Kailan Pwedeng Tumigil Uminom ng Gamot sa Diabetes? | RiteMED

Kailan Pwedeng Tumigil Uminom ng Gamot sa Diabetes?

August 18, 2021

Kailan Pwedeng Tumigil Uminom ng Gamot sa Diabetes?

Marami sa mga taong may diabetes ay nakakapamuhay pa rin ng normal sa tulong ng healthy lifestyle at pag-inom ng gamot. Ngunit sa kabila nito, mas mapapagaan pa rin ang buhay kung walang maintenance na gamot na kailangan inumin.

 

Posible nga bang dumating ang panahon na hindi mo na kailanganin uminom ng gamot sa diabetes? Anu-ano nga ba ang mga kondisyon para maging ligtas ang pagtigil mo ng pag inom ng gamot?

 

What is diabetes?

 

Ang diabetes mellitus ay isang karamdaman kung saan ang katawan ay hindi makalikha ng sapat na insulin o kaya ay hindi makaresponde nang maayos dito. Ang insulin ay ang hormone na naglilipat ng asukal mula sa dugo papunta sa iba’t-ibang cells upang gawing enerhiya ng katawan.

 

Dahil hindi sapat ang insulin, ang mga may diabetes ay maaaring makaranas ng mga sintomas tulad ng madalas na pag-ihi, maya’t-mayang pagkauhaw, maya’t-mayang pagkagutom at pagkain ng marami, panghihina, at pagkatamlay.

 

 

Ano ang karaniwang gamot sa diabetes?

 

Isa sa mga karaniwang gamot para sa diabetes symptoms ay ang Metformin (Glumetza, Riomet, Glucophage, Fortamet). Ito ay nakakatulong sa pag kontrol ng blood sugar level sa mga taong may type 2 diabetes. Gayunpaman, hindi ginagamot ng metformin ang diabetes causes. Ginagamot lamang nito ang symptoms of diabetes sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood sugar o glucose level.

 

Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyo ng pag inom ng Metformin:

  • Binabawasan ang paggawa ng atay ng glucose
  • Binabawasan ng pagsipsip ng glucose mula sa tyan
  • Pinapabuti ang pagka sensitibo sa insulin ng mga paligid ng tisyu

 

 

Kelan pwedeng itigil ang pag inom ng Metformin?

 

Ang metformin ay isa sa mahalagang bahagi ng isang mabisang plano sa pag gamot sa diabetes. Ang unti-unting pagbawas ng dose ng metformin o pagtigil sa pag inom nito ay posible at ligtas naman kung ang iyong diabetes ay kontrolado. Gayunpaman, bago ka tumigil sa pag-inom ng metformin, kausapin muna ang iyong doktor upang malaman kung ito ang tamang hakbang para makontrol ang iyong diabetes symptoms.

 

Mga criteria na dapat makamit bago itigil ang pag-inom ng metformin

 

Ang sinumang may diabetes ay maaaring makinabang mula sa pagbabago ng ilang mga lifestyle habits. Ang pagbawas ng timbang, pag-maintain ng healthy diet, at pag-eehersisyo ay ang pinakamahusay na paraan upang mabawasan ang glucose sa dugo. Kung magawa mo ang mga pagbabago na ito, posibleng hindi mo na kakailanganin ang pag-inom ng metformin o iba pang mga gamot sa diabetes.

 

Ayon sa mga eksperto mula sa American Diabetes Association, kailangan mong matugunan ang mga sumusunod na critera bago ka payagan ng iyong doktor na tumigil sa pag-inom ng mga gamot sa diabetes:

  • Ang iyong A1C ay mas mababa sa 7%.
  • Ang iyong blood glucose sa umaga ay mababa sa 130 mg/dL.
  • Ang iyong blood glucose level pagkatapos ng pagkain o kahit anong oras ay mas mababa sa 180 mg/dL.

 

Mapanganib na ihinto ang pag-inom ng Metformin kung hindi mo natutugunan ang mga criteria na ito. Mahalaga ring tandaan na ang mga criteria na ito ay maaaring magbago batay sa iyong edad, pangkalahatang kalusugan, at iba pang mga kadahilanan. Kaya’t mahalagang makipag-usap sa iyong doktor bago baguhin ang iyong diabetes treatment plan.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/diabetic-measures-level-glucose-blood-world-1182539971

 

 

Anu-ano ang pwede mong gawin para makontrol ang blood sugar?

 

Para dumating ang panahon na hindi mo na kailangang uminom ng gamot sa diabetes, kailangan mong matagumpay na mapababa at makontrol ang iyong blood sugar sa tulong ng mga sumusunod na pagbabago sa lifestyle habits:

 

  • Pagpapanatili ng isang malusog na timbang
  • Mas maraming ehersisyo
  • Pagbabawas ng pagkain ng carbohydrates
  • Pagbabago ng iyong diet upang maisama ang mga low-glycemic carbohydrates
  • Pagtigil sa paninigarilyo
  • Pag inom ng mas kaunti o walang alkohol

 

Bago mo tuluyang iwan ang pag inom ng gamot sa diabetes, siguraduhing kontrolado na ang iyong glucose level. Mahalaga ring kumunsulta muna sa doktor bago gumawa ng kahit anong pagbabago sa iyong diabetes treatment plan.

 

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/stopping-metformin

https://www.webmd.com/diabetes/features/stop-diabetes-meds-doctor

 

 



What do you think of this article?