mga bagets, kausapin mo na sila at simulan niyo na agad ang training!

 

Ngunit tandaan, hindi biro ang paggawa ng mga gawaing bahay, lalo na para sa mga bata. Kung kaya naman inirerekomenda ang pagpapanatili ng kanilang healthy body at strong immunity. Huwag kalimutan na handaan sila ng masustansyang pagkain at painumin sila ng vitamins araw-araw.

 

Sources:

https://ph.theasianparent.com/gawaing-bahay-para-sa-mga-bata  

https://www.smartparenting.com.ph/parenting/toddler/tl/everything-you-need-get-your-toddler-started-on-chores-a1162-20170313-lfrm 

https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/paraan-para-maengayo-ang-bata-sa-household-chores-a1278-20200908



What do you think of this article?