Mga Epekto ng High Blood Pressure sa Katawan | RiteMED

Mga Epekto ng High Blood Pressure sa Katawan

April 6, 2018

Mga Epekto ng High Blood Pressure sa Katawan

Madalas tayo ay nakararanas ng stress na dala ng ating mga pang-araw-araw na gawain. Dahil dito, napaparami at napapadalas ang ating kain, na kung tawagin ay stress eating. Masarap man ang labis na pag-kain sa pakiramdam, hindi magiging maganda ang kahihinatnan kung ito ay ipagpatuloy nang pangmatagalan. Kung hindi mag-iingat, baka ikaw ay magkaroon ng high blood at makaranas ng high blood symptoms balang araw.

Maraming tao ang nangangamba sa high blood, lalo na ang mga nakatatanda, ngunit ano nga ba talaga ang epekto nito sa katawan? Bago natin talakayin ang mga ito, importanteng alamin muna ang high blood pressure symptoms

 

High blood symptoms

Kadalasan ay walang nararamdamang high blood pressure symptoms kahit na mataas ang blood pressure (BP), kaya ugaliing magpa-check-up kada taon. Kung minsan, nakararanas ng mga sintomas paglubha na ang taas ng BP, at kabilang dito ang pananakit ng ulo, lubos na pagkapagod, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, panlalabo ng mata, iregular na pulso, pagbabayo sa ilalim ng dibdib, at pagkakaroon ng dugo sa ihi.

Kapag naranasan ang isa o kombinasyon ng mga nasabing sintomas, agad na tumungo sa pagamutan at kumuha ng hypertension treatment. Ito ay susi sa pag-iwas sa mga sumusunod na epekto.

 

Pinsala sa puso at arteries

undefined

Image from Pixabay

 

Nagdudulot ang high blood ng paghahasa sa arteries, na nagsisilbing daluyan ng dugo papunta at palabas ng puso. Kapag ang arteries ay magkaroon ng mga sugat, papasukan ang mga ito ng taba na galing sa kinain, na maaring maging bara o maging sanhi ng aneurysm o pagkapinsala ng arteries. Nakamamatay ang aneurysm.

 

Bukod dito, sanhi ng sakit sa puso ang high blood. Dahil barado ang arteries, hindi nakakakuha ng sapat na dugo ang puso, na siyang nagdadala ng pinsala. Bumibigat din ang trabaho ng puso dahil dito, kaya ito ay maaaring lumaki o tumigil kung hindi gumawa ng hakbangin na nakasentro sa how to lower blood pressure.    

 

Pinsala sa utak

Katulad ng puso, kailangan ng utak na laging makakuha ng sapat na dugo upang gumana nang maayos. Dahil sa pagkapinsala o pagbabara sa mga daluyan ng dugo, hindi rin nakukuha ng utak ang sapat na oxygen at sustansya, na nagiging sanhi ng mga sakit gaya ng stroke, dementia at transient ischemic attack o pagkagambala sa supply ng dugo sa utak.

 

Pinsala sa bato

Ang pagkakaranas sa high blood symptoms ay pwedeng ituring na senyales na dapat mag-ingat sa mga nagbabalang karamdaman sa bato. Ang pagbabara o pagkapinsala sa blood vessels na dulot ng high blood ay sanhi ng kidney failure, aneurysm, at pamemeklat sa bato.

 

Pinsala sa mata

undefined

Image from Pexels

Hindi lamang ang mga blood vessels na konektado sa puso, utak at bato ang apektado sa high blood, pati na rin ang mga maliit na daluyan ng dugo sa mata ay maaaring magbara o mapinsala. Dahil dito, hindi makakakuha ng sapat na dugo ang mata na sanhi ng panlalabo ng panignin at pagkabulag.

 

Mga problema sa ari at pakikipagtalik

Dahil sa pagbabara ng blood vessels dulot ng high blood, nahihirapang tumigas o panataliing matigas ang ari ng lalaki. Sa kababaihan naman, ang kakulangan ng dugo sa ari ay sanhi ng pagbaba ng libido, pagkatuyo ng ari, at kabawasan ng sarap tuwing nag-oorgasm.     

Ngayong natalakay na natin ang mga epekto ng high blood sa katawan, gumawa ng mga paraan upang mapababa ang blood pressure tulad ng wastong pagkain, pag-eehersisyo, at pag-iwas sa mga bisyo. Kumuha rin ng hypertension treatment sa ospital upang maging ligtas sa matitinding sakit. 



What do you think of this article?