Mga Bagong Strain ng Covid-19 | RiteMED

Mga Bagong Strain ng Covid-19

August 18, 2021

Mga Bagong Strain ng Covid-19

Ang mga virus ay laging nagbabago, kasama na dito ang SARS-CoV-2 coronavirus na sanhi ng Covid-19 pandemic. Bagaman ang karamihan sa genetic changes ay hindi nakapipinsala, ang ilan naman ay maaaring gawing mas magaling manghawa o umiwas sa mga antibodies ang mutant. Ang mas matalinong mga variant na ito ay maaaring matalo ang iba pang mga strain upang sila ang maging pangunahing namumuno sa mga impeksyon.

 

Sa nakaraang taon ay may sunud-sunod na mga mas transmissible variants ang lumitaw. Ang pinaka-nakakabahala sa ngayon ay ang tinatawag na delta variant. Kumalat ito sa higit na 100 mga bansa mula nang unang naiulat ito sa India noong Oktubre. Ngayon ay nagdudulot na ito ng mga pagtaas ng kaso at hospitalization, lalo na sa mga lugar kung saan mas mababa sa kalahati ng populasyon ang ganap na nabakunahan. Ito ang nangingibabaw na variant ngayon sa maraming mga bansa, kabilang na ang United Kingdom (UK) at ang United States (US).

 

Ano ang “variant”?

 

Habang nagre-replicate ang isang virus sa ating katawan, madalas itong sumasailalim sa mga genetic changes na maaaring lumikha ng tinatawag na mga variants. Ang ilan sa mga COVID variants na ito ay nagpapahina ng virus, habang ang iba naman ay maaaring magbigay-daan upang mas mabilis itong dumami.

 

 

 

 

Alpha

 

Ang variant na ito ay lumitaw sa England noong Setyembre 2020 at nagdulot ng pag-akyat ng mga kaso at pagbalik sa lockdown ng U.K noong Enero. Ang iba pang mga bansa, partikular sa Europa, ay sumunod sa U.K. Ang Alpha variant ay dating nangingibabaw na strain sa U.S. at naiulat din sa hindi bababa sa 173 na mga bansa ayon sa World Health Organization (WHO). Ang COVID-19 variant na ito ay maaaring magdulot ng mas seryosong banta sa mga kababaihan. Ang mga pasyenteng babae na may Covid ay mas nangailangan ng masinsinang pangangalaga at nagkaroon ng mas mataas na tyansang mamatay mula sa Alpha variant kaysa sa iba pang variant. Walang ganitong epekto ang natagpuan sa mga kalalakihan.

 

Beta

 

Ang isang ito, na lumitaw sa South Africa noong Agosto 2020, ay nagpataas sa mga kaso ng Covid na sumakop sa southern Africa. Naiulat ito sa hindi bababa sa 122 mga bansa.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/female-uk-lab-scientist-doctor-holding-1882992490

 

Gamma

 

Ang COVID-19 variant na ito, na unang nakita sa lungsod ng Manaus ng Amazon noong Disyembre 2020, ay ang naging dahil sa pagtaas ng mga kaso na naka-apekto sa health system ng Brazil at humantong sa mga kakulangan sa oxygen. Naiulat ito sa hindi bababa sa 74 na mga bansa.

 

Delta

 

Ang mabilis na pagkalat na COVID variant na ito ay nagtulak ng isang biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa India na nakakaapekto sa mga ospital at crematorium doon. Mula noon ay naiulat na ang variant na ito sa 104 pang mga bansa. Tinatayang magiging 55% na higit na nakakahawa ang delta variant kaysa sa alpha at halos dalawang beses na nakakahawa kaysa sa original strain na nagsimulang kumalat sa buong mundo noong unang bahagi ng 2020.

 

Ang mga doktor sa India ay sinabing ang delta variant ang dahilan ng isang mas malawak na hanay ng mga sintomas ng COVID, kabilang na ang hearing impairment. Ang data galing Scotland naman ay nagsasabing ang mga pasyenteng may COVID-19 na nahawaan ng delta variant ay 1.8 beses na mas maaaring maospital kaysa sa mga may nahawaan ng alpha variant.

 

Ang iba pang mga pag-aaral ay natagpuan ang delta variant ay may ilang likas na kakayahan upang makaiwas sa mga antibody. Ito din ay nagdadagdag ng risk ng reinfection sa mga taong naka-recover na mula sa COVID-19.

 

Lambda

 

Ang lambda variant ay iniulat na nagmula sa Peru, ang bansang may pinakamataas na dami ng namamatay sa COVID-19 sa buong mundo. Inilagay ng World Health Organization ang mutation na ito sa listahan ng variants of interest dahil maraming mga katanungan na nakapalibot sa mga katangian nito, transmissibility, at potensyal na paglaban sa mga COVID-19 vaccine ay nananatiling walang sagot.

 

Sinabi ng WHO na ang lambda variant ay nauugnay sa mga malalaking rate ng community transmission sa maraming mga bansa. Iniulat din ng WHO na mas maraming pananaliksik ang isasagawa sa variant na ito. Sinabi ng samahan na ang lambda variant ay nagdadala ng mga mutasyon na may hinihinalang phenotypic implications, tulad ng isang potensyal na pagtaas ng transmissibility o posibleng pagtaas ng resistance sa mga antibodies ng ating katawan.

 

Ipinapakita rin nito ang pagkakatulad ng lambda variant sa delta variant na nagpapahiwatig na ang transmissibility ng lambda variant ay maaaring kapareho sa delta variant.

 

Ayon sa mga eksperto, ang lambda variant ay may dalawang mutasyon - T76I at L452Q - na maaaring maging dahilan para maging mas madali itong makahawa at makalaban sa mga COVID-19 vaccine. Sa kasalukuyan, sinusubukan ng WHO at iba pang mga eksperto sa public health na maunawaan kung ano ang pagkakaiba ng lambda variant kumpara sa iba pang mga bersyon ng COVID-19 virus, kabilang ang kung ito ay mas maililipat o mas lumalaban sa mga COVID vaccine.

 

 

Ang lahat ng COVID variants na ito ay nakakabawas ng bisa ng COVID-19 vaccine ngunit nanatiling epektibo ang mga bakunang ito. Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na kahit na mabawasan ang bisa ng mga COVID vaccine dahil sa paglitaw ng mga mas nakakahawang COVID variants, mabisa pa rin silang gamitin para sa prevention of COVID-19. Pinapaalalahanan ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga minimum health standards tulad ng pagsusuot ng mga mask, face shield, paghuhugas ng kamay, at paglayo sa matataong lugar para sa mas epektibong COVID-19 prevention.

 

 

 

Sources:

https://fortune.com/2021/07/08/alpha-delta-lambda-covid-variant/

https://www.pna.gov.ph/articles/1146832

https://newsinfo.inquirer.net/1455756/deadlier-than-delta-lambda-strain-detected-in-over-30-countries-says-malaysi



What do you think of this article?